Sherry's P.O.V"Hoy teka Tetong, Kailangang makulong ng taong yun. Narinig mo naman ako kanina diba? Magnanakaw ng pagkain sa Ref yun." Sabi ko. Naiinis na ako ahh, Kanina ko pa sinasabi sa kanya na dapat makulong yung punyetang yun.
"Siguro naman narinig mo din yung sinabi ko kanina." Sabi naman nya.
"Ha? Ano bang sabi mo?"
"Anak ng amo natin yun. Mabuti nga di ka napagtripan kanina nun dahil mukhang bagong gising pero kung nasa mood mantrip yun panigurado wala ka nang trabaho ngayon." Sabi nya...
...
...
...
2 years later(A/n: Joke lang hahaha.)
Shet na malupet. Amo namin yung punyetang lalaking magnanakaw ng pagkain sa Ref?
"Sherry?"
"Ay Punyeta." Walayang bibig toh. Di makapagpigil.
"May problema ba? Kanina pa kita kinakalabit ayaw mong mamansin."
"Malaki problema ko Tetong, Baka bukas wala na akong trabaho. Pano ko matutulungan sila inay? Pano namin mababayaran ang hospital? Pano ma ooperahan si itay? Pano kung tanggalin nga talaga ako sa trabaho? Paano kung expired na load ko bukas? Pero wala naman ata akong load, pero paano kung—"
"Sherry, Kilala ko sya. Pag ganong bagong gising sya wala talaga sya sa mood gumawa ng kung ano-ano kaya pasalamat ka nalang." Sabi ni Tetong.
"Ako papasalamat? Saan? Sa pagnanakaw nya ng pagka—" Napahinto ako dahil bigla naman akong natauhan. Amo ko nga pala yung punyetang yun.
"Okaay" huminga muna ako ng malalim bago magsalita ulit." Anak ng amo nating yung punye— este yung lalaki na yun at dahil anak nga sya ng amo natin edi amo narin natin sya. Tama?" Sabi ko ng mahinahon.
"Tama. Dahil dyan mag umpisa na ulit tayo sa trabaho natin." Umalis na si Tetong sa harapan ko at pumunta na sya kung nasaan yung mga bisita ni madam.
Nandito parin ako ngayon sa kusina. Nagpunta ako sa kitchen sink dito, taray english yun. Para maghugas ng plato. Ayokong lumabas dun. Ayokong makakita ng masyadong bonggang tao. Lalo na't sila ang nangungunang pamilya dito sa pilipinas bilang isang pinakamayamang pamilya.
Nagulat ako dahil biglang may umupo sa upuan sa lamesa. Tumingin ako at nagulat na naman ang dyosang Sherry nyo. Ang Ganda nya bes. Siguro mga kasing edad lang sya ni madam pero ang ganda nya. Isa siguro sya sa mga bisita dito.
"Ahmm, Meron po ba akong maipaglilingkod sa inyo? Pasensya na po kayo kung naligaw po kayo dito, anlaki naman po kasi ng bahay nato, andun po ang dining area wala po dito. Kusina po kasi ito." Sabi ko sa kanya. Bigla naman syang tumawa. Anak ng— pati pagtawa maganda.
"Hindi ako naligaw okay? Pumunta talaga ako dito kasi may naalala lang ako sa lugar nato." Sabi nya sabay ngiti.
" Ahh ganun po ba madam—"
"Wag mo na akong tawaging madam. Mrs. Argenta nalang." Woah. So, isa nga sya dun sa mga bisita.
"Ahh okay po Mrs. Argenta." Tapos ngumiti ako sa kanya. Alam kong nakita nya ang pag ngiti ko kasi biglang nalungkot yung mukha nya. Nakakalungkot ba talaga ang ngiti ko? Tinignan ko ulit sya pero wala na yung malungkot na expression sa mukha nya. Nakangiti na ulit sya.
"What is your name iha?" Punyemas english na naman.
"Ahmm ano po, My name is Sherylee Talumbabaw po. I'm 19 years old. I lived at the Batisan Eskwater in my province." Teka tama ba english ko? Bakit parang may mali ata? Hayaan na nga.
"Ow, Hi Sherylee. You know what? Your so adorable and cute." Sabi nya habang nakangiti. Ansaya nya masyado. Pansin ko lang, kahit na ang yaman yaman nya ang simple lang nyang tignan. Hindi sya katulad ng ibang mayaman na sobrang daming nilalagay na alahas sa katawan. Kung titignan mo si Mrs. Argenta napaka simple lang talaga nya. Simpleng tao na ang alahas lamang sa katawan ay isang bracelet. Teka, may ganun ako ee. Alam kong may ganun talaga ako at alam kong wala na yun ngayon dahil sinanla nila itay. Mukha kasing mamahalin kaya sinanla nila, wala kaming ma ulam ee.
"You know what Mrs. Argenta? You now late dinner in yours." Sabi ko. Tama bang nag english ako? Dapat siguro tagalog nalang sinabi ko.
"Haha!Okay i'll go now." Sabi nya. Ansaya nya talaga kanina pa sya tawa ng tawa.
"Okay po Mrs. Argenta." Sabay ngiti ko.
Pinagpatuloy ko nalang yung ginagawa ko. Mga ilang sandali lang ay umalis na ang mga bisita.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko habang papunta ako sa higaan ko. Bakit kaya hindi na sya nag te-text? Bakit parang wala na syang pake? Bakit parang apektado ako eh text lang naman yun? Lintek ka sherry inaantok ka na kaya ganyan ka.
Naisipan kong itext sya kahit alam kong hindi sya mag rereply.
To: Topher
'I Miss You'Pagkatapos nun ay natulog na ako.
***************
-Guys sorry sa mga words. Di talaga ako nagmumura sa personal, kailangan ko lang talaga panindigan yung pagkatao ni Sherry. Hahaha so ayun lang.Sorry din pala kay Aling puring😂 Sana hindi ireport ng puregold tong story ko hahaha.
ilmee💕
BINABASA MO ANG
POOR PRINCESS
HumorA girl who named Sherry was also known as Poor Princess. POOR PRINCESS written by misssymissE