Chapter Three: It's Complicated..

723 13 1
                                    

Ilang minuto ng naghihintay si DJ kay Dimples ngunit hindi pa rin ito bumabalik, bigla na siyang kinabahan. Hinanap niya ito sa may dalampasigan at nakita niyang nakaupo ito malapit sa isang malaking bato, nilapitan niya ito.

DJ: Bess okey ka lang ba?

Dimples: (Wipe her tears) Ahh, oo naman okey lang ako bess.

DJ: Bakit ka umiiyak? May problema ba?

Dimples: Naku wala to. Napuwing lang ako.

DJ: Sure ka?

Dimples: Oo naman, i'm sure.

Umupo sa tabi niya di Dex at niyakap siya.

DJ: Halika nga dito. Bakit nag.eemote ka ha?

Dimples: Naalala ko lang kasi ang mga ginawa natin this year. Nakakamiss din kasi 'yong times na palagi tayong gumugimik na tayong dalawa lang.

DJ: Pwedi pa naman nating gawin ulit 'yon ah.

Dimples: Hindi na siguro.

DJ: Bakit mo naman nasabi 'yon?

Dimples: Ikaw na rin ang may sabi na malapit ka ng sagutin ni April, syempre pa kayo na palagi ang magkasama. Mawawalan ka na ng time sa amin, sa akin.

DJ: "yan ba ang pinoproblema ma? 'Wag kang mag-alala kahit na maging kami pa ni April, hinding-hindi ako mawawalan ng panahin at oras sayo. Ganyan kita ka mahal.

Dimples: Mahal mo ako?

DJ: Oo naman, bestfriend kita diba?

Dimples: Sabi ko nga eh.

DJ: Kaya 'wag ka ng magdrama okey?

She just smiled. Nagtagal pa sila sa dalampasigan at nagkwentuhan tungkol sa mga bagay na gusto nilang gawin, and then they watched the sunset.

Dimples: Ang ganda talaga ng sunset.

DJ: Oo nga eh. Naalala mo noon, nalulungkot tayo pag lumubog na ang araw kasi maghihiwalay na naman tayo.

Dimples: Oo nga eh, tapos iyak ako ng iyak kasi uuwi ka na. To think na ilang blocks lang ang layo ng bahay niyo sa amin.

DJ: nakakatawa noh. Pero habang tumatagal, narealize ko na maganda din ang dulot ng sunset.

Dimples: Bakit naman?

DJ: Kasi binibigyan niya ako ng pag.asa na papatawarin mo ako kung may atraso ako sayo. Tulad ng sun rise nagbibigay ng bagong pag-asa.

Dimples: Sana lagi na lang tayong masaya Bess.

DJ: Promise we will make another year full of memories.

Tumunog ang cellphone ni DJ.

DJ: Hinahanap na tayo nina ate. Halika na.

Dimples: Sige na sunod na lang ako.

DJ: Bess, wag matigas ang ulo.

Dimples: Oo na nadyan na.

Sabay silang bumalik sa mga cottages nila. Ilang minuto pa ang lumipas ay pinatawag na sila para kumain. Habang kumakain ay nagkatuksohan na naman sila.

Karl: Saan kayo galing kanina? Nagdate kayo noh.

Robie: Oo nga, itong si DJ bigla na lang nawala habang naglalaro kami.

Dimples: Sabi niya kasi kanina nabobored daw siya kasi wala siyang kalaban.

JK: Ha? Eh ako 'yong kalaban niya kanina eh.

My Best Friend's Heart..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon