Chapter10(PP:10)

17 2 0
                                    

Dedicated to iSANGaSong thanks sayo.

Sherry's P.O.V

"Ilagay mo nalang dyan yung mga gamit mo." Sabi ng isang katulong na katabi ko.

Napatingin ako sa katulong na nagsalita. Bakit ganun? feeling ko ayaw sa akin ng katulong nato? kung ayaw nya sa akin okay lang dahil ayoko rin sa kanya. Sandaling napatitig sa akin ang katulong saka ako inirapan. Taray netong katulong nato kala mo naman napaka kinis ng mukha. lihain ko yang Face mo ee.

umalis na sya at iniwan akong nakaupo sa kamang magiging higaan ko. Bigla ko nalang naisip na grabe naman pala tong mansyon nato napakalaki. Kaya nga mansyon diba? Wag bobo Sherry. Kusina pa nga lang nila kasing laki na ng bahay namin. Syempre di kami mayaman ee.

Dito pala namamalagi si Tetong ng pagkatagal-tagal. Kaya pala di ko na sya nakikita. Magkano kaya sahod ko dito? Sana naman malaki para makapag padala na ako kayla inay.

Bigla naman bumukas ang pinto ng kwarto kung nasan ako ngayon.

"Ikaw si Sherylee diba?" Tumango naman ako."Pinapatawag ka ni madam sa opisina nya."

"Pwede bang samahan mo ako? Di ko kasi alam papunta dun ee." Sabi ko dahil hindi ko naman talaga alam ang papunta roon.

"Hindi pwede may ka-date ako." Masungit nyang sabi. Bakit parang lahat ng katulong dito masusungit? May regla ba silang lahat ngayon?

"Sino naman?" Buti patong katulong nato pa date-date nalang.

"Si Rocky, Ang ultimate love ko." Ngiti-ngiti nyang sabi. Napangiwi naman ako sa sinabi nya. Ang corny nya pala may pa ultimate love pa syang nalalaman.

"Sino namang Rocky yun? Bato ba yun o tao?" Tanong ko.

"Andami mong tanong, Syempre tao sya noh. Wag ka nang manghimasok." Sabi nya.

"Ha? Teka sinong nagsabing nanghihimasok ako? Nagtatanong lang ako dito inaano."

"Ewan ko sayo, basta pumunta ka na dun sa opisina ni madam.

" Ee hindi ko nga alam kung saan yun ee. Samahan mo na ako."

"Ayoko nga, late nako sa date namin."

"Edi umalis kana, Di mo naman pala ako sasamahan andami mo pang sinasabi." Sabi ko at napairap nalang sa kawalan.

"Ee andami mo rin kayang tanong. Sinasagot ko lang mga tanong mo."

"Umalis ka na. Di ko kailangan ng sagot mo, ang kailangan ko ay yung magtuturo sa akin ng daan patungo sa sinasabi mong opisina."

Inirapan nya lang ako at tumalikod na patungo sa pinto. Pero, bago pa siya makaalis ay tinawag ko siya.

"Masungit ba yung sinasabi mong madam?" Tanong ko at sa pangalawang pagkakataon ay inirapan nya na naman ako kaya ginantihan ko rin sya ng irap.

"Ang arte kala mo naman kinaganda mo yang pag iinarte mo." Sabi ko.

Inayos ko na ang sarili ko at nag umpisa nang hagilapin ang opisina ng sinasabi nilang madam. Kung saan-saan ako napadpad mga bes. Kala ko opisina na ni madam yun pala kulungan lang ng aso. Buti nalang at nakita ako ni Tetong kundi maghapon akong maghahanap dito sa loob ng mansyon ng Valbuena.

"Pumasok ka na sa loob. Ayan ang opisina ni Madam." Sabi ni Tetong.

"Salamat Tetong. Kung hindi mo talaga ako nakita siguro naghahanap parin ako ngayon."

"Ano ka ba parang namang wala tayong pinagsamahan."

"Ayan ka na naman sa 'Ano ka ba'. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na isa akong tao." Ang kulit rin netong si Tetong ee.

"Haha pumasok ka na nga dun." Sabi nya. Minsan rin talaga di ko rin sya maintindihan.

Pumasok na ako at nakita kong may nakaupong babae. Ang ganda nya. Sya ba yung Madam?

"Sit down." Sabi nya kaya umupo naman ako. Pero mukhang nagulat sya mga bes.

"Ehem, Sa upuan ka umupo wag dyan sa sahig." Sabi nya.

"Ganun po ba? Pasensya na po. Sabi nyo po kasi Sit down, kaya umupo ako, hindi nga lang sa upuan." Bigla naman syang tumawa.

"Ahmm, Exuse me po pero... B-bakit po kayo tumatawa?" Tanong ko. Akala ko pa naman masungit sya yun pala masayahin.

"Pasensya na di ko lang mapigilan. Nakakatuwa ka kasi ee."

"Ganun po ba? Pero bakit nyo po ako pinatawag?"

"I just want you to know that you can start your work by tomorrow, But for now ililibot ka muna ni Christian sa buong mansyon para makabisado mo ang bawat pasikot-sikot dito." Sabi nya. Eh magkano kaya yung sahod ko?

"Ahh Salamat po."

"At tungkol naman sa sahod mo, You receive 30000 every month." Totoo ba to? Ang laki naman ata masyado.

"Bakit Sherry? May problem ba? Mukhang hindi mo ata gusto." Sabi nya.

"Hindi naman sa ganon Madam, pero hindi ba masyadong malaki yun? Baka po wala na kayong ipang sahod sa iba dahil sa laki ng ipinasasahod nyo." At tumawa na naman sya bes.

"Looks like you don't want that kind of salary, am I right?" Shemay nag-english speaking na sya. Mapapasabak ata ako nito.

"No madam, I-I like it. Ahmm ano... Pumapayag na po ako sa ganyang suweldo." Pumayag na ako sa suweldong ibinigay nya. Mag papaka choosy pa ba ako? 30000 yun. Hindi basta-bastang pera, malaki na ang maitutulong nun sa pamilya ko. At isa pa, ang hirap makipagtalo lalo na kapag ganito kausap mo. At isa pa ulit di ako gutom ngayon, napasabak lang.

"Alright, Puntahan mo na si Christian para mailibot ka na dito. You can go now." Sabi nya.

"Thank you Madam."

Umalis na ako at pinuntahan na si Tetong. Ang totoo kasi nyan, Christian talaga ang pangalan nya. Sadyang mema lang talaga ako at ayun ang ginawa kong nickname nya.

Habang naglalakad ako para puntahan si Tetong ay kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Hindi parin sya nagpaparamdam. May problema kaya sya? O baka naman may iba na syang ka-text.

***************************
A/n: Long time no update. Haha chapter 11(PP:11) na sunod :)
....

POOR PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon