Chapter 25

3.3K 95 87
                                    

Aly: teka asan yung phone ko.

Chineck ko lahat ng gamit ko pero wala yung phone ko

Lola: iha may problema ba?

Aly: nako yung phone ko lola naiwan ko ata sa loob.

Lola: bakit hindi mo nalang kuhanin at mag bihis ka na din para naman maka kain ka na dito

Mukang wala naman na sila kaya papasok na ko. Gutom pa kasi ako kaya gusto ko pang kumain ng champurado hindi nman kasi ako nakakain ng maayos dahil dumating nga yung bruha.

Papasok na sana ako sa loob ng makita ko si mitch na papasok ulit galing sa labas kaya dali dali akong bumalik sa biranda. Bakit ba kasi ayaw pa lumayas nakaka inis..

Lola: oh iha bat bumalik ka? May problema ba?

Aly: nasa loob pa po kasi yung maldita, mamaya nalang po siguro pag alis nila.

Lola: sino bang maldita ang tinutukoy mo at parang ayaw mo na makita ka niya.

Aly: asawa po ng asawa ko

mukhang nabigla ata si lola sa sinabi ko dahil hindi na siya nakapag salita.

Mitch: kaninong phone yung nag riring?

Tanong niya. Nasa bulsa naman yung phone ko ng kapain ko kaya hindi sakin yun. Teka kay alyssa ba yun.

Mitch: kanino kako yun? May kasama ka ba sa loob?

Galit na tanong niya. Imbis na sumagot ay dali dali akong bumalik sa loob para kuhanin yung phone dahil baka maunahan pa niya ako. Napansin ko na sumunod siya kaya nag madali na ako sa pag hahanap. Pumasok ako sa kwarto kung saan natulog si alyssa buti nalang at naka patong lang yung phone niya sa side table kaya agad ko itong kinuha.

Mitch: kaninong phone yan.

Nagulat ako ng mag salita siya na nasa likod ko na pala.

Kiefer: sakin kanino pa ba.

Sagot ko at patay malisyang lumabas ng kwarto.

Mitch: bakit nasa guest room? Pwede ba kiefer wag na tayo mag lokohan dito ilabas mo nalang yang babae mo.

Kiefer: sa guest room ako naka tulog kagabi sa sobrang kalasingan ko. Masyadong malawak yang utak mo kaya kung ano ano na naiisip mo.

Sagot ko at lumabas na ng condo. Dakdak padin siya ng dakdak hanggang elevator. Nakaka rindi man yung bunganga niya hindi ko nalang pinatulan dahil hahaba lang yung issues nya kaya dinedma ko nalang.

Aly: sorry lola kung dito pa ako naki kain sainyo ha.

Salita ko habang kumakain ng champurado na niluto niya.

Lola: masaya nga ako at nandito ka. Namimiss ko na kasi ang anak ko, matagal na din siyang hindi dumadalaw kaya nung dumating ka parang nandito na din siya.

Natigilan ako sa pagkain ng marinig ko ang sinabi ni lola. Namiss ko tuloy sila inay at itay. Matagal tagal na din kasi simula nung huling beses ko sila nakita.

Lola: hindi ba masarap yang champurado ko?

Tanong niya kaya nagising ako sa pagka tulala ko.

MoonlightWhere stories live. Discover now