Chapter Four: Last Day at Sixteen

599 13 1
                                    

Parang ilang oras lang ang tulog ni Dimples. Nagising siya sa pagyugyog ni DJ sa kanya.

Dimples: Oh, Bess ang aga mo namang nang-gising.

DJ: It's seven na kasi, kaya dapat bumangon ka na dyan. Kailangan mong kumain ng breakfast, nasa labas na silang lahat.

Dimples: Sige susunod na ako.

DJ: Okey, bilisan mo ha.

Umalis si DJ, naiwan siyang mag-isa, makalipas ang ilang minuto, bumangon na siya at naghilamos. Paglabas niya ay nag.kukwentuhan ang lahat. Lumapit siya sa mga ito.

Dimples: Good morning guys.

Anthea: Good morning sis, kumusta nag tulog mo? Napasarap ata ah.

Dimples: Oo nga te eh, pero it's fine.

DJ: Halika na dito bess, maupo ka na at nang makakain na tayo. Gutom na gutom na ako.

Dimples: Eh, bakit hindi na lang kayo naunang kumain?

Jane: Sabi kasi ni DJ, gusto niya sabay-sabay tayong lahat, kaya ayan hinintay ka namin.

Dimples: Himala, noon kahit wala ako eh, chumichibog ka, ngayon hindi na. May lagnat ka ba?

Sinalat niya ang noon nito, napatawa naman lahat sa ginawa niya. Kinuha hi DJ ang kamay niya at tumayo upang hilahin ang upuan niya.

JK: Oh, biglang naging gentleman?

Karl: Wow, kakaiba ata yan ah. Nasaniban ka ba?

DJ: Grabe naman 'tong mga to.

Robie: Tama na 'yan. Kain na tayo.

Masaya silang kumain. Pagkatapos ay pumunta na sila sa venue. Nandoon na lahat ng kailangan nila.

Kyla: Wow ang ganda ng mga flowers ah.

Jane: Fresh lahat. Ang ganda ng roses. Saan ba to galing?

Anthea: Doon sa flower garden ng resort. Marami pang magagangang bulaklak doon.

Robie: Pwedi bang makita?

Kyla: Oops.. Pwedi 'wag ngayon? Maghahanda pa tayo sa mini party natin para bukas ouh. At ang dumi pa nitong venue.

Dimples: Oo nga naman. Mamaya na lang.

Anthea: Mabuti pa sis, magbonding na lang kayo ni DJ. Kami na lang ang bahala dito.

Dimples: Hindi noh. Tutulong ako.

Kyla: Naku, 'wag na. Kaya na namin to, saka para sa inyo naman 'tong gagawin namin eh. So better have fun.

DJ: Oo nga naman bess, may mga plans na ako for today para sa ating dalawa eh.

Dimples: Ay, ganun? Alert ah.

DJ: Syempre, last day ng pagiging 16 natin to eh. Dapat lang maging special 'tong araw na to.

Karl: Maraming surprise para sayo 'yan.

JK: Tama. Kaya lumakad na kayo para matapos niyo lahat.

Umalis na sila at pumunta sa kani-kanilang cottages. Paglabas ni Dimples ay naghihintay na si DJ.

Dimples: Ang layo naman ata ng utak mo? Ano bang iniisip mo?

DJ: Ikaw..

Dimples: Huh? Bakit ako? (Kinabahan)

Tumingin sa kanya si DJ na seryoso ang mukha.

DJ: Ang tagal ma naman kasi. Akala ko nalunod ka na sa bathtub! (Laugh)

My Best Friend's Heart..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon