Sigurado Ka ba sa ating napuntahan kwintas? Eto na ba ang timog bahagi ng pluto?Opo mahal na prinsesa...sapagkat dito ko dinala ang iyong ina noong pinuntahan nya din ang bato ng tubig...
Kung ganun kwintas... Alam mo ba ang daan patungo sa ilog na yun?
Pasensya na mahal na prinsesa, !!!
--tugon ni kwintas.Aanhin pa ang mapa mahal na prinsesa...?
--sambit ni ivony habang lumilipad sa ere.Tama Ka ivony!
-sabi ko habang tinignan ang mapa.Ayun! Doon tayo dumaan.
--sabi ko habang tumuloy sa paglakad .Habang sa kalagitnaan ng aming paglalakbay ay may nakarinig akong isang huni ng kakaibang hayop...
Tahimik! May naririnig ako! May papalapit !
--sabi ko habang nagmamasid.Mayamaya ay may biglang tumalon mula sa isang puno... Isang kakaibang hayop. Mahaba ang nguso, matatalim ang ngipin,may mahabang buntot, may anim na kamay at napakalaki ng katawan kasing laki nya.
Umilag ako kaya hindi nya ako naapakan. Sumigaw sya ng malakas at kung hindi ko tinakpan ang aking tenga ay nabingi na ako ngayon.
Sinipa ko sya pero ako lang ang nasaktan sa sipa ko ..nilabas nya ang mga napakatalim nyang kuko at hampasin sana saakin pero agad akong naglaho... Hah? Totoo ba ito? Nakakapaglaho narin ako kagaya ng mga anty ko? Woah!!! Unbelievable .. Pero ako ay may royal blood kaya natural lang na makakapag laho ako...
Lumitaw ako sa likod ng halimaw na yun at sinuntok suntok ko sya... Agad nya ako nahampas kaya nahulog ako sa lupa...
Mahal na prinsesa, tumakbo na tayo!
--sigaw ni tartar habang nakatago sa isang dahon.Ang prinsesa ay hindi tumatakbo sa laban.
-sabi ko habang tinapon sa lupa ang bato ni ama at naging espada ito ..Hahampasin pa sana ako ng halimaw pero naglaho ako at lumitaw muli sa kanyang likuran. Sinaksak saksak ko sya at tuluyan syang lumiit ng lumiit hanggang sa naging kasing liit nalang sya ng isang daga.
Ako na ang bahala sakanya mahal na prinsesa...
-sabi ni tartar habang tinatapaktapakan ang halimaw na sugatan at malapit nang mamatay.Tama na yan tartar! Patay na yan!
--sabi ko Kay tartar habang kinuha sya at nilagay sa aking balikat.Pero nakakapaglaho Ka na mahal na prinsesa.
-maligayang sinabi ni hikaw.Masaya din ako sa aking ginawa hikaw... Kaya magpatuloy na tayo sa paglalakad dahil inaasahan kong madami pa tayong pagdadaanan ngayon.
Sa pagpapatuloy nang aming paglalakad ay may narinig nanaman akong isang kakaibang huni ng hayop. Or should i say, halimaw? Ah basta!
Tahimik...may halimaw nanaman sa paligid. ..
-sabi ko habang hinarap sina kuney ...Mahal na reyna! Sa iyong likuran!
-sabi ni kuney habang nanlaki ang mga mata!Bigla akong naglaho at lumitaw malayo sa kakaibang nilalang ..
Isang kakaibang nilalang nga ang aking nakita.... Isa syang napaka-cute at may napakalambot na balahibo... Isa syang pusa na may ilong ng elepante ...kulay pink sya at nakakamangha ang kanyang ngiti....
Hinawakan ko sya at unti unti syang nakakatulog ...
Mahal na prinsesa, ilabas nyo ako dito..
-sabi ni tartar habang nasa loob ng ilong ng kakaibang nilalang na ito...Pumasok narin ako sa ilong na ito at sumunod sakin c ivony at kuney. Nang biglang nag hatching ang cute na hayop na ito at sa lakas ng hatching nya ay lumipad kame palayo.. Nang nahulog nalang kame sa isang lugar na may malalambot na damo.
Woahh...
-sabi ko habang lumundag lundag sa damuhan.Eewwww.... Nakakadiri ang sipon ng halimaw na yun.sayang ang cute nya pa naman!
-wika ni ivory habang pinupunasan ang kanyang muka.Ano Ka ba...ang tamis kaya ng sipon nya..
-natatawang sabi ni tartar..Nakakadiri Ka!
-tugon ni ivory ..Teka...may paparating!
-sabi ko sakanila habang naga-focus sa aking naririnig.Sino kayo? At bakit kayo naparito? Tanong ng Isang babaeng naka bra lang, at tanging, ang kalahating katawan nya lamang ang aming nakikita
Ikaw,sino Ka?
-pabalik Kong tinanong sakanya ..Sino Ka nga? Wag mong ibalik saakin ang aking katanungan.
-nagsusungit nyang sambit.Ako c leyah!ang prinsesa ng Pluto... At hinahanap ko ang makasaysayang bato ng tubig..
Nakatitiyak ba sa iyong sinasabi?
Hindi ako nagsisinungaling... !
Ang isang prinsesa ay hindi ganyan ang anyo.. Sapagkat maganda ang prinsesa...
Hinawakan ko ang aking muka at :
"Leyah"
-sabi ko bago pa nagbago ang aking muka !Naniniwala Ka na ba?
-muli kong sinabi sa nagtatakang babae.Mahal na prinsesa... matagal Ka na naming hinihintay! Sapagkat dahan-dahan nang humihina ang ilog.
Sino Ka nga po?
Ako c tubeya! Ang nagaalaga at may hawak sa bato ng tubig.
Nasayo ang bato ng tubig?
Opo! Mahal na prinsesa...
Eh,bakit hindi mo po linisin? Kung nadudumihan na nga ito?
Nakasaad sa propesiya na tanging prinsesa lang ang makakapaglinis sa mga bato.
Kung ganun,maari ko na bang makita ang Bato ng tubig ?
Hali Ka sa loob at dito Ka na muna magpahinga!
Pumasok ako sa damuhan at nagulat ako sa aking nakita.. Totoo pala ang mga Serena? ...kaya pala naka bra lang yung babae dahil,siya ay serena! Woah! Amazing !
Maligayang pagdating mahal na prinsesa!
--sabi ng iba pang mga Serena habang nagsisitalunan ang mga isda sa ilog.Tubeya, maari bang isekreto mo muna ang dati Kong anyo?
Bakit naman mahal na prinsesa?
Sapagkat ginagamit ko pa ang anyo Kong iyon upang mananatili ako sa palasyo ni anty zenaya.
Ang ibig mo bang sabihin kung ,tutungo dito ang iyong anty ,sasabihin ko sakanya na isang napakagandang babae ang aking nakaharap ?
Yan nga ang aking Ibig na sabihin tubeya!....
Maaasahan mo ako mahal na prinsesa...
-hanggat sa nilabas na ni tubeya ang bato ng tubig at inabot saakin.
Hinugasan ko Ito at nilinisan ng maayos!
Malinis na ulit mahal na prinsesa... Maraming salamat sayo! At asahan namin ang iyong anak na tutungo din dito sa susunod pang mga taon...
Paalam na tubeya! Kailangan na naming umalis...
"Kwintas,tutungo tayo sa kanlurang bahagi ng Pluto"
--sabi ko Kay kwintas bago paman kame nawala...***********
End of chapter !

BINABASA MO ANG
The Long Lost Princess Of Pluto !
FantasySabi nila, wala na daw ang planetang pluto sa solar system. Yun ang paniniwala ng mga tao sa earth. Pero ang totoo, kasalukuyan lang nawawala ang pluto. At ang tanging nakakakita Lang sa kagandahan ng planetang ito,ay ang mga kapwa kong may kapang...