Chapter3(PP:03)

61 5 1
                                    


SHERRY'S P.O.V

Kagaya nga ng sabi ko kahapon mga besh, Maglalaba ako ngayon. Tinutungo ko na ang tindahan ni aling Puring ngayon. Oo dito nakatira sa batisan eskwater si Aling puring. Wag na kayong magtaka. Sa dinami dami ba naman ng pinamimigay nyang pang negosyo wala nang natira sa kanya. Ayan tuloy naghirap sya.

Nasa tapat na ako ngayon ng tindahan ni aling puring. Oo ganun kabilis. Nasa tapat lang naman ng labahan ko yung tindahan nya ee.

"Oh Sherry, Anong ginagawa mo dito?" tanong ni aling puring.

"Malamang bibili ako. Para saan pa yang tindahan nyo?" Ano bang utak meron tong si aling puring?

"Akala ko kasi uutang ka." sabi ni aling puring.

"Bakit nagpapautang ka ba ng pang load?" tanong ko sa kanya.

"bakit uutang ka ba?" tanong naman ni Aling puring.

"Bakit magpapautang ka ba?" tanong ko ulit sa kanya.

"Uutang ka nga ba?" tanong naman nya. konti nalang sasabog na ako dito

"Kung magpapautang ka nga ba?"Chill ka lang sherry. Matanda na yan. Wag mong patulan. Kontrolin mo sarili mo.

"Uutang ka nga ba kasi?" Ay anak ng tipaklong tong si aling puring.

"Utang ina aling puring, Pabili na nga lang ng Surf." Di ko na kaya. Nababadtrip na ako mga besh. Kailangan ko na ng pangload. Tinatadtad na ako ng text ni topher.

"Ayy, Pasensya ka na Sherry Wala kaming ganun. Ginamit ko na lahat ee. Wala kasi akong load." Santo ng mga tipaklong patawarin nyo po si Aling puring.

"Sinasabi ko Sayo Aling puring, magsara ka na ng tindahan mo." sabi ko sabay walk out. Narinig ko pang Nagsalita si aling puring na ikinabadtrip ko lalo.

"GUSTO MONG MAKI-TEXT? MAY LOAD PA AKO DITO." Kapal talaga ng mukha ni aling puring. Anong akala nya sa akin walang load? Pwes tama sya.

Kabanas talaga. Eh di sya nang may load ako na wala. Ipagmamalaki pa nya sa akin yang 20 Free text messages nya. Wag syang mag-alala pag ako nag ka load isusupalpal ko pa sa mukha nya yung cellphone kong nokia 3210.

Pumunta nalang ako sa tindahan ni aling negra. Mas nagkakasundo kaming dalawa nito ee. Negra talaga pangalan nya siguro sa sobrang panglalait sa kanya ng mga magulang nya ginawa nang pangalan yung Negra.

"Aling Negra, Pabili nga ng surf yung may free text messages." sabi ko kay aling Negra.

"Ito oh! 7 pesos lang yan buy 1 take one."sabi ni aling negra.

"Talaga Aling Negra?" Kasuwerte ko naman. Dami ko nang load.

"Syempre Joke lang, malulugi ang negosyo ko pag ganun." Isa pa tong si Aling Negra binabadtrip ako. Umasa ako mga bes. Ang sakit sakit umasa tapos aasa ka lang sa wala--wait, gutom na ako. Napapahugot na ako ee. Senyales lang yan na gutom na ako.

"Pero dahil mabait kang bata bibigyan kita ng isa pang surf." Sabi ni aling Negra.

Kasuwerte ko talaga mga bes. Iba talaga ang nagagawa ng pagiging mabait. Tularan si Sherylee Talumbabaw.
Nagpasalamat nalang ako kay Aling Negra at bumalik na sa labahan ko.

Ang saya saya ko. Makakapag text-an kami ni topher ng matagal. Isang sachet plus isang sachet ng surf equals 40 free text messages. Yiee. Ang saya saya ko talaga. Bumalik ako sa labahan ko ng nakangiti. Napatingin ako kay Aling Puring dahil nga katapat nya lang yung labahan ko. Inirapan ko nalang sya at ngumiti naman sya. Nakakabadtrip talaga tong matandang to ee.

Tinalikod ko nalang ang labahan ko sa tindahan ni aling puring dahil baka sa sobrang inis ko sa kanya masunog ko tindahan nya.

Nilagyan ko na ng tubig yung planggana atsaka binuhos yung surf. Yung laman ng surf ang binuhos ko hindi yung buo, mga utak nyo.

"HOY SHERYLEE" Tinignan ko kung sino yung sumigaw ng pangalan ko. Si Ate Shen pala.

"Bakit Ate Shen?" tanong ko sa kanya.

"Labhan mo rin yung mga damit ko." sagot nya. Pansin ko lang. Kumpara sa Sun mahilig rin umeksena si Ate Shen sa Story ko. Ang daming umeeksena ahh! Pati si Aling Puring mahilig rin umeksena.

"Bakit ako?" tanong ko ulit.

"Sinong gusto mo maglaba si Sassy?"

"Marunong ba syang maglaba? Palaba nalang din ng damit ko." Sabi ko. Mukhang nabadtrip si Ate Shen.

Imbis na sagutin ako tumalikod nalang sya at iniwan sa akin ang mga damit nya.

"Tse. Snobber kala mo naman Famous. Wala ka ngang Facebook ee." Sabi ko na hindi naman nya pinansin.

Binabad ko muna yung mga damit naming dalawa ni Ate Shen. Mamaya ko na kukusutin dahil pupunta pa akong cebuana lhuillier. Sa sobrang excited kong magka load, di na ako nakapag banlaw ng kamay ko. Pumunta na agad akong cebuana lhuillier Para mag-redeem.

Nang makarating ako sa cebuana lhuillier, pinagtitinginan ako ng mga tao sa loob. Di ko alam kung bakit. Kayo ba alam nyo? Kasi ako di ko talaga alam ee.

Pumunta na agad ako sa counter at nag redeem. Binigay ko yung number ko at yung sachet ng surf para malagyan na nila ako ng load. Nang lumipas ang mahigit isang minuto nagkaroon na ako ng load. Umeksena na naman si Sun mga bes.

Dahil nga sa tuwang tuwa ako dahil mate-text ko na si topher nakipag shake hands pa ako sa isa sa mga staff dun.

"Salamat Miss" sabi ko at nakipag shake hands sa kanya. Napatingin naman sya sa kamay naming naka shake hands.

"Ahmm... Wa-walang a..numan." sabi nya at pilit na ngumiti. At dahil nga sa sobrang saya ko di pa ako nakuntento nakipag yakapan pa ako at pinunas ang kamay kong may sabon sa likod ng damit nya. Remember di ako nakapag banlaw ng kamay kaya sa likod nya nalang ako nagpunas.

Pagkatapos kong mamunas sa likod nya iniwan ko na sya dun ng nakatulala. Parang may nangyaring hindi kapani-paniwala sa buhay nya. Bumalik na rin ako sa labahan ko pagakatapos. Pero nasabi ko na ba sa inyong ang saya saya ko?

**********************

POOR PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon