Chapter Eleven: A Brand New Start.

415 10 1
                                    

Ilang gabi nang nakaburol ang mga labi ni Alex, hindi pa rin matigil sa pag-iyak si Dimples. Pakiramdam niya ay nawalan na siya ng pader na masasandalan. Sa hindi kalayuan ay nakatingin sa kanya si Dexter. Hindi nito napansin ang paglapit ng kapatid niya.

Anthea: Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Awang-awa na ako sa kanya Dex, awang-awa na ako sa kapatid ko.

DJ: Naaawa rin naman ako sa kanya Thea, gusto ko siyang damayan, pero natatakot ako.

Anthea: Bakit ka naman matatakot?

DJ: Hindi ko alam kung papano ko siya lalapitan, kung hindi sana kami nagkagalit, hindi sana ako nahihirapan ng ganito.

Anthea: Alam mo ngayon niya mas kailangan ang suporta natin, lalong lalo na ang suporta mo, ikaw ang bestfriend niya eh.

DJ: Pero natatakot pa rin ako sa magiging reaksyon niya. Marami akong nasabing masasakit na salita sa kanya, nasaktan ko na naman siya.

Anthea: Dex, hindi ka naman matitiis niyan eh. Alam mo naman na mahal ka niya di ba? Sabihin na natin na hindi kayo pareho ng nararamdaman, pero Dex, for the sake of your friendship, sana madamayan mo siya ngayon.

Muli niyang tinanaw ang kaibigan. Nakita niya ang patuloy na pag-patak ng mga luha nito.

Anthea: Alam ko gusto mo siyang lapitan. Kaya sige na ‘wag mo nang pigilan ang sarili mo.

Buhat sa narinig mula dito, ay dahan-dahan siyang lumapit dito, kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at inabot dito, napatingin ito sa kanya bago kinuha ang panyo at magsalita.

Dimples: Salamat.

DJ: Pwedi bang maupo sa tabi mo?

Isang pilit na ngiti ang ibinigay nito sa kanya, agad naman siyang umupo sa tabi nito.

DJ: Hindi mo pa talaga natatanggap ang pagkawala niya.

Dimples: Paano ko naman matatanggap agad? Akala ko nakatagpo na ako ng taong matatakbuhan ko sa oras na malaman mo ang totoo. Akala ko, may makakasama ako palagi sa oras na iwasan mo na ako, at akala ko, hindi niya ako iiwanan tulad ng nangyari sa atin.

Hinawakan niya ang kamay nito.

DJ: Hindi naman ako nawala, nandito pa rin naman ako. Diba, nangako ako sa kanya na aalagaan  kita, at magiging okey na tayong dalawa?

Dimples: (Sad Smile) Alam ko naman na napilitan ka lang. Alam ko na gusto mo lang pagaanin ang loob niya, hindi naman kita pinipilit na maging okey tayo kung masama pa ang loob mo sa akin. Tutal sanay na naman ako na palaging naiiwan.

Isang tingin ang binigay nito sa kanya at umalis. Wala siyang ibang nagawa kundi ang tingnan lang ito. Dumating ang araw ng libing ni Alex, nakaalalay siya kay Dimples, alam niya na kailangan siya nito sa mga sandaling iyon. Habang binababa na ang kabaong.

Dimples’s POV:

“Maraming salamat Lex, sa mga panahon na pinasaya mo ako, sa mga panahon na hindi mo ako iniwan. Sa mga memories na iniwan mo sa akin, hinding-hindi kita malilimutan.”

DJ’s POV:

“Bro, alam ko, marami akong kasalanan sayo, pero maraming salamat sa lahat ng bagay na nagawa mo para sa amin ni Dimpz, alam ko nangako ako na hindi ko pababayaan si Dimpz, aalagaan ko siya at magiging okey kami. Tutuparin ko lahat ng ‘yon.”

Natapos na ang libing pero nakatayo pa rin si Dimples sa puntod ni Alex. Nilapitan siya ni Dexter.

Dexter: Bess?

My Best Friend's Heart..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon