Chapter9(PP:09)

48 3 2
                                    


SHERRY'S P.O.V

Nandito na kami sa loob ng bus ni Tetong. Nasa tabi ako ng bintana habang si Tetong naman ay sa kabilang tabi ko. Di ko alam kung handa na ba talaga akong tumapak ng maynila at iwan dito sa probinsya ang pamilya ko. Di ko alam kung magiging maganda rin ba ang kapalaran ko duon. Di ko alam kung kakayanin ko ba ang mga pagsubok na darating sa akin duon. Di ko rin talaga alam kung anong size ng paa ko. Di ko talaga alam mga besh dahil ang tangi ko lamang nalalaman ngayon ay ang pretty ko talaga.

Pero ang hindi ko lang talaga malaman ay kung isa bang tuod itong si Tetong sa tabi ko. Halos walang paramdam ee. Di manlang ako nililibang habang nandito kami sa bus. Siguro marunong makiramdam tong si Tetong na ayaw kong may mga mahahaba silang exposure dito sa kwento ko, dahil unang una, Kakasabi ko lang na kwento ko ito at hindi nila. Pangalawa, Hindi sila ang bida kaya wag silang maarte. Pangatlo, Kwento ko nga ito kaya bawal ang demanding. Pang-apat, Oo may pang-apat pa kaya wag kang excited. Ito ang pinaka mahalaga kong sasabihin sa buhay ko kaya talasan nyo ang mga mata nyo sa pagbabasa. Pang-apat, Ang PRETTY ko talaga.

Umandar na ang bus na sinasakyan namin at tinungo na ang Maynila. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga tao. Ang Saya nilang gumalaw pero sa mga mata nila kakaibang kalungkutan ang gumagalaw. Ganito na ba kagaling ngayon ang mga pilipino na magpanggap na masaya?

"Anak, Gusto ko paglaki mo maging isang mabuting tao ka at maging isang magandang halimbawa para sa kanila." sabi nung babae na may hawak ng baby.

"Siguro excited ka nang lumaki noh? Wag kang mag-alala babantayan ka namin ng papa mo habang lumalaki ka." sabi ulit nya.

"Andito pala kayong mag-ina, Kanina ko pa kayo hinahanap." pagsingit ng isang lalaki. "Kamusta ang pinakamamahal kong anak?" Sabi nito at kinuha ang baby sa kamay nung babae.

"Hahaha, Mukhang natutuwa yung anak natin. Tingnan mo nakangiti sya." sabi nung babae atsaka biglang lumindol ng malakas. Lahat ng nakatayong gusali ay natumba na para bang hindi matibay ang pagkakagawa rito. Lahat ay naglaho. Lahat ay-

"ANAK TALAGA NG TIPAKLONG SI ALING PURING." sabi ko dahil bigla akong nahulog sa upuan ko pababa at nalaglag pa talaga yung bag ko sa mukha ko. "Ang sakit nun ahh? Sa susunod dahan-dahan naman sa pagpreno manong."

"S-sorry miss, May tumawid kasi bigla sa kalsada." Sabi ni Manong driver.

"Okay ka lang ba Sherry?" tanong ni Tetong na mukhag nagising rin dahil sa biglaang pagpreno ni manong driver.

"Sa itsura kong to mukha ba akong okay?"

"Not really."

Bumalik nalang ako sa upuan ko at inayos ang bag ko. Minsan nakakaloko na talaga tong si Tetong, dahil tinatanong pa talaga kung okay ako eh obvious namang hindi. Pero ganun pa man, Malaki parin ang utang na loob ko sa kanya. Kahit papano naman marunong akong tumanaw ng utang na loob kahit hindi naman talaga ako nagpapautang dahil di naman ako bumbay, Purong Pilipino ako noh.

So panaginip na naman ulit yun?. Ilang beses ko nang napanaginipan ang tungkol duon at paulit-ulit nalang. Di ba ako tatantanan ng walanyang panaginip na to na hindi ko naman maintindihan kung pinaglihi ba kay Aling Puring na mahilig Magpapansin at umeksena. Pare-parehas lang sila ng Sun Cellular.

Habang nagbabyahe di ko lubos maisip dahil ubos na ubos na talaga ang pwede kong isipin sa sobrang pagka-boring dito sa bus. Iniisip ko yung panaginip ko. Bakit? Bakit ganun yung panaginip ko? Bakit paulit-ulit nalang? Bakit palaging may lindol sa panaginip ko? Bakit? B-bakit ang PRETTY ko? Hep! Alam ko namang hindi mo alam ang sagot sa mga tanong dahil alam kong ako rin sasagot sa sarili ko nyan bandang huli. Basta ang alam ko lang na isang kasagutan sa isa kong tanong ay yung 'inborn na ang aking pagka-pretty.'

Di nagtagal ay nakarating narin kami ng maynila. Ibinaba na kami ni manong driver na di marunong mag dahan-dahan sa pagpreno sa terminal. Di ko talaga alam kung bakit ganito nararamdaman ko basta i'm not feeling well talaga kay manong na mukhang magtutulak ng drugs. Di ko rin alam kung may kasama ba talaga ako. Try kaya ni Tetong na makipag-chikahan sa akin edi sana natuwa pa ako at may nalaman pa ako sa mundong toh.

Naglakad-lakad pa kami ni Tetong para magahanap ng masasakyang taxi. Ganun ba yun kalayo para sumakay pa ng taxi? Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit may lumilipad na tren sa harap ko. Ano to? Di ako na-inform na meron palang ganto dito sa Maynila.

"Uy Tetong, Bakit may Tren na lumilipad sa harap natin? Alam mo ba tawag dyan? Bakit di ko alam na merong ganto dito sa pilipinas?" sabi ko dahil nagtataka talaga ako. Parang normal lang para sa mga tao sa paligid ang mga nangyayari.May lumilipad na ngang tren sa harapan nila wala parin silang pakealam?

"Hahaha, Ano ka ba Sherry? MRT ang tawag dyan. Hindi yan lumilipad dahil may gulong yan. Tignan mo may ginugulungan syang riles sa taas." Oo nga noh? "Di mo alam kasi lagi kang nasa probinsya natin. Di ka manlang namamasyal saglit at puro paglalaba ang inaatupag mo.Hahaha" di ko alam kung ilang beses na ba akong tinawanan nitong si Tetong. Pag sa tuwing kaharap ko sya Pakiramdam ko isa akong clown sa paningin nya.

"Sorry naman, Di kasi ako mahilig gumala dahil mas inuuna ko ang pamilya ko para may pambaon sila Marco sa school nila at panggatas ni Sassy."

"I understand"

"You understand naman pala ee. Tara na nga puntahan na natin yang lintik na taxi na yan nang matapos na to." sabi ko at tumawa na naman sya mga besh. Puro pagtawa lang talaga ang alam nya sa mundong to. Mukha ba akong entertainer nya? Sa ganda kong to mukha ba akong clown?

Ilang sandali ng paglalakad ay nakasakay narin kami ng taxi. At dahil nga nakasakay na kami ng taxi ibig sabihin ba-byahe na naman kami. Pero siguro naman hindi aabutin ng isang oras ang byahe namin.

Kinuha ko nalang yung cellphone ko nang maalala kong may Topher pa palang nag e-exist. Bakit ba nawala sa isip ko si Topher? Siguro dahil narin sa mga nangyari ng nakaraang araw pero nung hindi ako nagte-text sa kanya ay hindi na rin sya gaanong nagparamdam. Siguro busy rin sya sa buhay nya.

Naramdaman kong tumigil na ang sinasakyan naming taxi kaya napatigil ako sa pag-iisip ko tungkol kay Topher. Nandito na siguro kami. Pero bago ako bumaba ng Taxi ay Sinilip ko muna yung cellphone ko. Inaasahan kong may mga text akong natanggap at tama nga ako, meron ngang mga text na hindi ko pa nababasa pero yun nga lang hindi galing kay Topher. Lahat galing sa Sun Cellular.

Bakit hindi nagte-text si Topher? Sa pagkakaalam ko mahilig mangulit si Topher pero ni isa wala akong natanggap na Text mula sa kanya. Haysst. Hayaan na nga lang baka may mahalaga lang syang ginagawa.

"Ready ka na ba?" tanong ni Tetong sa akin nang makababa na kami sa taxi. Nandito na kami sa harap ng isang malaking gate. Grabehan naman tong gate na to. Halatang ayaw magpa-akyat bahay. Sobrang taas at ang laki ng gate na to. Nag doorbell na si Tetong at may nagbukas ng Gate. Isang babae.

"Maligayang Pagdating sa Mansion ng VALBUENA"

************************************************

A/N: Yow! Happy New Year Guys. Wala talaga sana akong balak mag-update ngayon. Next year pa sana ako mag-uupdate kaya lang sadyang sira talaga ang aking ulo kaya nagbago ang desisyon ko.

Next: CHAPTER 10

POOR PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon