"Preparations"

2.1K 50 0
                                    

Keep on reading guys...

----------------

What the heck!

Bakit siya pa ang ka-group ko. Sigurado ako na si monica ang may pakana nito.

Nandito na nga pala yung dalwa at sakto binabanggit na ni monica ang mga officers na ihihiwalay-hiwalay at mamaya na yung preparations ng sa clubbings.

"Again......Ms. President sa grupo nina russell"- sabi niya hababg naka-ngisi. Umbagan kita ehh. charr lang

"Alam na naman ni V-P yung group so akin naman. At syempre kay babe ako ka-group"- what the! magkasama sila.

"Wait...wait...wait... unfair aba! parehas kayo officer pero same group." reklamo ko.

" Alam na po ni Ma'am Principal pinayagan po kami."- ayy! daya ako pano?

"Adi ako din magpapaalam, sa inyo ak----" hindi ko na natapos dahil biglang nagsalita si russell.

" Ayaw mo ba ako kasama. Kami ni Keaichelle"- pagmamaktol niya. Ihh naman.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong akbayan at ayun pinagtutukso kami. Napansin ko naman na may nakatingin sakin nung tiningnan ko naman wala. Bahala na nga.

"Oo na!"- yun lang sinabi ko pero parang may fiesta na naganap

"Yawn! naman"- kantyaw ni monica.

Lahat naman kami napatingin sa nagsalita.

"Para san ba yan?"- sabi ezekiel.

"Ahh dun kasi yun sa foundation day. Pati mga officers ehh kasali so pinaghiwa-hiwalay na lang sila."- paliwanag ni monica pero ako nakayuko at kanina ko pang napapansin na may nakatingin or should i say nakatitig na hindi ko naman bigyan pansin na tingnan eh kasi naman nakaka-alangan , gusto ko ngang sabihin na ' staring is rude, do you know that'.

Nagsalita naman si keaichelle na medyo kina-kulo ng dugo ko.
"Ahm! babe samin kana sumali please"- sabi niya habang nagpa-puppy eyes at aba palambing pa. Tsk! so what naman.

Tumango na lang si ezekiel at dun ako napatingala kaya napansin ko na nakatingin siya sakin. Ayy! wag assuming kaya tiningnan ko yung likod kung may tao pero wala, kaya nung lumingon ako sa kanya mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

********

Natapos na kaming lahat sa pagkain at kasabay ko ngayon ang mga kagrupo ko. Nemen bakit kasi ganito ako pag kay russell, simula dun sa office naging ganito ang feeling ko sa kanya.

"Ynnah"

Ehh ang hirap kaya umiwas lalo na kay ezekiel. Pero may creepy feeling ako na may nakatingin sa amin nung nag-uusap ka---

"ARUUYYYY"- sabi ko habang sapu-sapo ang noo.

"Bakit ba?"- tanong ko kay russell kasi naman bigla-bigla na lang namimitik ng noo ng walang dahilan.


Nakatingin lang samin yung ibang kagrupo namin at nakita ko si keaichelle na nakangisi. Ayy! guni-guni ko lang pala.

"Kanina pa kaya kita tinatawag ehh. Lutang ka naman. Ano ba iniisip mo?"- sabi niya sabay akbay.


LUB...LUB...LUB...LUB

What the! Para san yun?

"A-ahh ma-malalim lang i-iniisip ko"- bakit ako nauutal.

Nag'ahh' lang sya. Kaya tumuloy na lang kami sa paglakad

Ayy! wait......


"Mabigat po ha!"- sabi ko.


Bigla naman siyang humalakhak.
"Hahaha, kaya mo yan"- sabi niya ng nang-aasar. Pinakita ko naman ang kamao ko at nagtaas ng dalwang kamay na parang surrender. Nagsitawanan naman ang mga kasama namin.

******

Nandito na kami sa assigned room namin para sa pagpre-prepare, para kasi mas mapadali.

"So, before we start. Ano bang club ang bobouin natin?"- tanong ko sa kanilang lahat. Sabay-sabay naman silang nagtaas ng kamay. Aba! dami neto ahh.

Turo ko may Jonas.

"Theatre"

isinulat ko naman sa board

Turo ko kay Mika

"Ballet"


Sulat

Then si Keaichelle naman.

"Singing Club tayo"- parang hindi yun suggestion ang tono nya ahh.

"Ikaw"- turo ko kay russell.


"SINGINGGG"- bigla naman siyang sumigaw kaya nagkagulo sa room.
Hahaha iba ibang suggestion pero isa lang din pala ang boto ng lahat. So singing club kami.

"So singing club tayo"- sabi ko while smiling.


------------


Itutuloy.

" Contract: Bestfriend ?  Hanggang kailan?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon