Chapter 18:

214 2 0
                                    

Yanny's POV

Hayys! Paano ako makapagpahinga nito?

Kanina pa ako kinukulit ng parents ko about sa relationship namin ni Jacob.

Sus! Kung alam niyo lang.


"Sige na Princess! Paano siya nanligaw? Tinalo niya ba ako pagdating sa panliligaw?" sunod-sunod na tanong ng aking ama.


"Naku Hon! Wala na yatang mas magaling pa sayo" sabat naman ng aking butihing ina.

Haha.


"Ikaw talaga Hon! Bolera ka talaga" wika naman ni dad.

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan silang dalawa.

Bahagya naman silang napatigil at tumingin sa akin.

"Back to reality na tayo! So ano na Princess?" pangungulit na naman ni mom.

Haist! Wala na bang tigil to?

"Pagod na po ako!" pag-iinarte ko.

"Fine! Hindi ka na namin kukulitin basta ihaharap mo siya sa amin bukas" sabi ni dad na nakapagpakaba sa akin.

Oh no! What to do?

Hindi ko na lang sila pinansin at nagtalukbong.

Naramdaman ko namang umalis na sila kaya itutulog ko na lang ang problema kong ito.

***

Jacob's POV

Ba't ang tagal naman atang dumating ni Gwen?

Panay ang tingin ko sa wristwatch ko dahil malapit ng magsisimula ang klase pero wala pa rin si Gwen.

Kung tawagan ko na lang kaya? Wag na baka iisipin nun na namimiss ko siya.

Sandali .. Ba't nga ba ako nag-aalala sa kanya?

++

Alas dies na pero wala pa rin siya.

"Dude! Alam mo ba kung bakit wala pa si Yanny?" nag-aalalang tanong ng kanyang kaibigan na walang iba kundi si Tristan.

Feeling close naman ang isang to! Makadude lang.

"Aba malay ko! Close ba tayo?" maangas na tanong ko.

Nabigla ako ng bigla niya akong kwelyuhan.

"Boyfriend ka niya pero hindi ka man lang nag-aalala sa kanya? Anong klase kang boyfriend? Hindi mo man lang ba naisip kung anong maaaring mangyari sa kanya?" pagkasabi niya nun ay binitawan niya na ako at lumabas na ng classroom.

Im Inlove With My Class EnemyWhere stories live. Discover now