Ilang araw na silang nakabalik sa Maynila, naghahanda na din sila para sa panibagong hamon sa buhay nila ang college life. Magkaiba ang kursong balak nilang kunin maliban na lang kay DJ at Dimples na napagkasunduang kumuha ng culinary course. Pareho kasi silang mahilig sa pagluluto, pareho din nilang gusto na magkaroon ng restaurant at syempre pa na silang dalawa nag magmamay-ari. Araw ng enrollment nila. Maaga pa lang ay nakahanda na si Dimples, susunduin kasi siya ni Dexter. Ilang minute ang nakalipas ay tinawag na siya ng Mommy niya.
Diana: Anak, nandito na si Dexter.
Dimples: Lalabas na po ma. Ang aga naman ng mokong na ‘yon. 8:30 ang usapan naming, 7 am pa lang nandito na
Ngumiti na lamang siya at lumabas, nasa sala ito at naghihintay sa kanya.
Dimples: Good morning.
DJ: Morning bess.
Dimples: Aga mo ata. You’re an hour and an half ahead.
DJ: Kasi umabot sa bahay ang amoy ng niluluto ni tita eh. Kaya nandito ako. Makikikain.. (Smile).
Dimples: Lakas talaga ng pang-amoy mo sa pagkain noh. Eh ilang metro kaya ang layo ng bahay nyo ditto, tapos nasinghot mo pa ang amoy ng niluluto ni mommy.
DJ: Eto naman.
Diana: Oh, tama na ‘yan. Nakahanda na ang pagkain. Ikaw naman Dimples, hindi ka na nasanay dyan sa bestfriend mo, eh halos araw-araw ditto na ‘yan kumakain.
Dimples: ‘Yon na nga mom eh, parang walang pagkain sa bahay nila.
DJ: Ikaw talaga. Eh, sa ma masarap magluto si tita eh. May magagawa pa ba ako doon.
Diana: Oh, baka mag-away pa kayong dalawa. Halina kayo at lalamig ang pagkain.
Pumunta na sila hapagkainan, nauna pang umupo si DJ sa kanya.
Dimples: Aba, at nauna ka pa talagang maupo ha. Akala ko gentleman ka na.
Tumayo si DJ at pinaghila siya ng upuan.
DJ: Ito talaga, binibisto ako kay Tita.
Dimple: Eh totoo naman eh.
Diana: Tama na ‘yan. Alam na alam nyo na ayaw ko ng away sa harap ng pagkain.
Dimples: Ito kasi. Parang wa---
Hindi na natapos ni Dimples ang sasabihin, dahil sinubuan na siya ni DJ. Natawa na lamang ang Mommy ni Dimples.
DJ: Ang dami mo pang sinasabi, ayan kain na.
Diana: Kayong dalawa talaga ang kukulit niyo. Para parin kayong mga bata. Baka nakakalimutan nyo mageenroll na kayo sa college.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Heart..
FanfictionInlove si Dimples sa Bestfriend niyang si Dexter, ngunit may gusto itong iba. Paano nya ipaparamdam dito ang pagmamahal niya kung biglang pumasok sa eksina ang babaeng mahal nito? masasabi pa kaya nya na mahal niya ito? O tatalikuran na lang ang mga...