Chapter 22

3.1K 131 19
                                    

Kiefer: so kung hindi tayo college friend, ano? mukhang close kasi kayo ni mommy kaya imposibleng hindi tayo magkakilala.

gusto ko sana sabihin sa kanya ang totoo kaya lang ayoko namang biglain siya saka baka hindi siya maniwala at mapag kamalan pa akong baliw.

Kiefer: ex ba kita?

bigla akong nabilaukan sa tanong niya. agad naman siyang tumawag ng waiter para humingi ng tubig

Kiefer: hui ok ka lang?

Aly: dahan dahan kasi sa tanong.

sagot ko at uminom ng tubig.

Kiefer: sorry

Aly: bakit mo naman nasabi na ex mo ko?

Kiefer: ang ganda mo kasi para sa kaibigan kaya naisip ko na baka ex kita.

sagot niya kaya natawa ako

Aly: so feeling mo nagka gusto ako sayo?

Kiefer: hindi naman. baka nga ako pa ang nagka gusto sayo.

pakiramdam ko sobrang pula na nang pisngi ko dahil sa mga pinag sasasabi niya.

Aly: baliw ka.

sagot ko at binaling ang tingin sa labas dahil naiilang ako na tignan siya.

Kiefer: nasan nga pala ang dady ni arki?

tanong niya kaya bigla ako napatingin sa kanya

Aly: may sakit

Kiefer: sorry hindi ko alam na may sakit pala. sabi kasi ni arki wala siyang tatay.

Aly: wala nga

nakita ko namang naguluhan siya sa sinabi ko

Kiefer: ha? ang gulo naman. meron ba o wala?

Aly: meron pero hindi sila magkakilala

Kiefer: pero bakit? iniwan siya?

Aly: basta may sakit siya. ang dami mo namang tanong. may balak ka bang maging reporter?

Kiefer: nagtatanong lang eh bakit ba ang sungit mo.

Aly: ang dami mo kasing tanong.

Kiefer: alam mo mas maganda ka pag naka ngiti

Aly: so anong ibig mong sabihin? panget ako pag naka simangot?

Kiefer: hindi ah. mas maganda lang pag naka smile

sagot niya kaya ngumiti ako.

Aly: ok na ba?

Kiefer: ayan. oh diba mas maganda.

Aly: bolero

Kiefer: hindi ako bolero nagsasabi lang ako ng totoo.

naging close na kami ni kiefer simula nung ayain niya ako mag coffee. lagi siyang nag aaya lumabas tuwing nagkikita kami sa school. minsan kami lang dalawa pero madalas kasama yung mga bata kaya para kaming one big happy family. hindi ko alam kung alam ba ni mich na nagkikita kami ni kiefer pero feeling ko hindi dahil kung alam niya baka sumugod na yun sa bahay ko.

wala akong pinagsasabihan na kahit sino kaya kahit sila tania hindi nila alam. nagtataka na nga siya kung bakit bigla akong nawawala. gumagawa na lang ako ng dahilan para hindi siya maghinala. alam kong wala akong dapat itago dahil asawa ko naman si kiefer kaya lang natatakot kasi ako na baka madulas sila at masabi nila yung totoo. kung iniisp niyo na nag bago ang plano ko nagkakamali kayo. humahanap lang ako ng tamang tyempo para masabi sa kanya yung tungkol samin ng anak ko. ayoko kasi biglain siya dahil baka hindi maganda ang kalabasan kaya kailangan ko muna unti untiin ang lahat bago ako umamin sa kanya.

MoonlightWhere stories live. Discover now