Kasalukuyan akong nagising ngayon .... Umaga na pala ! Well nakakapanibago lang naman itong planetang ito... Wala kaseng araw dito pero mainit dito paminsan... Walang ulan pero hindi natutuyo ang mga ilog at bulaklak. ...Oh,mahal na prinsesa...??? Ano ang inyong iniisip?
--tanong ni kuney!Wala naman! Nakakapanibago lang kase! Dahil, sabi ng mga Tao doon sa mundo namen, wala daw nabubuhay dito sa pluto.
Ganito kase yan mahal na prinsesa... Dito sa planetang pluto ay may isang bathala na nangangalang, laskaux ! Sya ang bathalang naninirahan sa planetang ito. Pero wala pa kahit sino man ang nakakita sakanya... Eh, sabi kase ng mga taga pluto, ay pabaya daw ang mga Tao sa earth. Inaabuso nila ang regalo ng kanilang bathala. Nagkakalat sila ng basura, sumusunog sila ng mga plastic at pinuputol nila ang mga punongkahoy. At kung patuloy padaw nila yun gagawin... Balang araw, unti unting mawawasak ang earth hanggang sa ito ay sasabog.
--paliwanag ni kuney.Talaga? Sasabog ang earth ?
--nakakapagtataka Kong tanong!Opo! At ang ibang Tao,ay naghahanap na ng ibang planetang pwede nilang gawing tirahan. At kapag nalaman nilang pwede silang mamuhay dito sa pluto ay lilipat na sila dito. Tapos ano? Masisira at sasabog nanaman ang Pluto ? Dahil sa kapabayaan nila? Syempre matalino ang ating bathala... Sya ay nagsumpa... Na sa oras na may taong makapunta dito sa pluto...ay Hindi nila makikita ang lahat.
--sabi ni kuney habang umupo sa paa ko.So, kapag may taga earth na makaapak sa pluto, ay nagiging invisible ang lahat ng meron ang pluto ngayon?
Invisible ?
--tanong ni kuney habang kinakamot ang ulo.Invisible means, hindi nakikita ...
-paliwanag ko.Tama Ka mahal na prinsesa! At yan ang dahilan kung bakit sinasabi ng mga Tao sa earth, na walang nabubuhay sa pluto.
At Hindi lang yun! Pati ang hangin na ating nilalanghap ay nawawala din pag may mga taong pumupunta dito.Kung gayon, paano nakakahinga ang mga taga Pluto kung nawawala ang hangin dito?
Nawawala ang hangin para dun lang sa taong pumunta sa Pluto .pero Hindi para saatin.
Eh, bakit nakita ko ang lahat ng nakaapak ako dito sa pluto.??
Dahil sa Ikaw ay imortal. At hindi Ka ordinaryong Tao lang.
Salamat sa impormasyon mo kuney hah! Pero paano mo nalaman ang tungkol sa plastic samantalang..wala naman plastic dito?
Dati kase, ay mayroong mga plastic ang pluto. Plastic na Tao at plastic na bagay. Hehehehhe!
Tapos?
-natatawang tanong ko.Nakita ni bathala ang epekto ng plastic sa earth. Kaya, kanyang ipinagbawalan ang paggamit nito ,dito sa pluto.
Ah... Kaya naman pala pero sa totoo lang, mas maganda ang Pluto sa kaysa sa earth hah!
--nakumbinsing sagot ko.Sa kalagitnaan ng aming paguusap ay biglang lumitaw c anty dina saaming harapan!
Mahal Kong pamankin! Humanda kayo at paparating sina zenaya!
--wika ni anty dina habang nagmamadali.Ivony, tartar. Gumising kayo!
--sabi ko habang kinuha ang aking espada.Magiingat Ka leyah! At bilang proteksyon, gamitin mo na muna ang dati mong anyo.
Hah? Papano ko gagawin yun anty dina?
Hawakan mo ang iyong muka at babanggitin mo lamang ang dati mong pangalan.
Hah? Ganito po ba?
(Hinawakan ko ang aking muka at binanggit ko ang salitang EINRA...einra kase ang pangalan ko sa earth.)

BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess Of Pluto !
FantasySabi nila, wala na daw ang planetang pluto sa solar system. Yun ang paniniwala ng mga tao sa earth. Pero ang totoo, kasalukuyan lang nawawala ang pluto. At ang tanging nakakakita Lang sa kagandahan ng planetang ito,ay ang mga kapwa kong may kapang...