SHERRY'S P.O.VPagkatapos naming mag-umagahan, Pinaliguan ko na sina Mark at Marco. Papunta na kami ngayon nila Mark at Marco sa Paaralan nila para ihatid sila. Parehas sila ng school na pinapasukan kaya palagi silang sabay pumasok.
Pag may nang-aaway sa kanila syempre reresbakan ko. Di naman ako papayag na may nambubully sa mga kapatid ko.
"Sige,Ingat kayo ahh? Pag may nambully ulit sa inyo sumbong nyo lang kay ate." sabi ko nang makarating na kami.
"Bye Ate!" sabay nilang sabi sa akin.
Nang pabalik na ako sa bahay di ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko. Habang papalapit ako nang papalapit, lalo akong kinakabahan. Ano ba naman to. Uuwi lang naman ako sa bahay bakit may pakaba-kaba effect pa?
"AY TIPAKLONG NA DI TUMATALON." Napasigaw ako sa daan kaya nagtinginan yung mga tao sa akin. Nag peace sign nalang ako sa kanila.
"Uy Sherry,Grabe ka naman magulat." Sabi ni tetong. Oo mga besh si tetong to na famous dito sa batisan eskwater.
"Aba!Grabe ka rin naman kasi Manggulat." sabi ko sa kanya. Tapos naman na yung eksenang ginawa ko bakit nakatingin parin sila sa amin? Ay Wait, Kay Tetong lang pala. Grabe naman kasi tong lalaki na to. Pak na pak ang kakisigan.
"Uuwi ka na ba?" tanong nya.
"Malamang, Di naman ako pwedeng tumambay dito dahil wala naman yung mga tropahan ko." syempre joke lang yun. Wala akong tropahan. Si Aling Puring lang sapat na.
"Tara Sabay na tayo." sabi nya at sabay na kaming naglakad pabalik sa bahay. Naramdaman ko na naman yung pagkakaba ko.
"Uy Sherry."
"AY TIPAKLONG" sabi ko dahil sa pagkagulat na naman. Kanina pa ako nagugulat ahh? "Tetong naman,Hinay-hinay sa pagtawag sa akin." dahil sa pagkakagulat ko mas lalo pa akong kinakabahan.
"Ay Sorry, Bakit ka ba nagugulat?" tanong nya.
"Eh kasi naman, Kanina pa ako kinakabahan. Di ko alam kung bakit kaya wag mo nang itanong."Sabi ko. Malamang sa malaman magtatanong yan kung bakit ako kinakabahan.
"Ganun ba? Itatanong ko lang sana kung napag-isipan mo na ba yung mga sinabi ko."
"Ano ba yung mga sinabi mo?" tanong ko.
"Yung pagpasok mo bilang katulong." sabi naman nya. Ahh yun pala yun? Sorry nakalimutan ko ee. Ayoko nang marami ang iniisip kaya ayan nakalimutan ko.
"Ahh, Di ko pa napag-iisipan ee." sabi ko.
"Ahh Sige pag-isipan mo muna. Hatid na kita dun sa bahay niyo."
"K." sabi ko.
Nang nandito na kami sa bahay pumasok na ako sa loob. Si Tetong naman ay sumunod lang sa akin. Pansin kong walang sino mang tao kaya nilibot ko ang buong bahay namin. Inabot na ako ng limang segundo sa paghahanap pero wala parin akong makitang tao. Nakaramdam na naman ako ng matinding kaba. Nasan na ba sila?
"Umalis ba sila Tita Cecile?" tanong ni tetong sa akin. Si inay ang tinutukoy nyang tita Cecile. Kanina pa sya sunod ng sunod sa akin mga besh. Pakiramdam ko tuloy habulin ako ng mga lalaki.Char.
"Di ko nga alam ee. Wala naman silang ibang pupuntahan." Sabi ko habang kinakabahan. Hirap talaga maghanap ng ayaw magpahanap.
Napilitan na akong pumunta sa kapitbahay para tanungin kung nakita ba nilang umalis sila inay. Oo Sapilitan pa yun. Pano ba naman kasi, Sa dinami-dami naming kapitbahay Si Aling Puring lang ang gising ngayon at nagbabantay sa mahiwaga nyang tindahan.
"Oh Sherry, Anong sadya mo? Makikitext ka na ba? Pasensya na, Kaka-expired lang kanina ng Load ko ee." Putspa naman talaga. Di talaga magandang ideya na kausapin tong matandang ito.
"Aling Puring, Wag mo sanang mamasamain tong sasabihin ko pero kasi, Alam mo naaawa ako sayo. Alam mo kung bakit? Wala ka na kasing pantext sa jowa mong Amerikanong hilaw. Eh ako? Meron pa. Baka gusto mong ikaw ang Maki-text?" Sabat ko. May asim pa yan si Aling Puring kahit ganyan sya. Kita mo nakadagit ng amerikanong hilaw. Pero sa tingin ko sadyang malandi lang talaga sya.
"Wait, Ayoko nang magtagal dito sa tindahan mo. May itatanong lang ako, Nakita mo bang umalis sina inay sa bahay?" tanong ko. Bigla na naman akong nakaramdam ng kaba.
"Ahmmmm..." Sabi ni aling Puring na nag-iisip.
"Ahmmm..."
"Teka, Ahmm.."
Makalipas ang dalawang oras nagsalita na rin si Aling Puring. Pisting matandang to. Kailan ba to makakausap ng maayos?
"Ahh, Oo, Nakita ko silang tumatakbo paalis kasama si Ate Shen mo. Narinig kong pupunta ata sila sa hospital." Dahil sa sinabi ni Aling Puring, Mas lalo pa akong kinabahan.
"Teka, Bakit daw sila pupuntang hospital?" Tanong ko na may halong kaba.
"Aba Malay ko. Tanungin mo kaya sila nang malaman mo." Sabi ko na nga ba ee. Di talaga toh makakausap ng maayos.
"Paano ko nga sila matatanong kung hindi ko nga alam kung nasaan sila?" Sabi ko nang may inis sa Buong pagkatao ni Aling Puring.
Nagtataka ba kayo kung nasaan si Tetong? Nasa likod ko lang naman sya. Kanina pa sya nakasunod at pinapanuod akong makipag- rakrakan kay Aling Puring.
"Hay Naku! Bahala na nga. Pupuntahan ko nalang sila sa Batisan Hospital. Tutal ayon lang naman ang hospital dito ee. Salamat nalang sa Napaka kwenta mong Sagot Aling Puring."
"Ahh Ganun ba? Sige, Walang Anuman." Tse. Piling ka naman dyan. Purket may amerikanong hilaw ka? May Tetong naman ako. Mas Yummy pa kaysa sa kalandian mong hilaw.
Pumunta kaming Batisan Hospital na pinakamalapit na hospital dito. Siguro naman dito sila pumunta dahil ito lang ang pinakamalapit na Hospital dito.
Nang makarating na kami sa Hospital ni Tetong, Hinanap kaagad namin sina inay. Hindi na kami nagtanong dun sa counter. Paglingon ko sa kaliwa nakita agad namin sila duon na nakaupo. Lumapit ako sa kanila ng may halong kaba.
Tinignan ko sila. Si Ate Shen, Sassy at si Inay lang ang nakaupo dun. Pero Bakit wala si itay? Wala naman syang pasok sa sakahan ngayon kaya dapat kasama nila si Itay. Di kaya---
"Sherry." Malungkot na sabi sa akin ni Inay Nang makita nya kami ni Tetong na papalapit sa kanila.
"Nay, B--bakit.. ba kayo na--nandito?" Tanong ko sa kanila nang may halong takot.
"Ang Itay mo." Napayuko na si Inay.
"Bakit? Anong nang--yari k--kay Itay?" Wag naman sana.
"Kasi..." Bigla nalang syang umiyak habang nakayuko parin.
"Ano Ba talagang nangyayari Inay? Sabihin nyo naman na kasi natatakot na ako ee."
********************
A/N: Yow! Haha.P.s. Walang kwentang A/N. Hahaha
BINABASA MO ANG
POOR PRINCESS
HumorA girl who named Sherry was also known as Poor Princess. POOR PRINCESS written by misssymissE