Chapter2(PP:02)

71 5 1
                                    


SHERRY'S P.O.V

Di ko alam kung bakit ganun yung mga mukha nila pagkatapos nilang kumain. Siguro nasarapan sila sa adobong asin. Pakiramdam ko paborito na nila yung adobong asin. Papatikim ko sa kanila sa susunod yung paksiw na asin.


Nakita ko si Marco na kapatid ko kaya tinawag ko sya.

"Uy Marco!" tawag ko sa kanya. 9 years old palang sya tapos si Mark ay 6 years old.

"Bakit ate sherry?" tanong nya sa akin.

"Nasan sila Sassy?" tnong ko.

"Nandun sa Batis Ate! Maliligo ata sila. Gusto mong sumama? Papunta na rin ako dun ee." sabi nya. Ang cute ni marco.

"Wag na, kayo nalang. Ingatan mo si Sassy dun ahh? Madulas dun baka mabagok yun. Malikot pa naman yung batang yun." sabi ko sa kanya.

"Sige Ate! Byee" At tumalikod na sya sa akin para pumunta ng batis. Pero Nang Maalala kong may itatanong pala ako sa kanya tinawag ko ulit sya. Lumingon naman sya sa akin.

"Ano yun ate?" tanong nya.

"Ang sarap ng adobong asin diba?" mukhang nagulat sya  sa tanong ko pero bakit naman? Wala namang kagulat-gulat dun.

"Gusto mong matikman yung Paksiw na Asin? Masarap din yun." sabi ko sa kanya.

"Paano mo nalamang masarap natikman mo na ba?" tanong nya ulit sa akin.

"Hindi pa pero paniguradong masarap din yun katulad ng adobong asin syempre ako nagluto ee." pagmamalaki ko sa luto ko.


"Paniguradong magiging Paborito nyo rin yun. Gusto lutuan na kita ngayon?" tanong ko na naman. Mukhang nasusuka na sya mga besh. May sakit ba tong si Marco?


"Wag nalang Ate, pupunta nalang akong batis." sabi nya na nakatakip na ang bibig gamit ang kamay nya. Parang any moment susuka na sya mga besh.

"Wag ka nang mahiya. Tara na, Gusto mo pa ba ng Adobong asin? Meron pa dung tira." Ayun sumuka na sya mga besh. May sakit talaga tong si Marco ee. Patingin ko kaya sa Albularyo? Baka na nuno na sya dun sa batis.

"Yuckk! Kadiri ka talaga Marco. Bakit ka sumusuka dyan? Lilinisin mo ba yan?" Kadiri si marco mga besh. Iniwan ko na sya dun na sumusuka. Nandidiri ako sa suka nya. Mukha kasing adobong asin yung sinuka nya.


Pinuntahan ko nalang ang pinaka mamahal kong inay sa kanyang pinaroroonan. Gumagawa sya ng mga basahan para itinda nya. Nang makita ko na sya agad ko syang nilapitan.

"Hi Nay!" masaya kong sabi sa kanya.

"Oh anak! May kailangan ka ba?" tanong ni inay.

"Nakita Mo ba Nay yung Cellphone ko?"

"Anong Klaseng Cellphone Anak?" tanong ni inay.

"Nay hindi na kailangang itanong kung anong klaseng cellphone yun. Nag-iisa lang yung cellphone na yun dito sa bahay." sabi ko.

"Ay ganun? Yung cellphone ba nayun ay yung pamana ng tatay ng lolo mo sa kanya na ipinamana naman ng lolo mo sa tatay mo na pinagsawaan naman nya at ibinigay sayo? Yung Nokia 3210 ba yun?" sabi ni inay. Grabe alam na alam talaga nya yung history ng cellphone ko. Mas matanda pa yung cellphone ko kaysa sa kanya ee.


"Oo Nay!" Bagot kong sabi. Grabehan naman kasi kailangan pa talagang sabihin kung saan galing yung cellphone ko?

"Andun Nakita ko sa Kwarto mo dun sa drawer." sabi ni inay.

"Nay, Wala akong kwarto mahirap lang tayo." Sabi ko. Ang cute ni inay. Sarap iuntog sa pader.

"Ganun?" sabi ulit nya. Paulit-ulit yung linya nya.

"Nay, Ang cute mo" sabi ko na nakangiti pa.

"Ay Nuw Rayt." sabi nya na nagpapa cute. Mas magaling pang mag-english si itay ee.

"Naniwala ka naman Nay?" sabi ko. Ang bilis nyang maniwala mga besh. Nakita kong biglang humigpit yung hawak nya sa kutsilyo. Oo may hawak syang kutsilyo mga besh at handa na nya akong katayin ngayon.


"Kailangan mo talagang Maniwala Inay, tingin ka pa sa salamin kitang-kita na ang ebidensya." Bigla namang lumuwag yung pagkakahawak nya sa kutsilyo. Naniwala talaga sya mga besh.

"Ikaw talagang Bata ka, Ang hilig mong mambola." Sabi niya. 'Buti alam mong Pambobola lang yun Inay, wala kasing katotohanan yun.' gusto ko sanang sabihin yan sa kanya kaya lang wag na. Tinamad na ako.


Hinanap ko nalang yung cellphone kong nokia 3210 pero di ko makita. Naalala ko wala nga pala akong kwarto kaya sa drawer ko nalang hinanap yung Cellphone ko.

Nang makita ko na yung cellphone ko tuwang-tuwa ako mga besh dahil andaming unread messages. Pagtingin ko bigla akong nalungkot. Akala ko nag text na si topher, Sun lang pala yung nag text. Nagpapa alala na mag-load na raw ako. Si topher sya yung textmate ko.

*Ringtone*Ringtone*

Napatingin ako sa hawak kong cellphone dahil biglang may nag text. Napangiti naman ako nang makita kong si topher na yung nag text.

From:Topher

Hi! Goodmorning..
Kain tayo

Yiee.Nag good morning sya. Kenekeleg ako. Wag kayong ano, Feel ko lang kiligin ngayon.

To: Topher

Goodmorning din :)
Kakatapos ko lang kumain ee. Kain ka nalang. Pakabusog ka.

Buti nalang may load pa. Kailan kaya mag e-expired toh? Sana wag nang mag expired. Kaya lang kahit walang expiration kung mauubos din yung load wala rin. Sana di na maubos.

From: Topher

Ganun? Masustansya ba yang kinain mo? Baka naman nakakasama sa katawan mo yan?

Ayiee. Concern sya sa akin mga besh. Kenekeleg talaga ako. Nireply-an ko naman sya.

To: Topher

Masustansya naman ang adobong asin diba? Di lang masustansya, Masarap pa. Gusto mo lutuan pa kita.

Sigurado akong masustansya ang adobong asin,ako nagluto ee. Pag ako nagluto paniguradong masarap at masustansya.

From: SUN

SORRY YOUR BALANCE IS NOT ENOUGH FOR SENDING THIS MESSAGE.

Pisting Yawa naman oh! Kung kailan nag e-enjoy na akong katext si Topher tsaka naman naubos yung load. Kainish. Ang hilig talagang Umeksena ni Sun tuwing magka text kami ni Topher.


Pero hayaan na. Sa susunod ko nalang ulit sya itetext. Maglalaba naman ako bukas ee. Ibig sabihin pag may laba may load. Bibili ako ng Surf na may free text messages. Excited na akong magkaload bukas.

*************************
A/N: Hi! Kamusta? Tuloy ka halika na pare wag kang mahiyang pumasok. Char. Kriminal lang ang peg. Anyway,Bili na rin kayo ng Surf para may pantext kayo Kay Sherry at Topher. Hahaha. Hintayin nyo lang update ko mga ka-beks.

POOR PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon