Tania: kiefer?
Gulat na sabi ni tania ng makita namin si kiefer na hatak hatak ni arki papasok ng bahay ko.
Tania: anong ginagawa niyan dito
Bulong sakin ni tania.
Aly: aba ewan ko.
Sagot ko at bumaba na para puntahan si kiefer.
Kiefer: hi
Bati niya at inabot ang isang bouquet ng flowers.
Aly: anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko sayo wag kang pupunta dito.
Bulong ko dahil baka marinig kami ni tania.
Kiefer: isosoli ko sana yung phone mo kaso hindi ko naman alam kung san ka tatawagan. Actually iaabot ko lang talaga kaso nakita ako ni arki kaya ayun andito na ko.
Sagot niya. Nakita ko namang nakatingala samin yung anak ko kaya imbis na sumagot nginitian ko nalang siya.
Arki: tito kiefer mangiare con me per favor.
Kiefer: ano daw?
Tanong niya sakin.
Aly: sabi niya umuwi ka na daw
Arki: mommy
Malungkot na sabi ni arki.
Aly: joke lang, sabi niya dito ka na daw kumain.
Teka anong dito kakain. Late na nang ma realize ko yung sinabi ng anak ko.
Joy: oo nga po dito ka po kayo kumain para naman hindi na malungkot yung mommy, ay este si arki pala.
Salita ni joy na nasa likod ko na pala. Na ikwento ko na din sa kanya lahat kaya hindi na din siya nag tataka bakit ganito ang sitwasyon namin.
Sinenyasan ko naman siya na wag ng gatungan yung gusto nung bata kaso umandar nanaman yung pagka tanga niya kaya hindi niya na gets yung ibig kong sabihin.
Joy: ano ate?
Tanong niya pero imbis na sumagot ay pinang lakihan ko nalang siya ng mata. mukang hindi din siya makuha sa tingin dahil pilit pa din niyang dito pinapakain si kiefer. Pumayag naman ang loko kaya walan na din akong nagawa.
Na upo sa sala si kiefer at arki habang kame naman nasa kusina at nag hahanda ng pagkain. Sobrang tahimik ng kapaligiran dahil walang nag sasalita samin ni tania, ayoko naman na ako unang kumausap sa kanya dahil hindi ko alam kung pano ko ipapaliwanag sa kanya to.
Joy: ehem
Pagputol niya sa kathimikan. Napansin niya ata na hindi kame nag kikibuan ni tania.
Tania: so ly kelan mo balak sabihin sakin na nagkikita na pala kayo ni kiefer?
Tanong niya. Ilang segundo muna ang lumipas bago ako sumagot dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sa kanya.
Aly: Tans
Hindi pa natatapos yung sasabihin ko nagsalita na siya agad.
Tania: ly hindi mo naman kaylangan itago sakin to. Asawa mo si kiefer at may karapatan ka na makita siya ang akin lang naman eh gusto ko lang malaman kung tama ba yang hakbang na ginagawa mo. Andito ko hindi lang bilang manager mo andito din ako bilang kaibigan mo. Nag aalala lang ako para sayo kaya ko sinasabi sayo to.

YOU ARE READING
Moonlight
Fanfiction''everyone wants to be your sun that lights up your life but i'd rather be your moon so i can shine on you during your darkest hour when your sun isn't around'' (Sunshine after the Rain Book 2)