~chapter 16~

10 1 1
                                    


Kumapit kayo upang Hindi tayo matangay ng hangin..
-sabi ko habang inaayos ang magulo Kong buhok.

Napakalakas ng hangin dito.. Lumulutang ang bawat bagay maging ang mga bato... Kaya  para narin kameng naglalakad sa ere na naghahakbang sa mga batong lumulutang..

Saan tayo pupunta mahal na prinsesa?
-sabi ni bracelet.

Doon sa punong iyon...
--sabi ko habang nakaturo sa punong may napakadaming prutas at lumulutang kasama ang malaking piraso ng lupa.

Mahal na prinsesa.  Nakakapagtaka... Wala manlang kahit isang Tao sa paligid.
--wika ni singsing.

Maya maya lang,ay naramdaman ko nalang na may tumakpan saaking bibig at Ilong gamit ang isang dahon... Nakaamoy ako ng napakabagong halimuyak ng isang bulaklak.

Hindi ko lang lubos na maintindhihan kung bakit ako nanghihina? Nawawalal ako ng lakas at bahihilo... Naduduling na ang aking paningin. Mga nagagandahang babae ang aking nakita nung pagbukas ko ng aking mga mata. Nakakainlove ang kanilang itchura.siguro ay pinasundo nanaman ako ng taga bantay ng bato ng hangin. Hay... Tatayo na sana ako ng naramdaman Kong nakatali pala ang mga kamay ko...

Ano ito? Bat ako nakatali?
-tanong ko sakanila.

Hanggat sa Ang mga magagandang babae sa aking harapan ay nilabas ang kanilang totoong anyo. Sila ay may mahahabang ngipin, may mahahabang buhok,may mga pakpak, mata na kulay puti , maitim na balat at mahahabang kuko.kaya naman napaatras ako sa aking nakita...

Itakas nyo na ako kung hindi,maaring mawalan tayo lahat ng hininga.. Kailangan Kong linisan ang baTO ng hangin ...
--sabi ko sakanila habang pinipilit na makawala sa aking pagkatali.

Hindi maari! Ano ba yang pinagsasabi mo? Kailangan Ka naming ialay sa aming panginoon.hahahah!

Iaalay nila ako? Nako! Baka kakainin ako o Hindi kayat papatayin ng kanilang panginoon..
-bulong ko sa sarili.

Ang babaeng kasing Ganda mo ay aming iaalay sa aming panginoon upang ikaw ay magiging isa sa kanyang mga asawa. ahahaha!

Seryoso kayo? Ewww... Sogurado akong napakasama ng inyong panginoon.at kasing pangit nyo din.
-patawa Kong sambit.

Pasaway ka !
-sabi ng isa sakanila at tinutukan ako ng espada. .

Wag maya! Kailangan naten sya ng buhay.
-tugon ng isa sakanila.

Hala sige ,dalhin na naten sya kay panginoon..

Teka teka,saan nyo ako dadalhin? Aba! Hindi nyo ba alam na ako ay prinsesa?

Wag kang magalala... Kapag nagustuhan Ka ng aming panginoon,hindi Ka na maging prinsesa kundi isa Ka ang reyna...
--tawang tawang sabi ng mga halimaw na toh,na akala ay nagbibiro lang ako. Hayysss...

Hanggat sa nakararing nalang kame sa isang madilim na lugar ... Naririnig ko ang mga nagiiyakang mga babae sa isang silid.

Panginoon! May handog kameng babae para sayo!
-wika ng babaeng halimaw na agad nagpalit sa isang napakagandang anyo.

Ilapit nyo sya saakin!
--sabi ng kanilang panginoon na hindi ko nakikita...

Teka! Nasaan ang inyong panginoon?
-sabi ko sa mga babaeng nakahawak saakin.

Ang aming panginoon ay isa lamang anino.. Kung kayat hindi mo sya nakikita...!

Talaga ba? Eh,paano naman ako matatakot sa isang anino lang?
-natatawa kong sinambit.

Hinahamon ata ako ng babaeng yan? Dalhin sya saakin at sisiguraduhin Kong matatakot sya saaking gagawin. Ahahahha!
-sabi ng anino na syang kinatakutan ko.

The Long Lost Princess Of Pluto !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon