Sherry's P.O.V"Ito naman yung kusina." Turo ni tetong dito sa silid na pinasukan namin.
"Ha? Teka, ilan ba kusina dito? Pangatlong turo mo na yan ee." Sabi ko. Jusko kung matataba sana nakatira dito hindi sana ako magtataka kahit ilang kusina pa meron dito, Pero sa kaso ngayon kasi... Jusko ulit, gaganda ng katawan nila mga bes.
"Panghuling kusina nato. Tatlo lang naman kusina dito ee."
"Juskonaman Tetong, Ni la-lang mo lang ang tatlong kusina?" Kaloka mga tao ditey.
"Oo? Siguro." Sabi nya.
"Isa pang jusko ulit Tetong, Sanay ka na talaga dito no? Baliwala nalang sayo yung mga gantong bagay."
"Oo, atsaka hayaan mo na kung marami silang kusina, hindi naman ikaw ang may-ari." Oo nga no? Ang hilig ko talagang magreklamo sa mga bagay na hindi naman akin.
"Oo na. Saan na yung sunod nating lilibutin?"
"Sa paborito kong parte ng bahay nato. Ang garden nila."
Habang naglalakad kami nakita ko yung kulungan ng aso. Ang shunga ko naman para isiping opisina ni madam yun.
"Ahmm Tetong?"
"Bakit?"
"Malayo pa ba?" At tumawa na naman sya. Ano ba yan, nakakainis na yung tawa nya kasi naman eeeee napapangiti ako.
"Dapat ganyan ka nalang palagi." Sabi nya ng huminto sya sa pagtawa.
"Ang alin ba? Ang magtanong?"
"Hindi, ang ibig kong sabihin sana palagi ka nalang ganyan, yung nakangiti."
"Alam mo kasi Tetong, Minsan ang hirap ngumiti lalo na kung di ka talaga totoong masaya, katulad ko ngayon. Pano ko magagawang ngumiti lalo na kung alam kong may pinagdadaanang mabigat yung magulang ko." Sana nga maging maayos na si inay.
Linibot namin ang buong mansyon at ang masasabi ko lang ay wala. Grabe wala talaga. Wala akong masabi sa laki ng bahay na to.
"Okay, Pinatawag ko kayo para ipaalam sa inyo na darating bukas ang pamilya Argenta. Kilala nyo naman siguro sila?--"
"Eh madam sino ba sila?" Tanong ko at napatingin ang lahat ng katulong sa akin.
"Sherry, Sila ang nangungunang pamilya sa buong pilipinas bilang isang mayamang pamilya. Kaya make sure that all of you ay kikilos bukas." Sabi ni madam.
"Bakit naman madam?" Tanong ko.
"Dahil nga pupunta sila dito. Ano ba Sherry nakikinig ka ba talaga?"
"Oo naman madam, pero kailan sila pupunta?" Tumingin si madam sakin na para bang naiinis. May nasabi ba kong masama?
"Bumalik na kayo sa mga trabaho nyo." At nagsibalikan na nga ang mga katulong pero...
"Madam, Kailan po ba sila pupunta?" Tinignan na naman nya ako.
"Bukas sila pupunta Sherry. Bu.kas. kaya sana wala nang maraming tanong okay?" Sabi nya ng mahinahon habang nakahawak sa ulo nya.
"Okay po madam."
"Hay naku, alis na ako sumasakit ulo ko sayo."
At umalis na sya.
Kinabukasan...
Busy ang lahat dahil may darating na bisita.
Kaya naman ako busy rin. Si Tetong naman umalis. Inutusan sya ni madam na ipag-drive sya.Maya-maya biglang dumating si Madam at sinabihan kami na bilisan ang kilos dahil paparating na daw ang bisita. Jusko naman gaano ba ka-importante yang bisita na yan.
Kaya naman andun silang lahat sa sala at sa dining area ba yun? Basta ayun tapos naiwan akong mag-isa dito sa pangalawang tinuro ni Tetong na kusina.
Habang nagkakape ako may narinig akong kaluskos, Oo bes nagkakape ako at sila aligaga dun sa mga bisita. Nakarinig ako ng kaluskos galing sa malaking Ref kaya naman pinuntahan ko.
Bes may nagnanakaw ng pagkain sa Ref. At para naman mailigtas ko ang buhay ng Ref nato, Ako naman to the rescue.
Dahan-dahan akong kumuha ng walis tambo at inihampas ko sa ulo nya.
"Letse kang magnanakaw ka. Iisahan mo pa ako. Ganyan ka na ba kadesperado? Ano? Wala ka na bang makain sa inyo? Nyeta to dito ka pa talaga magnanakaw ng pagkain pwede naman sa mga mall, Mas madami kang mananakaw dun, May bonus pang mga gamit. Kung ako sayo magbagong buhay ka na—" bigla syang humarap at napahawak sa ulo nya.
"Sino bang nagsabi sayong magnanakaw ako? I can buy whatever I want and sa itsura kong ito mukha ba akong magnanakaw? Sabihin mo mukha ba akong magnanakaw sa paningin mo?" Sabi nya at bigla nyang nilapit yung mukha nya sakin.
Jusko, may gantong nilalang pa pala ang namumuhay sa mundong to.
"At sino ring nagsabi sayo na pwede mo akong hampasin sa ulo?"
Ang Gwapo Bes, Walang binatbat si Tetong dito. Ang kinis ng balat, ang tangos ng ilong, ang lambot tingnan ng buhok, ang macho pa bes, siguro may 6 pack abs to. Mukha rin syang nag gy-gym. Shet ang ganda pa ng mata nya, nakakatunaw—.
"Ano? Di ka ba magsasalita? Parang kanina lang Ratrat ng ratrat yang bibig mo. Wag mong sabihing... Na ga-gwapuhan ka sakin." Sabi nya sabay ngiti. Duon ako natauhan, Kapal ng mukha neto taas ng confidence sa sarili.
"Hoy, Kapal mo rin. May namu-mukhaan lang ako sayo noh wag kang ano dyan." Sabi ko sabay irap para mas magmukhang totoo.
May biglang pumasok sa pinto kaya napatingin kaming dalawa. Si Tetong lang pala.
"Sherry andito ka lang pala, Oh Sir kakalabas mo lang ba ng kwarto mo?" Sabi ni Tetong at ano daw? Sir?
"Hindi naman, Kakain sana ako kaso bigla akong hinampas sa ulo netong babae nato at sinabihan pa akong magnanakaw." Sabi nitong gwapong nilalang.
Nakita ko naman na parang nagulat si Tetong.
"Pasensya na Sir, Bago lang sya dito bilang katulong and actually kababata ko sya." Sabi ni Tetong. Pinapanuod ko lang silang nag-uusap at hindi ko namalayan na wala na sa harap ko yung lalaking yun at nakaupo na kami ni Tetong ngayon dito sa isa sa mga upuan dito sa kusina.
Bat ba nawala ako sa sarili ko kanina? Baliw na ba ako nun?
**********************
A/n: Panget ng updaate ko kaiyaak😢
See you sa Next ChapterNagmamahal,
Dyosang ilmee😂
BINABASA MO ANG
POOR PRINCESS
HumorA girl who named Sherry was also known as Poor Princess. POOR PRINCESS written by misssymissE