Jacob's POV
Nakita ko na naman si Gwen pero may nakapalibot sa kanyang mga lalaki. Mga ungas talaga!
Lalapitan ko na sana siya ng makita ko kung ano ang ginawa niya. *iling,iling* Hindi! Paano? Kinaya niya yun? Napakabilis ng pangyayari.
Hindi ko inakalang kaya niya yung gawin. Babae lang siya pero
NAPATUMBA NIYA ANG TATLONG UNGAS.Iba ka nga talaga Gwen Yanny Fernandez.
I can't underestimate a girl like you...
Yanny's POVHala! Ba't ko nagawa yun? Pakiramdam ko nawalan ako ng puso at kaluluwa ng ginawa ko yun! Mabuti na lang at di nawala ang kagandahan ko. Hmp.
Next time control your temper Gwen.
"Ba't mo nagawa yun?"
"Ang galing mo pa rin Yan"
"Walang mintis"
mga komento ng tatlong to.
Hindi pa rin ako makapaniwala.
"Guys! Mall tayo" pag-anyaya ko sa kanila para mabawasan naman ang pagiging guilty ko.
At sumang-ayon naman sila.
..
(MALL)"Sorry" biglang sabi ko.
"You don't have to! We understand" sabi nila sabay yakap sa akin. Natotouch tuloy kahit minsan lang.
Minsan lang maging sweet ang tatlong to kaya lubos-lubos din pag may time.
"Arraaay! Grabi ka naman mangyakap Britt. Parang pinisa mo na kami" reklamo ni Zen. Haha!
"Over ka naman magreact teh" sabi naman ni Britt.
"Gawa ba sa bakal yang katawan mo Britt?" this time si Cassy naman ang nagreact.
"Eh kung hampasin kita sa bakal" natakot naman si Cassy kaya nagpeace sign na lang siya.
"Umuwi na nga tayo" iritadong sabi ni Zen.
Kaya umuwi na kami.
Pagkauwi namin ay sinalubong agad kami ni Nanay Sita.
"Tumawag ang mommy mo kanina at sinabi niyang tumawag ka raw kapag nakauwi ka na" sabi ni Nanay Sita.
"Sige po!".sagot ko.
Umakyat na kami. Nagbihis agad ako at tumawag kay mom.
Isang ring palang may sumagot agad.
"Hello mom"
(Iha maeextend ang business trip namin ng papa mo ng limang araw at nasabihan na rin namin ang mga friends mo)
YOU ARE READING
Im Inlove With My Class Enemy
HumorIsang ordinaryong babae ang palaging inaasar ng isang lalaki. Sa di malamang dahilan ay parang nahuhulog ang loob niya sa lalaking yun. Palagi silang nagbabangayan,nagtatalo at nag-aaway. Pero bakit siya nainlove sa lalaking yun eh palagi naman siya...