Epilogue

436 16 6
                                    

Nasa dalampasigan si Dimples at nakatingin sa paglubog ng araw, nabigla siya ng may yumakap sa kanya mula sa likuran. Isang halik sa pisngi ang nagpangiti sa kanya. Hinarap niya ang taong nagpapaligaya sa kanya.

Dexter: Anong iniisip mo babe?

Dimples: Naalala ko lang ‘yong mga sinabi mo noon sa akin, noong huling beses na dito tayo ng celebrate ng birthaday natin sa palawan.

Dexter: Saan doon?

Dimples: Hmm, noong sinabi mo na gusto mong dalhin dito si April.

Dexter: Ah. ‘yon ba. Akala ko nga eh madadala ko siya dito. Hindi pala, ikaw pala ang dadalhin ko pabalik dito.

Tinanaw nila ang paglubog ng araw.

Dimples: Masaya ka ba?

Dexter: Oo naman. Bakit mo naman naitanong?

Dimples: Wala lang. Alam mo babe akala ko hindi na to mangyayari. Akala ko hindi na magiging tayo.

Dexter: Akala ko rin naman babe. Pero dapat diba maging masaya tayo kasi, heto tayo ngayon, masaya at mahal na mahal ang isat-isa.

Dimples: Noon akala ko kaya hindi ka pa nagkakagirlfriend ulit kasi hindi ka pa nakakapagmove on kay April.

Dexter: Ayoko na rin kasing dayain ang sarili ko babe, kaya naghintay na lang ako ng tamang pagkakataon para masabi sayo.

Dimples: Ang tagal din ng right time na sinasabi mo noh. Halos 7 years. Eh pano kung napagod ako noon.?

Dexter: (Smile) Kaya nga nagpapasalamat ako na hindi ka napagod na maghintay. Salamat babe. Mahal na mahal kita.

Dimples: Mahal na mahal din kita babe.

Habang papalubog ang araw, ay hinagkan ni Dexter si Dimples sa mga labi. Alam nila na sa pagsikat ng araw at pagdating ng umaga ay magkakaroon din sila ng bagong simula.

                  

“If LOVE was TRUE, it can WAIT, and OVERCOME any OBSTACLE that will come.”

THE END...

My Best Friend's Heart..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon