Yanny's POV
"Halika na" aya ko kay Jacob papasok sa bahay.
Juskopo! Kanina pa kami nakatayo dito sa labas ng bahay namin.
"Sandali lang .. Give me 5 minutes" kabadong sagot niya.
Hahaha! Kanina kung makaasta siya parang wala siyang kinatatakutan pero ngayon kulang na lang mahihimatay na siya.
"Hindi naman nangangain yung parents ko eh! Mabait yun" pag-eencourage ko sa kanya.
"Kahit na! *inhale* *exhale* Hayaan mo muna akong makahinga ng maluwag" parang hindi mataeng sagot niya.
"Bilisan mo diyan" naiinip na sagot ko.
Napansin kong namamawis siya kaya inabutan ko siya ng panyo.
Walang ibig-sabihin yung ginawa ko.
Alangan namang haharap siya sa parents ko na tagatak ang pawis.
Dali-dali naman niyang kinuha ang panyo ko at pinunas sa mukha niya.
Bakit nga ba siya kinakabahan? Fake lang naman relationship namin ah.
"Bakit ka ba kinakabahan? Fake lang naman relationship natin" bulong ko sa kanya kasi baka may makarinig.
Parang natauhan naman siya bigla.
"Sabagay! Halika na nga" matamlay na wika niya.
Pumasok na kami sa loob at nadatnang nag-uusap ang parents ko.
"Magandang umaga po" bati ni Jacob sa kanila.
Tumango lang mga parents ko.
Lagot ka Jacob! Strict mode yung dalawa.
"Have a seat" sabi ni mom.
Umupo naman kami pero si Jacob ay nanatiling nakatayo.
Siniko ko siya kaya dali-dali siyang napaupo.
Hahaha! Epic!
"What's your name iho?" panimulang tanong ni mom sa kanya.
"John Jacob Sy po" magalang na sagot ni Jacob.
Hahaha! Natatawa ako sa reaksyon niya pero siyempre hindi ko pinahalata.
"Sy Group Of Company?" tanong ni dad.
"OPo" sagot naman ni Jacob.
"Gaano na kayo katagal ng anak ko?" Si mommy yan .
"Mommy" saway ko Kay mommy. Para kasing mahihimatay na tong asungot na to.
"Oh? I'm just asking Princess." Parang wala lang na sabi Ni mommy.
"But mom--
" Fine Princess" wika Ni mommy.
Hays. Salamat naman ..
"Basta iho,pagkaingatan mo tong anak namin. Huwag mo siyang sasaktan or *ehem* bagong bili pa naman yung baril ko,siguro ayaw mo namang masampolan diba?" Pananakot Ni daddy sa kanya.
Hahaha laptrip talaga mukha ng asungot na to.
"Makakaasa po kayong Hindi ko sasaktan yung anak niyo. I treasure her the most. Sa kanya ko lang nakita yung mga bagay na di ko makita sa iba. She's so perfect in my eyes and I can't find a reason para saktan ang tulad niya. " mga katagang Hindi ko inexpect na bibitawan Ni Jacob.
Sa Hindi malamang dahilan,biglang bumilis ang tibok ng puso at parang gusto Kong NGUMITi?
Yikes. What's happening to me?
Nakita Kong kinilig si mommy at napangiti Si daddy.
Isa lang ibig sabihin niyan
PASADO siya.
*****
"Tita ang sarap niyo po talagang magluto. Namana talaga Ni Yanny ang skills niyo" nakangiting wika Ni Jacob.
"Bolerong bata. Haha" natatawang sabi Ni mommy .
"Tita Tito! I really had a great time. Thank you po and kailangan ko na po kasing umuwi. Mauna na po ako. " paalam niya.
"Take care. Drive slowly but surely" si daddy Yan.
Ngumiti si asungot at tumango. Then nagdrive na siya pauwi.
But still I'm confused about what I feel. Damn
**********
GOMENASAI MIANHE SORRY PASENSYA PO TALAGA SA MATAGAL NA MATAGAL NA UPDATE. MY LIL BRO UNINSTALLED MY WATTPAD APP THEN NAWALA LAHAT NG DRAFTS .. Sorry po talaga.
Try Kong mag update this year.
And thank you sa mga nagbabasa pa rin nito .. ARIGATOU--GITARISTANG_OTOR101
(New username ko)
YOU ARE READING
Im Inlove With My Class Enemy
HumorIsang ordinaryong babae ang palaging inaasar ng isang lalaki. Sa di malamang dahilan ay parang nahuhulog ang loob niya sa lalaking yun. Palagi silang nagbabangayan,nagtatalo at nag-aaway. Pero bakit siya nainlove sa lalaking yun eh palagi naman siya...