Chapter1(PP:01)

77 6 4
                                    


SHERRY'S P.O.V

"Waaaaah!"

"Uwaaaah!"

"HOY Sherry. Timplahan mo ng gatas si sassy." Sigaw ni ate shen.

"eto na ate shen." sagot ko.

"Uwaaaah" iyak nanaman ng kapatid kong isang taon na si sassy.

"Chill ka lang sassy. Eto na nagtitimpla na si ate oh."

"Waaaaaaahhh!"

"Manahimik ka muna sassy. Gusto mo bang parehas tayong malintikan ni Ate shen?" tanong ko kay Sassy.

Napailing-iling naman si Sassy na akala mo naiintindihan nya talaga. Binigay ko narin naman na yung tinimpla kong gatas para sa kanya. Nakatulog naman na sya pagkatapos nyang dumede.

Alas tres palang ngayon ng madaling araw kaya tulog silang lahat. Si tatay pagod galing sa sakahan. Si nanay naman pagod rin sa kakatinda ng bilog na basahan.

Katabi ni Sassy matulog si ate shen sa kaliwa tapos si Mark naman sa kanan tapos ako tapos si Marco. Ganto yun kung di nyo maintindihan kasi mukhang hindi naman talaga kaintindi-intindi yung sinabi ko.

ATE SHEN-SASSY-MARK-AKO-MARCO

Bali lima kaming magkakapatid. Syempre di ako panganay kaya nga may ate shen diba? Noon palang magaspang na trato sa akin ni ate shen. Ewan ko ba dun mga beks insekyora sa kagandahan ko. Kita mo katabi nya si Sassy pero ako pinagtimpla ng gatas.

Unti-unti ko ng nararamdaman na inaantok ako kaya matutulog na ako pero biglang dumami yung nararamdaman kong antok kaya napapikit na ako.

...

...

"UWAAH HUHUHU"

"AY ANAK NG TIPAKLONG NA DI TUMATALON" Sigaw ko dahil sa pagkagulat ko ng biglang umiyak na naman si Sassy. Mga besh patulog na ako. Pumikit pa ako para damahin yung antok ko pero Langya lang mga besh istorbo tong Maliit na Sassy na toh.

Dahil sa pagkainis ko kay Sassy, pinaghahampas ko yung pwet nya dahilan naman para umiyak sya lalo, pero agad din akong nagsisi dahil wala naman syang kasalanan sa paghihiwalayan namin ni Coco Martin.

Tinapik-tapik ko nalang ang puwetan ni Sassy para makatulog sya at di na sya maging isang dakilang istorbo. Unti-unti ko na namang nararamdaman yung antok ko mga bes.

KINABUKASAN...

"Anong umagahan natin?" Mataray na Tanong ni ate shen.

"Adobo" Cool na cool kong sagot kay ate shen. Kuminang naman yung mata nya na akala mo nakarinig ng magandang balita.

"Anong klaseng adobo?" Sabi ni ate shen na nakalabas pa ang ngipin, kala mo ang puti-puti. Asin lang naman gamit nyang toothpaste.

"Adobong Asin, Diba ang sarap? Ubusin mo yung isang mangkok ate shen ahh? Mukhang Sarap na sarap ka kasi sa adobo." Biglang tumalim ang tingin nya sa akin mga besh. Pakiramdam ko sa mga tingin nya gusto nyang ipalunok sa akin lahat ng ulam namin na adobong asin.

Masarap naman yung adobong asin ee. Napaka arte lang nitong si ate shen kala mo yayamanin puro lang naman hangin.

"Ikaw Sherry, Umayos-ayos ka ahh?"

"Eh kasi naman ate nagtatanong ka pa kung anong ulam obvious naman na asin ulam natin ee." Sabi ko.

"Wag mo kong matawag-tawag na ate. Di-"

"SHENDEL"

Napalingon kaming dalawa ni ate sa tumawag sa kanya. Si tatay lang pala atsaka si nanay na bagong gising. Mabuti naman gising na sila, matitikman na nila yung luto kong adobong asin. Sana magustuhan nila. Kung ayaw nila ng adobong asin edi paksiw na asin nalang. Nadiskubre ko lang yan nung isang araw habang nag-iisip ng bagong klaseng ulam.

"Tay" sabi ni ate shen.

"Shendel" sabi ni tatay habang papalapit ng papalapit sa amin.

"Tay"

"Shendel" sabi ulit ni tatay.

"Tay" sabi naman ni ate shen.

"Shendel"

"Tay"

"Shendel"

"Tay"

"Excuse me? Wala bang katapusan to? Di ba kayo nagsasawa sa sinasabi nyo? Enjoy na enjoy kayo ahh?" Sumabat na ako dahil di ko na talaga keribels yung mga nangyayari.

"Pasensya na Anak Sherry. Na carried away lang."

"Ayy Taray ni tatay. Ume-english." sabi ko.

"Shendel" sabi na naman ni tatay.

"Tay"

"EHEM" Sumingit na ako. Nag e-enjoy talaga sila sa pagtatawagan nila.

"Ano ba Sherry? Di pa ako tapos wag kang sumingit." sabi ni ate shen sa akin.

"Tse. Pasalamat ka nga nabibigyan ka pa ng exposure dito sa kuwento ko ee. Chapter 1 palang ang dami mo na agad exposures."

"Manahimik ka muna. Itutuloy ko na sasabihin ko." Mataray nyang sabi with matching irap pa sa akin. Dukutin ko kaya mata nito? Nang matauhan.

"Tay, Pasensya na. Nakakainis lang talaga kasi Si Sherry. Pinipilosopo ako tay." sabi nya sabay tingin sa akin.

"Aba! Bakit ako nadamay dyan? Nagtatanong ka kaya ng ulam sinagot ko naman ng maayos ahh? Anong masama dun?"

"Oh tama na. Kumain nalang tayo ng umagahan. Shendel wag mo nang uulitin yung balak mong sabihin." Sabi ni tatay.

"Opo Tay!" sagot ni ate.

At ayun. Nag umagahan na nga kami. Bawat nguya nila parang sarap na sarap sila. Kada isang subo inom ng tubig. Bakit Parang naging mauhawin ata sila ngayon? Is there anything problem? Taray ko.. Ume-english na ako. Senyales lang yan na gutom na ako. Sumubo na ako ng kanin at ng adobong asin.

pero may trivia ako sa inyo mga kapatid. alam nyo ba ang asin ay maalat? pwes,ngayon alam nyo na. pero nakakauhaw pala tong adobong asin. Gutom nga lang siguro kami kaya gusto namin ng tubig. Pero seryoso gusto nyo ba ng adobong asin? Ipagluluto ko kayo.

**********************

POOR PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon