~chapter 15~

17 1 0
                                    


...eto na pala ang silangang bahagi ng pluto? Tuyong tuyo ang mga lupa dito at tuyo din ata ang mga ilog?

Mahal na prinsesa,ito ay marahil sa sobrang init dito. Kaya mukang hindi tayo mahihirapan dito dahil mukang wala tayong makakalaban sapagkat walang naninirahan dito.
--sabi ni kuney.

Nagkakamali Ka kuney. Galing kame dito noon ng mahal na reyna at Hindi mo ikatutuwa kung ano ang aming mga nakalaban.
--sabi ni singsing.

Hah? May mga kontrabida din dito? Lagot!
-sabi ni tartar habang nagtago muli sa aking bulsa.

Saan ba tayo tutungo?

Doon sa bulkan mahal na prinsesa.
-sabi ni hikaw.

Bulkan? Ay.. Oo nga pala! Sa bulkan ang ating susunod na lalakbayin.
--nagaalalang sabi ko.

Alam nyo bang bawal pumasok dito?
-sabi ng isang puno.

Hah? Nagsasalitang puno? Nako!
-sabi ko habang napaatras ng konti.

Saan kayo pupunta?
-muling sambit ng puno.

Nais Kong puntahan ang bulkan na nangangalaga sa bato ng kainitan.

Hahaha! Nagpapatawa Ka ba?

Muka ba?
-sabi ko habang naaasar na.

Ako c puntree... At ako ang pinto patungo sa iyong pupuntahan.

Ikaw? Na isang malapad na puno? Ang aming magiging pinto?

Oo! Kaya,kung nais nyong pumasok ay sasagutin nyo muna ng tama ang aking mga logic upang makapasok kayo. Sa bawat pagkakamali nyo ay may kapalit.

Uso sin pala ang logic dito? Hahhaa umpisahan mo na!

Nung namatay ang aso, tinangal ang ulo, kaya naiwan ang katawan.
Nung namatay ang ibon, tinanggal ang katawan  kaya naiwan ang pakpak... At may isang taong patay! So,ano ang maiiwan sa patay kapag tinanggalan ng atay?
--nakangiting sambit ng puno.

Katawan ang sagot mahal na prinsesa.
--wika ni ivony habang lumilipad sa ere.

Hinde! Puso ang sagot.
-tugon ni kuney.

Hahaha! Yun lang,hindi nyo pa alam?
--sambit ni tartar.

Ano man ang sagot?
-sabi ni kuney at ivony.

Hahaha! Its a tie ! Hindi ko din alam.
--tawang tawa na sinabi ni tartar.

Ah.. Alam ko na! Letter P !
-kinakabahan Kong sinagot.

Sigurado Ka ba? Kung magkakamali Ka ay ang ibon na yan ang magiging kapalit!
-natatawang sabi ni puntree..

Hala Ka! Mahal na pinsesa.. !!
-kabadong sabi ni ivony.
MAgtiwala Ka sa aking sagot ivony. Sapagkat pinagisipan ko yan ng maigi..

Sigurado Ka na ba?
-sambit muli ni putree..

Oo! Letter P ang sagot. Dahil kung tatangalin mo ang atay sa pATAY ay letter P! Ang maiiwan.
-sabi ko ng malakad.

Kung ganun, maari na kayong makadaan..
-sabi ng puno bago pa nagkaroon ng malaking butas ang kanyang katawan.. At pumasok kame sa Loob.

Isang kakaibang lugar ang aming napasukan... Napakainit ng paligid..kumukulo ang tubig sa ilog at umaapoy ang mga bulaklak...

Mahal na prinsesa, nais ko nang mahimatay...
-sambit ni kuney.

Konting minuto nalang at luto na ang aking katawan.
-sambit ni tartar.

Singsing, magpaulan Ka ng malalamig na tubig sa ating dadaanan...
--sabi ko Kay singsing habang tinututok sya sa kalangitan.

Ayos mahal na prinsesa... Maginhawa na ulit ang pakiramdam namin.
-sabi ni ivony..

Ilang saglit lamang ay may biglang lumabas na napakalaking ahas. Sa sobrang lAki nito ay kaya na nitong kainin ako sa isang lunok lang.

Ahas!
-sigaw ni hikaw at agad namang nagtago sina ivony sa isang dahon.

Hinawakan ko ng mahigpit ang aking  espada at hinampasan ako ng buntot nitong ahas.

Agad naman akong nakapaglaho at kumitaw sakanyang likuran.

Sh*t ! Napakadulas ng kanyang katawan. Kaya naman nadulas ako at nahulog sa kanyang paa.

Oo! May paa ang ahas na ito. Kakaiba no?

Tapakan pa sana nya ako pero sinaksak ko agad ang kanyang paa. Galit na galit na sya kaya disperado na syang patayin ako.

Agad akong naglaho at lumitaw muli sa kanyang ulo. Nakakapit ako ng mahigpit sa kanyang buhok at hinawakan ko ang muka ko gamit ang kanang kamay ko. Sabay sabi ko ng EINRA! bumalik ang dati kong anyo at pumunta ako sa kanyang mata! Nagulat sya ng labis sa kayang nakikitang babae kaya Hindi sya nakapaggalaw sa takot na siguro hahaha... Agad Kong sinaksak ang kanyang dalawang mata at agad syang natumba. Sinaksak ko narin ang kanyang puso upang makatiyak na sya ay patay na nga! Hanggang sa sya ay naging bula at pumutok.

Grave! Kinabahan ako dun hah!
-sabi ni tartar.

Bakit,ikaw ba ang lumaban? Hindi naman diba?
-sambit ni ivony.

Nagpapatuloy na kame sa paglalakad habang nagpapaulan parin c singsing..nang bigla na lamang kame tinangay ng mga dragon.

Hindi ako makagalaw sa higpit ng pagkapit sakin ng dragon. Ni hindi ko din mahawaka si kwintas sapagkat hindi ko magalaw ang aking mga kamay.

Mahal na prinsesa, saan nila tayo dadalhin?
-sabi ni ivony habang Nasa aking balikat..

Katapusan na naten!
-sabi ni tartar habang nakatago sa aking bulsa ..

Wag tayo sumuko.!
-sambit ni kuney habang nakahawak saaking damit.

Ang alam ko lang ay humihina na ako. Papikit na ng dahan dahan ang aking mata. Hanggang sa nawalan na ako ng malay ...

~~~~~~~~~

Unti unti Kong binuksan ang mga mata ko! Puro apoy ang nasa paligid ko. Hah?  Impyerno naba ito? No! Bakit? Eh naging mabait naman ako hah?

Maligayang pagdating saaking tirahan. Mahal na prinsesa.
-sabi ng isang babaeng maganda pero pula ang mata.

Sino Ka?
-mahinang sabi ko.

Ako c bulkanya... Ang tagapangalaga sa bato ng kainitan.

Totoo ba ang iyong sinabi?
-napangit Kong tinanong.

Pasensya na sa mga dragon. Ako ang nagpasundo sainyo sa mga dragon.

Ganun ba? Grave Ka hah! Kinabahan ako dun.

Paumanhin mahal na prinsesa .
-sabi ni bulkanya habang nilabas ang bato ng kainitan na kulay pula.

Agad Kong hinugasan ang bato tsaka nilinisan.

Salamat mahal na prinsesa...
-sabi ni bulkanya habang tinago muli ang bato.

Walang anu man bulkanya... Subalit, bakit napakadaming apoy dito? Nasaan ba tayo?
-nakapagtataka Kong tinanong.

Tayo ay nasa loob ng bulkan! Pero kayong lahat ay binasbasan ko na upang Hindi kayo makaramdam pa ng init dito.

Talaga?nakakamangha naman! Subalit, kailangan na naming umalis...

Magiingat kayo mahal na prinsesa...

Paalam!

Paalam din!

Salamat po !
-sabi ni tartar pagkatapos naglaro sa apoy.

"Kwintas, dalhin mo na ako sa hilagang bahagi ng pluto.."

***********

End of chapter !

The Long Lost Princess Of Pluto !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon