Chapter4(PP:04)

50 4 1
                                    


SHERRY'S P.O.V

Kasalukuyan akong Nagsasampay ng mga damit ngayon. Bawat sinsampay kong damit sinisigurado ko talagang malinis. Para hindi mapaghalataang Poor kid ako. Mahirap na nga ako Madumi pa damit ko? Nakakatulong naman yung Surf sa akin ee. Nang di dahil kay Surf di ko makaka text-an si Topher. Nang di dahil rin kay Surf Madumi parin yung mga damit ko.

Pero Sana sa susunod may Free wifi na ang Surf para Makapag Facebook na ako sa Cellphone ko. Pero Nakaka connect ba yung cellphone ko sa wifi?  Balita ko malakas daw sumagap ng wifi ang Nokia 3210 ahh? Totoo ba yun? Di ko pa kasi nasusubukan kasi wala kaming wifi. Wala nga kaming ulam mamaya ee. Wifi pa kaya?

Pag ako talaga yumaman papakabitan ko ang buong Batisan Eskwater ng Free Wifi With Free Surf. Ang saya siguro ng buong batisan nun kung nagkataon. Kaya lang katulad nga ng sabi ko Mahirap lang kami. Di ko nga alam kung magiging mayaman nga ako ee. Siguro okay narin ang maging mahirap kami basta masaya at buo ang aming pamilya.

Nang matapos na ako sa kakasampay, Pumunta na ako sa higaan ko at kinuha ang cellphone ko sa drawer. Tinext ko si topher dahil bored ako.

To: Topher
Hi! Tara Pasyal tayo. Ang boring dito sa bahay.

Agad naman syang nag reply.

From: Topher
Sino ka? Bakit ka nag te-text sa boyfriend ko? Are you one of his girl?

Ayy Taray may girlfriend pala si topher? Gutom siguro toh. Kasi  pag ako napapa english senyales lang yun na gutom na ko.

To: Topher
Are you Topher's Girlfriend?

From: Topher
Oh Yah! And you are disturbing us.

Taray. Englishera talaga toh. Tignan natin kung papalag  toh sa english ko. Kahit di ko nakapag college marunong akong mag-english.

To: Topher

I Don't Disturb anyone except to Aling Puring. You know Aling Puring is such a Bobita. Do you know bobita? It means, Bobslacksxcz.

Galing ko mag-english mga besh. Pwede na kong ipang sali sa Quiz Bee.

From: Topher
Oh Really? I Don't know that Aling Puring Is bobita. Because you know if you're a business woman it means you're a smart. But Aling Puring is not like that. She is such a Bobita.

To: Topher
You're Right. Don't tell it to anyone okay?

From: Topher
Okay. I think we need to end this conversation right now because I have something to do. It's nice to talk to you again.Just don't flirt with my bf.

I'm not flirt. She's out of her mind. No one says that im a flirt except her. Gosh,I'm totally hungry.

To: Topher
Bye Bitch :)

Nang matapos akong makipag-text sa kanya dali-dali akong pumunta ng kusina. Gutom na talaga ako mga bes. Di ko na kaya. Parang yung boyfriend mo, nakipag break sayo dahil hindi na nya kaya. Waah! Gutoms na talagas akos.

"Ate Sherry, Nakita mo ba yung laruang kong kosche?" tanong ng kapatid kong 6 years old na si Mark sa akin dahil nakita nya ako dito sa kusina.

"I'm Sorry Mark! I'm hungry. I can't answer that question. Another question please?" sabi ko. Bes gutom na ako.

"Halachang gutchom ka nga, Shige ate Sa iba nalang acho magtachanong." sabi nya.

"Good For you." Lintik Layuan mo kong hinayupak na englisherang bibig. Kung maaari ayoko nang nagugutom ako. Umalis na rin naman si Mark sa harapan ko.

Nagsandok na ako agad ng kanin kaya lang tutong. Pwede nang pagtyagaan. Sinandok ko na rin yung natitira pang adobong asin. Pangalawang araw na yang adobong asin nayan. Buti hindi pa napapanis.

Maganda rin palang ulamin ang adobong asin pag may camping. Madali lang lutuin at masarap pa. Kunting sangkap lang ang kailangan.

Habang kumakain ako pumasok sa isip ko yung girlfriend ni topher. May girlfriend pala sya? Pero bakit sabi ng girlfriend nya 'Are you one of his girl?' Ano yun madaming babae si Topher? Di kaya playboy yun si topher? Pero ano ba yung playboy? Naririnig ko lang yun sa mga plastik kong mga kapitbahay ee. Andami kong tanong pero alam ko namang di nyo masasagot.

Di ko na namalayan ang oras. Gabi na pala? Ilang oras ba akong kumain dito? Ito na naman ako sa mga tanong kong walang sumasagot. Pagtingin ko sa higaan mga tulog na pala silang lahat. Langya di manlang ako kinalabit natulog agad sila. Pero mas okay na siguro yun para walang dagdag exposure.

Nagpaparamdam na naman si antok mga bes. Di na ako pupunta sa higaan ko tinatamad ako ee. Dito nalang siguro ako matutulog sa lamesa. Umayos na ako ng upo at yumuko na sa lamesa. Yung mga pinagkainan ko andito parin sa lamesa. Nakakatamad tumayo kaya dyan nalang muna sya.

Di pa ako nakakatulog pero dumagsa na kaagad ang mga lamok sa balat ko. Pero keribels lang, wala naman silang masisipsip dyan ee. Anemic kaya ako. Wala sigurong lamok na anemic, high blood pwede pa. Paano kaya atakihin ng high blood ang mga lamok? Haist. Bahala na nga. Pati ba naman yun pinoproblema ko? Makatulog na nga lang.

***************************

A/N: Maikli diba? Alam ko na yun. Hahha.

POOR PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon