Jacob's POV
Salamat naman at pumayag siya sa agreement.
Napapansin ko kasing palagi akong pinapasundan ni Cyrien that's why I had to do this thing!
Pagkatapos naming magpirmahan ay umuwi na ako.
Nadatnang kong nag-uusap sina Gino at Nico na prenteng nakaupo sa sofa.
Aba! Feel at home ang mga kumag.
"Anong ginagawa niyo rito?" walang-ganang tanong ko sa kanila.
"Don't state the obvious" sagot naman ni Nico.
Langya! Kaya nga tinatanong diba?
"Sa tingin mo magtatanong pa ako kung alam ko na? Sa tingin mo mag-aaksaya pa ako ng laway para lang magtanong sa inyo?" sunod-sunod na tanong ko.
"Sa tingin mo rin ba sasabihan pa kita ng DON'T STATE THE OBVIOUS kung alam kong hindi mo alam?" balik niyang tanong.
Tangene!! Walang kwenta talaga.
"Lumayas na nga kayo dito" naiiritang sabi ko.
Tumawa lang silang dalawa kaya napatingin ako sa kanila ng nakakunot ang noo.
"Wag ka ngang magmaang-maangan" sabat naman ni Gino.
Pagtulungan ba daw ako?
"Mr. Fortez and Mr. Ferrer! Binabalaan ko kayo! Wag niyo nga akong gawing tanga" seryosong sambit ko.
Nakita ko namang biglang sumeryoso ang mukha nila.
"Diba birthday mo na bukas?" tanong ni Gino.
"Bakit mo naitanong?" tanong ko rin sa kanya.
"Alam naman nating lahat na hindi ka nagrerequest ng Grand Party sa mga magulang mo mula nang fetus ka pa! Eh ano tong nabalitaan kong magpaparty ka raw sa academy! Totoo ba yun?" tanong naman ni Nico.
"Paano mo nalaman na mula nang fetus pa si Jacob ay hindi pa talaga siya nagrerequest ng party? Magkaibigan na ba tayo noong fetus pa tayo?" litong tanong ni Gino.
Sinamaan namin siya ng tingin kaya nagpeace sign lang siya.
"Saan mo naman nakuha yang balitang yan?" nakacrossed arm na tanong ko.
YOU ARE READING
Im Inlove With My Class Enemy
HumorIsang ordinaryong babae ang palaging inaasar ng isang lalaki. Sa di malamang dahilan ay parang nahuhulog ang loob niya sa lalaking yun. Palagi silang nagbabangayan,nagtatalo at nag-aaway. Pero bakit siya nainlove sa lalaking yun eh palagi naman siya...