"Sigurado na ko"

1.8K 37 2
                                    

"San mo gusto?"- tanong niya. Nasa mall nga pala kami. Hindi na kami nagpaalam kay dad, niyaya niya ko so gora na!.

"Ikaw? San mo ba gusto?"- ako

"Binalik mo lang ang tanong ko eh. Hahaha"- oo nga noh! Hahaha.

"Kahit san na lang tayo."- ako

"Hmm. Ok, sabihin mo lang kung ayaw mo na gumala at deretso na tayong mcdo"- sabi niya at tumango lang ako.

****

"Wahahaha, i won. Pailan naba toh?"- talo na naman ako. Nasa Punfun kami ngayon naglalaro ng basketball at talo na naman ako. Pa-apat na yun ha! Ang tangkad kasi neto eh. Eh ako sa may tenga lang ang abot ko sa kanya.

"Daya mo, tangkad mo kasi"- pagmamaktol ko.

"Hahaha*sabay gulo sa buhok ko* maliit ka lang talaga. Bleh"- aba! My hair. Naku!

"Ano sabi mo?!!"- naghabulan na kami. Ang laki niya humakbang nakalabas na kami pero naghahabulan parin kami ng biglang nawala siya sa paningin ko.

"Nasan na un? Kapre naman yun ih, naging duwende na ata hahaha"- i murmured.

"Kyaaaaaaaah"- bigla na lang akong napasigaw ng may tumakip sa mata ko. Sigurado nakatingin na ang mga tao samin. Sino kaba naman na sisigaw sa mall diba. Nako! Pahiya mels diyan haha.

"I heard you. Duwende pala"- bulong niya. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa tenga ko kaya bulta-bultaheng kuryente ang dumaloy sa katawan ko at biglang booom! Kilabot.

"Alisin mo kamay mo. Sakit na kaya ng mata ko"- ako. Tinanggal na nya.

"Ano ta--- aray! Aray naman. S-stop na"- pinaghahampas ko kasi siya. Pinagod na nga ako ginulat pa at ang hapdi ng mata ko.

"Tama lang yan sayo. Aba! Pinahirapan mo kaya ako. Hmmp"- tumalikod na ko at nagsimulang maglakad. Ramdam ko namang sumunod siya.

*poke

*poke

"Huy, sorry na. Hindi na mauulit ang cute mo kasi eh.......kaya mahal kita eh"- sabi niya. Akala niya diko narinig ang huli niyang sinabi pero nagpanggap lang ako. Kinilig ako dun hihi.

"Tse"- pabebe muna tayo ngayon. Ang cute kaya niya nakapout pa. Patuloy parin siya sa panunuyo sakin hanggang sa nakarating kaming mcdo. Sinadya ko talaga yun, nagugutom na kasi ako eh.

"Huy, sorry na. Libre na lang kita...puh-lease"- waaaah! Ang cute niya. Libre? Tama ba pagkakarinig ko?

"Libre ba?"- tumango lang siya kaya ako na ang humila sa kanya papasok.

"Woah! Paglibre ganyan ka ha! Hahaha"- siya.

Hindi ko na lang siya pinansin at dumeretso sa pila. Buti na lang at maunti lang.

"Hanap kana ng upuan natin ako na oorder"- sabi niya kaya naghanap na ko.

Tumingin-tingin ako at shoot i found one. Pang-dalawahan lang yun kaya sakto samin. Umupo na ko at inintay siya ng biglang tumugtog yung kantang "tuloy parin". Waaag! Nanadya ba kayo? Pakipatay nga!!. Nag-iinit ang ulo ko eh

"Oh! Anyare sayo? Ba't nakabusangot yang maganda mong mukha?"- sabi niya sabay lapag ng tray.

"Ehh kasi na---- what the hell! Ang dami niyan ah."- like 0_0 .

"Ehh kasi nakalimutan kong itanong sayo ang order mo. Kaya binili ko na lang lahat ng yan. Kung may matira man adi bigay natin sa batang nangangailangan niyan"- na-touch ako sa huli niyang sinabi. Mabait talaga yan. Matulungin kaya ideal boyfriend siya eh.

"Awtsu! Baet nemen ng beteng ere ah. Oh siya umupi kna at lantakan na natin yan hahaha"- ako. Tumango naman siya nagsimula na kaming kumain. Feeling ko ang saya saya ko. Hindi na namin pinansin yung mga nakatingin kasi naman parang hindi kami mga adult kung kumain eh. Lamon pala.

Habang busy kami sa pagkain nag-isip isip muna ako. I realized na tama ang desisyon ko. Hindi lang pala sa isang tao iikot ang mundo mo. Kung alam mong hindi ka kayang mahalin ng tao eh umayaw kana, umatras kana lang kasi ikaw din naman ang masasaktan. Dahil hindi lang naman siya ang tao sa mundo. Baka kaya siya dumating para iparealize sayo na dapat ang pagmamahal ay para sa lahat kaya kung ayaw sayo eh may dadating na sasambot sayo na kayang suklian ang pagmamahal na inaasam mo. Sabihin natin na 'love is a decision' kaya dapat handa kang masaktan kasi desisyon mong magmahal eh. Sana sa ginawa kong desisyong toh eh tama, alam ko naman na kaya niya akong mahalin. Mahal nga nya ko diba, ginagawa niya toh para ipakita kung gano niya ko kamahal. Alam kong totoo tong pinapakita niya, kinikilig nga din ako ih hihi. Kung siya na nga lang sana ang minahal ko sana hindi na ko nasasaktan at umaasa ngayon. Pero wala eh desisyon kong mahalin siya kahit may hadlang pero kahit ata walang hadlang eh hindi niya ko kayang mahalin kaya nga sya gumawa ng eklavu contract na yan eh.

"Lalim ng iniisip mo ah"- hindi ko napansin na nakatitig na pala siya sakin. Hindi ako umimik

"Siya ba?"- nagulat ako kasi parang kilala niya.

"Ki-kilala mo?"- tanong ko at tumango lang siya.

"Pano?"- ako

"Pansin ko naman eh. Simula't sapol napapansin ko na. Lalo na nung naging sila ni keaichelle"- booom! Tumpak. Kilala nga nya.

"Mahal ko siya pero hindi niya ko kayang mahalin pabalik kaya ito nagmo-move on ako at sin-- i mean at handa ng magpapasok ng iba sa buhay ko"- madamdamin kong sabi.

"Pangako ko sayo. Hinding- hindi ka magsisisi sa desisyon mo. Nandito ako na handang handa kang saluhin pag nahulog ka dahil simula pa lang eh mahal na kita."- pinipigilan kong umiyak kaya tumingala na lang ako. Alam kong hindi ako magsisisi na pinapasok ko siya sa buhay ko. At alam kong mamahakin ko din siya gaya ng pagmamahal ko sa kanya.

"Oh! Tama na emo dyan. Baka umiyak kapa. Naku! Hahaha kumain na lang tayo mahal ko"- kaya ka-- hanudaw.

"Anong sabi mo?"- ringi ko naman eh. Kinikilig ang ate niyo hahaha.

"Alam kong narinig mo. Kinikilig ka na nga ih. Hahaha"- oo na. Kinikilig na ko.

"Hmp!"- sabi ko at kumain na kami. Mamahalin ko din siya balang araw.

-----

Waaah! Guys. Last day na nila bukas at magkikita kita na ang mga magbabarkada.

Hope you like it guys



" Contract: Bestfriend ?  Hanggang kailan?"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon