~chapter 17~

4 0 0
                                    


Ano't ngayon Ka lang bumalik?
-sabi ni anty zenaya habang nasa aking harapan ngayon ..

Paumanhin po mahal na reyna,subalit kakalibing lang ng aking kapatid...
-sabi ko habang kinakamot ang kulot Kong buhok.

Sa susunod,matuto kang bumalik ng maaga. Naiintindihan mo?
-sabi nya habang tinututok saakin ang isang tungkod.

Tama! Hawak hawak na nga nya ang tungkod na aking kailangan... Ang tungkod na makakapagpabalik sa tunay na anyo ng aking mga magulang.

Anong klaseng tungkod iyan,mahal na reyna?
--pakunwari Kong tanong habang sinubukang hawakin ito pero agad akong pinigilan ni hikaw.

Mahal na prinsesa, wag mong hawakan ang tungkod.
-pasigaw na sabi ni hikaw.

Kinamot ko nalang ulit ang aking ulo.. Senyales na kailangan ko ng explanasyon  kung BAKIT?

sapagkat,kapag ang tungkod na yan ay hahawakan ng may dugong bughaw,ay magliliwanag iyan ...
-sagot ni hikaw.

Ganun ba? Maraming salamat!
-sagot ko.

Anong maraming salamat ang iyong Pinagsasabi?
-sambit ni anty zenaya habang inilayo ang tungkod saakin.

Ah..eh .. Wala po! Baka nababaliw na ako mahal na reyna.

Hahaha! Mabuti naman at alam mo!
-tawang tawa nyang sabi.

Mahal na reyna, maaari po ba kitang,makausap?
-bulong ni anty vanesa,pero dahil sa kapangyarihan ni hikaw ay naririnig ko ito.

Ano ba ang iyong sasabihin,at muka atang kinakabahan Ka?
-tugon ni anty zenaya habang magmumukang walang pinagaalala..

Magugulat Ka sa aking ibabalita!!!, ligtas na tayo sa mga panganib na idudulot pa sana ng nga mahiwagang bato. 
-paliwanag ni anty vanesa.

Talaga? Pero papano?
-gulat na gulat na tinanong ni anty zenaya.

Ayon sa mga naitanong Kong tagapangalaga ng mga bato,,,,ay dinalaw daw sila ng prinsesa...
-nababahalang sambit ni anty vanesa,kaya napatayo si anty zenaya sa Kanyang kinatatayuan....

Hindi mo ba natanong,ang itsura ng nawawalang prinsesa?
-sambit ni anty zenaya habang nanlalaki ang mga mata.

Ayon sa kanila, isang napakagandang babae daw ang prinsesa... Wala daw kasing Ganda.
-sambit ni anty vanesa..at napatawa ako ng malakas... Eh, nagbibiro ata sya? Ako? Walang kasing Ganda? Psshhh!

Ano't nariyan Ka?
-sambit ni anty vanesa.

At bakit Ka tumatawa? Naiisip mo na rin ba,na ikaw ang prinsesa? Hahahahha! Hindi mo ata narinig c vanesa,? Isang magandang dilag daw ang prinsesa... At hindi isang baboy damo. Ahahahaha!
--tawang tawa sabi ni anty zenaya.

Sige! Magtawa pa kayo!
-bulong ko sa aking sarili ,bago pa lumakad papunta sa aking silid.

Nang akoy pumunta sa aking silid, nakita Ko ang isang kawal na nanggaling sa aking silid...pero? Papano sya nakapasok,kung nakaserado ito nung aking iniwan?

Hoy! Kawal! Bat Ka nanggaling sa aking silid?

Bakit? May problema ba??
-papilosopong sambit ng kawal

Ano naman kaya ang ibig nyang kunin dito, kung puro pangbabaeng kagamitan lamang ang nandito..hay. Never mind. Anyway, i want to rest na. Kaya, matutulog na ako..

Humiga na ako sa aking kama dahil sa pagod. Ramdam ko na may kakaibang enerhiya na pumapasyal sa aking kwarto..  Bakit parang nahihirapan ako makahinga?  Nako? Hindi ako makahinga....

Eh, mahal na prinsesa, bakit hindi nyo subukang tanggalin ang kamay nyo sa ilong mo.
-sabi ni hikaw at nagtawanan silang lahat mga alahas ko.

Ay, oo nga pala.hahahaha eh, to be safe lang, baka kc may bad poisonous air ang naka libot dito, lalo na nung may nakapasok na kawal dito,

Umupo ako pagsamantala sa aking kama at nagpahinga...  Ako'y nananabik sa nung naalala ko c aunty sapira at anty dina. Sinubukan Kong maglaho papunta kina anty sapira pero tila nauntog lang ang aking ulo sa pader.

Mahal na prinsesa? Baka nakakalimutan mo? Ang paglalaho ay hindi umeepekto kapag ikay nakakulong sa isang lugar. At kapag ikay nakatali....at hindi ka pwedeng maglaho ng ganun ka layo?
--sambit ni bracelet.

Kung ganun,kwintas, dalhin mo ako kina anty sapira.
--sabi ko Kay kwintas pero hindi padin  kame nakapaglaho ... Bakit? Ano't nagkakaganito?

"Ito'y dahil sa engkantasyon o sumpa na inilagay sa silid na yan leyah"

Galing yun sa isang nakakamanghang boses na narinig ko sa aking utak.

Hah? Sino ka? At paano mo ako nakakausap sa pamamaraan ng pagiisip?

"Ako ang iyong lolo"

Lolo? Eh, wag mo akong linlangan. Alam kong isa kang kalaban.

"Nagsasabi ako ng totoo. Nagpanggap bilang kawal c vanesa at pumasok dyan sa iyong silid. At habang nandyan ka sa silid na yan ay hindi eepekto ang iyong kapangyarihan"

Ako'y napaiyak... Luha koy tumulo... Oh! Lolo! Gabayan nyo po ako. At sana'y maibalik ko ang lahat sa dati....

"Tiwala koy nasayo,
Aking mahal na apo"

Sabi ni lolo bago pa sya nawala sa aking isip....

Lumabas,ako ng silid at dun ako nag teleport gamit c kwintas papunta Kay aunty sapira.

****************

Oh ? Leyah! Uminom ka muna ng inumin.
-sabi ni anty sapira.

Anty sapira,maaaring nanghihinala na c anty vanesa na ako ang prinsesa. Kung gayun ,kanyang nilagyan ng sumpa ang aking silid.

Wag kang magaalala leyah! Sapagkat ang iyong nasaksihan ay normal lamang.
-sabi ni anty dina habang lumitaw saking harapan.

Normal????

Oo leyah! Sapagkat ang bawat silid at maging ang buong palasyo ay nilalagyan nila ng sumpa upang walang ibang kapangyarihan na umepekto dito. Maliban sa mga may dugong buggaw.
--paliwanag ni sapira.

Kung ganun, bakit  umepekto sakin ang sumpa? May dugong bughaw naman ako?
-tanong ko.

Maaaring bigyan mo ng pagkakataong makilala ka ng buong palasyo. Nang hindi na tatalab sayo ang sumpa.

Kaya pala nakapag laho tayo sa banyo kase, kilala na ako ng banyo. Eh, dun kase ako palaging naglalaho papunta dito eh :)

Ah??? Hahahhahaa.
-tawa ni anty sapira't anty dina.

End of chapter !!!!

Guys,mag comment din! :')

The Long Lost Princess Of Pluto !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon