Chapter Eight: First Day MU?

622 17 8
                                    

Unang araw ng klasi, abala na ang lahat sa paghahanap sa mga classrooms nila. Nasa loby si Dimples at naghihintay kay Dj.

Dimples: Ang tagal naman nasaan na kaya ang mokong na ‘yon.

Ilang minuto na siyang nakatayo doon ng biglang may lumapit sa kanya.

Alex: Hi Dimples.

Dimples: Oh Alex, dito ka rin pala.

Alex: Oo eh, gusto rin kasi ng mama ko na magHRM ako. Kaya nandito ako.

Dimples: Wow naman, mahal mo talaga ang mama mo no.

Alex: Oo naman, siya na lang kasi ‘yong nag-aalaga sa akin. Alam mo naman ang storya diba.

Dimples: Oo naman. Pahiram naman ng Enrolment card mo, titingnan ko lang kung magkaklase tayo.

Inabot nito ang EC nito.

Dimples: Oh magkaklase tayo sa lahat ng subjects.

Alex: Patingin nga? Oo nga noh. Mabuti naman at may kasama ako. Sino nga palang hinihintay mo?

Dj: Ako, bakit may problema?

April: Hi Dimpz, hi Alex.

Hindi namalayan ni Alex ang pagdating ni Dj at April. Biglang nagbago ang mood ni Dimples, nawala ang ngiti niya na agad napansin ni Alex.

Alex: Wala naman. Magkasama pala kayo ng girlfriend mo. Hello. Dimpz okay ka lang? bakit parang hindi maipinta ‘yang mukha mo?

Dimples: Ah oo okay lang, Lex, halika na. Una na tayo.

Alex: Ha? Bakit? Akala ko--

Dj: Sabay ka na lang sa amin bess.

Dimples: ‘Wag na bess, magkasama na naman kayo ni April eh. Sinabi mo sana kanina na magkasama kayo, para hindi ako naghintay pa dito. Sige alis na kami,Pril una na kami.

April: Okey, see you around.

Hindi napigilan ni DJ si Dimples ng hilahin na nito si Alex palayo. Nakatingin lamang siya sa dalawa na tumututol ang kalooban.

Alex: Nag-aaway na naman ba kayo?

Dimples: Ha? Sino?

Alex: Ni Dj.

Dimples: Hindi naman.

Alex: Alam mo kahit sandali lang kitang nakasama last year, nakilala na kita eh. Bakit umiiwas ka kay DJ?

Dimples: Alam mo naman na may gusto ako sa kanya diba?

Alex: Oo naman, obvious naman kasi.

Dimples: Pati pala Ikaw nakakahalata. (Sad Smile) Nasasaktan kasi ako pagnakikita ko siyang kasama ang girlfriend niya.

Alex: Ayaw mo ba kay April? Bakit hindi ka muna lumayo?

Dimples: Hindi naman sa ganoon. Kaya lang nakakailang pagnakakasama ko sila. Paano naman ako lalayo? Hindi ko nga kayang nag-aaway at hindi kami nagpapansinan ng matagal, ang lumayo pa kaya?

Alex: Hmm, nandito naman ako. Pwedi naman na sa akin ka muna sumama.

Dimples: Kasi naman Alex, alam ko na may gusto ka rin sa akin. Inamin mo na sa akin ‘yan noon. Ayaw ko naman na umasa ka pag tinanggap ko ang alok mo.

Alex: ‘Wag kang mag-alala. Purely friendship lang ang gusto ko wala ng iba. Pwedi mo naman akong maging new friend diba? Kilala mo na naman ako, at ikaw din. So ano?

Dimples: Hay sige na nga.

Alex: So friends?

Dimples: (Smile) Okey friends.

My Best Friend's Heart..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon