Jacob's POV
Nakakatuwa talagang pagtripan si Gwen.
Haha! Akalain mo yun hindi niya alam na ako ang anak ng may-ari ng university na 'to at hindi niya man lang ako ginagalang.
Ibang klase talaga.!Sa totoo lang, masarap siyang magluto.
Gusto ko lang talaga siyang asarin dahil madali lang siyang mapikon.Nung sinabi ko ngang you really can't get it" parang nalito pa siya. Haha! Hindi niya talaga magets na gustong-gusto ko siyang pagtripan.
***
Gwen's POVHayys! Kakapagod na this!
"Nandito na po ako" sabi ko pagdating sa bahay.
"Anak! May business trip kami ng papa mo kaya 5 araw muna kami mawawala ng papa mo" sabi ni mama.
"Kailan naman po yun?" tanong ko.
"Bukas na" sagot ni mama.
"Ok" tipid kong sagot.
Napagod kasi ako."Akyat na po ako" basta kay mama at kay papa,magalang talaga ako.
"Oh sige"
..
Nagpalit na ako ng damit at nahiga sa kama.Pinikit ko na ang mata ko nang may kumatok.
"Ms Yanny! Nandito yung mga kaibigan mo" tawag ng isang katulong namin.
Bumangon ako agad. Seriously? Nandito sila?
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin mukha ng tatlo kong kaibigan.
"Waaah! Namiss ko kayo" sabi ko sabay yakap sa kanila.
"Namiss ka rin namin! Lukaret ka talaga" sabi ni Cassy.
Sila ay sina Cassy Gonzales,Britt Yu at si Zenette Roqas.
My highschool bestfriends.! Nagkahiwalay lang kami dahil sa States sila nag-aaral because of their parent's business matters."May good news kami sayo" sabi naman ni Britt habang excite na excite talaga.
Parang naeexcite din tuloy ako."Kasi-
"Ako na-
"No! Ako na-"Heeep! Isa-isa lang okay?" pumagitna na ako sa kanila.
"Gosh! Paano namin yun isa-isahin? Eh iisa lang naman ang ibabalita namin"sabat naman ni Zen.
"O' edi sabay na lang kayo" sabi ko.
"Ok! Inhale,Exhale" sabay nilang sabi.
Nakuu! Mababaliw talaga ako sa kanila."KAMI AY DITO NA MAG-AARAL" sabay nilang wika.
Loading.
YOU ARE READING
Im Inlove With My Class Enemy
HumorIsang ordinaryong babae ang palaging inaasar ng isang lalaki. Sa di malamang dahilan ay parang nahuhulog ang loob niya sa lalaking yun. Palagi silang nagbabangayan,nagtatalo at nag-aaway. Pero bakit siya nainlove sa lalaking yun eh palagi naman siya...