Chapter7(PP:07 )

33 4 0
                                    


TETONG'S P.O.V

Siguro kilala nyo naman na ako. Nag monologue na ata si Sherry tungkol sa akin ee. Nandito kami ngayon ni Sherry sa Hospital kung saan hinanap sina Tita Cecile-- Ang nanay ni Sherry. Eto ako ngayon nakasunod lang sa kanya. Sabi nya kanina pa sya kinakabahan ee.

" Sherry." Malungkot na sabi ni Tita Cecile nang makita nya kami ni Sherry.

"Nay, B--bakit.. ba kayo na--nandito?" Tanong ni Sherry kay Tita Cecile nang may halong takot.

"Ang Itay mo." Napayuko na si Tita Cecile.

"Bakit? Anong nang--yari k--kay Itay?" Tanong naman ni Sherry.

"Kasi..." Bigla nalang umiyak si Tita Cecile habang nakayuko parin.

"Ano Ba talagang nangyayari Inay? Sabihin nyo naman na kasi natatakot na ako ee." Sabi ni Sherry.

"Ang Itay mo kasi Inatake sa Puso kanina habang kumakain. Sabi ng Doctor malala daw ang sakit nya sa Puso at Kailangang Operahan agad. Wala naman tayong pera pang opera sa itay mo." Sabi ni Tita Cecile.

"Huwag kayong mag-alala inay, Ibebenta ko nalang ang katawan ko parA magka pera tayo." Sabi ni Sherry na ikinagulat naming lahat kaya napatingin kami sa kanya.

"Charot lang. Kayo naman masyadong seryoso. Inatake lang naman sa Puso si Itay ee. Di pa sya namamatay kaya Chill lang kayo." Napatingin na nang masama sa kanya si Tita Cecile. "Charot lang ulit."

"Tita, Magkano ba daw ang kailangan sa operation?" Sumingit na ako para makapagtanong.

"Andyan ka pala Tetong, Di ka kasi nagsasalita. Sabi ng Doctor baka 150,000 pesos daw ang abutin. Di namin alam kung saan kami kukuha ng ganon kalaking pera Tetong." Sabi nya habang umiiyak parin.

"May inalok po akong trabaho kay Sherry sa Maynila. Mataas po ang sahod duon dahil mayaman ang may-ari ng bahay na papasukan nya bilang katulong. Kung gusto po ni Sherry na pumasok duon, Makakatulong po yung sasahuring pera ni Sherry para ipambayad sa Pang Opera ni Tito." Sabi ko.

"Talaga Tetong? Naku maraming salamat pero--"

"Nay, Wag na kayong tumanggi." Pagsingit ni Ate Shen.

"Ano ka ba Shen? Hindi naman ako tumatanggi. Ang sasabihin ko lang naman ay kung baka hindi kayanin ng kapatid mong si Sherry ang mga trabaho dun." sabi ni Tita Cecile.

"Sus, Kaya naman nya yun ee. Nag-iinarte lang kaya ayaw tanggapin yung trabaho." sabi ni Ate shen.

"Bakit Tumanggi na ba ako? I told Tetong that let me think first if I grab his offer." Sabat ni Sherry. Napatakip sya sa bibig nya dahil siguro napansin nya na iba yung lumabas sa bibig nya. Hahaha. Ang cute nya talaga.

"Sherry Anak, Wag kang magkakalat ng kagutuman mo dito ahh? Nasa Hospital tayo wala tayo sa kainan." sabi ni Tita Cecile.

"I'm so Sorry Mom. I just can't help myself." Ang cute nyang mag-english. Gutom na siguro sya.

Umalis muna kami sa Hospital ni Sherry dahil niyaya ko syang kumain sa labas. Hindi naman sya nagdalawang isip na sumama dahil mukhang gutom na talaga sya.

"Ahng Sharap. Shalamach Tchetsong." Sabi ni Sherry.

"Wala yun atsaka wag kang magsasalita habang puno yung bibig mo nang pagkain." sabi ko.

"Ay Shorry." Napahampas ako sa noo ko sa sinagot nya. Sinabing wag magsalita habang puno yung bibig ee. Napansin siguro nya yun kaya nag peace sign sya.

"Ah Sherry, Tatanggapin mo na ba yung offer ko sayo?" tanong ko sa kanya habang kumakain parin kami.

"Hmm, Siguro Oo. Kasi para makatulong na rin ako kayla inay. Para may pang -opera na si itay. Kaya lang baka naman maligaw ako, Ayokong maligaw. Gusto ko ako yung nililigawan hindi ako yung manliligaw." sabi nya. Napatawa naman ako sa sinabi nya. Kahit kailan talaga hindi sya pumalya na patawanin ako.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan? Totoo yung sinabi ko walang halong kasinungalingan."

"Wag kang mag-alala. Nandun naman ako ee. Hardenero ako duon kaya masasamahan kita. Sabay na tayong pupunta dun kung nakapag desisyon ka na ng husto."

"Talaga? Duon rin trabaho mo?"

"Oo. Kaya nga wala na ako dito minsan dahil may trabaho ako sa maynila. Pumasyal lang ako dito pero babalik din ako dun."

"Ahhh. Mabait ba mga tao dun? Kung Oo ayos lang kung hindi naman Mas ayos yun."

"Mababait naman sila pero yung anak ng amo natin kasi maloko yun. Baka mapagtripan ka." sabi ko.

"Di naman siguro uubra sa akin yun. Tara alis na tayo. Punta na tayo kayla inay." sabi nya. Tumango nalang ako at umalis na kami duon sa kinainan namin at pumunta nang hospital.

Pagdating namin sa hospital pumunta na agad kami sa kinaroroonan nila Tita Cecile. Wala naman kaming pupuntahang iba kaya natural lang na kila Tita Cecile kami pumunta.

"Nay, Kamusta si itay?" tanong ni Sherry sa Nanay nya.

"Ganun parin walang pinagbago. Gwapo parin sya sa paningin ko at ang macho parin nya." sabi ni Tita Cecile.

"Nay ang ibig kong sabihin ay yung kalagayan ni Itay. Wala tayo sa MAMA Awards para bigyang puri si itay. Di naman katulad ni Itay ang BTS." Di ko alam pero parang nainis na naman ako. Paborito nya kasi ang BTS lalong-lalo na si Jungkook. Haysst. Mas gwapo pa ako dun ee.

"Ahh ganun ba? Ayun nandun parin ang itay mo nakahiga at may iniindang sakit. Sherry Magtatrabaho ka na ba sa Maynila?"

"Oo Nay. Para narin kay itay yun. Para narin sa mga kapatid ko para may dagdag baon sila pag nagpadala na ako ng pera."

"Kakayanin mo ba sa Maynila? Baka mahirapan ka lang sa mga trabaho dun." Sabi ni Tita Cecile.

"Ano Ka ba Nay, Wala namang trabahong madali ee. Atsaka kailan ko ba hindi kinaya ang isang bagay? Basta tiwala lang kayo inay malalagpasan din natin to."

"Sana nga. Oh Sya, Umuwi ka muna sa bahay at ako na muna ang magbabantay dito sa Itay mo."

"Sige Nay!" sabi ni Sherry. Umalis na kami sa hospital at hinatid ko na si Sherry sa bahay nila. Gabi na rin kaya medyo madilim. Nang makarating na kami nagpaalam na ako sa kanya at umuwi na ako ng bahay.

*************************************
A/N: Mehehehehe. Updated na sya.
Next chapter is eight. Pagdasal nyo na sana matapos ko tong story nato. Harhar.

-MS.E

POOR PRINCESS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon