Gabi na ng ihatid siya ni Dexter sa kanila, gumala ka sila pagkatapos ng klase nila. Pagdating doon ay pinapasok niya muna ang kaibigan.
Dimples: Maupo ka muna, sandali lang titingnan ko lang kung nakahanda na ang dinner.
Umupo si Dj, habang pumunta naman sa kitchen si Dimples, doon nadatnan niya na naghahanda ang mommy niya.
Diana: Nandito ka na pala anak, sinong naghatid sayo pauwi?
Dimples: Magkasama po kami ni Dj mom. Nasa sala po siya naghihintay.
Diana: Ah, ganoon ba. Sandali na lang to. Puntahan mo muna siya at sabihin mong dito na kumain.
Biglang may sumagot sa likuran nila.
Dj: Wow, ang sarap niyan titamy.
Diana: Oh, akala ko nasa sala ka?
Dj: (Nilapitan nito ang mommy ni Dimples at hinalikan sa noo) Eh kasi po, ang bango ng niluluto niyo.
Dimples: Naku ma ‘wag ka nang magulat, alam mo naman ng ang lakas ng radar nito sa pagkain, lalo na at ikaw ang nagluto.
Dj: Eto naman, slight lang naman.
Nagkatawanan sila, iyon ang naabutan ni Anthea at ng Daddy nilang si Raymond.
Raymond: Did we miss something?
Dimples: Hi dad! Ate!
Anthea: Ang saya nyo naman ata?
Dimples: Eh, kasi ‘tong si Dex, ang lakas ng radar sa pagkain.
Anthea: (Tumawa) Wala na naman siguro akong dapat ikagulat. Eh simula pa noong bata pa tayo, malakas na ang radar niyan.
Dj: Thea naman, dinagdagan pa.
Raymond: Oh tama na ‘yan at baka magkaasaran pa kayo. Tulungan ‘nyo na ang mommy nyo at maupo na tayo para makakain.
Sabay na nilang tinulungan ang mommy nila at agad na umupo.
Raymond: Dex, dito ka na sa pwesto mo.
Dj: Ayon.
Dimples: Eto naman, pinapupunta ka lang ni daddy sa pwesto mo masaya ka na agad.
Dj: Bess, naman syempre namiss ko si Daddy.
Dimples: Kung makaDADDY WAGAS!
Raymond: Tama na ‘yan. Nasa harap na tayo ng pagkain. Alam nyo naman ang rules ko pagdating dyan.
Natahimik silang lahat at sinimulan na ang pagkain.
Raymond: Dex, kumusta ang pag-aaral nyo ni Dimples?
Dj: Okey lang naman po dy.
Raymond: Nag-aaral ba kayong mabuti?
Dimples: Oo naman po Dad. Mabait naman po kami sa school.
Raymond: Dex, ikaw ang inaasahan ko na magbantay dito sa bestfriend mo.
Dimples: Naku dad, baka ako ang magbantay dyan.
Dj: Eto naman, hello! Babantayan kita sa school noh.
Dimples: Baka magdate ka lang!
Dj: Hindi noh!
Raymond: Oh, tama na yan. Dex, alam ko naman na may girlfriend ka ngayon. Hiling ko lang sayo, wag na wag kang mawalan ng panahon kay Dimples. Malaki ang tiwala ko sayo.
Dj: Promise dy. Ako ang bahala sa kanya.
Raymond: Aasahan ko yan.
Dimples: Dad naman, baka mapressure ang baliw na ‘yan.
BINABASA MO ANG
My Best Friend's Heart..
FanfictionInlove si Dimples sa Bestfriend niyang si Dexter, ngunit may gusto itong iba. Paano nya ipaparamdam dito ang pagmamahal niya kung biglang pumasok sa eksina ang babaeng mahal nito? masasabi pa kaya nya na mahal niya ito? O tatalikuran na lang ang mga...