Chapter 14

2.8K 107 30
                                    

nagising ako sa katok ni joy sa kwarto ko. ayoko na sana siyang pag buksan dahil alam ko na rin naman ang sasabihin niya. magkatabi lang kami ni Ly ng kwarto kaya rinig na rinig hanggang dito ang pagwawala niya. tinakpan ko ng unan ang ulo ko dahil antok na antok pa ko. napuyat ako sa pag aalaga kay arki kagabi kaya kailangan ko bumawi ng tulog. malapit na sana akong maidlip ulit ng marinig ko ang iyak ni arki kaya dali dali akong tumayo para lumabas ng kwarto. pagbukas ko ng pinto nagulat ako ng nandun pa din si joy naka tayo at karga karga yung bata.

Tania: anong nangyari?

tanong ko at kinuha si arki sa kanya

Joy: ang ingay kasi ni ate, ayan nagising tuloy mukhang nabitin ata sa tulog kaya ayaw tumigil sa pag iyak

awang awa ako sa bata dahil pulang pula na siya sa kakaiyak. ibinalik ko si arki kay joy at pinapasok sila sa kwarto ko. kinuha ko ang bathrobe ko sa cr at lumabas para puntahan yung magaling niyang ina. pag dating ko sa labas ng kwarto niya hindi na ako kumatok dahil useless lang naman kung kakatakot pa ko kaya agad na akong pumasok.

Aly: anong ginagawa mo dito?

sigaw niya kaya naginit ang ulo ko

Tania: alam mo ba kung anong oras pa lang ha? kung gusto mo magwala dun ka sa baba

Aly: anong karapatan mo para pag sabihan ako?

gigi na gigil ako sa kanya pero pinigilan ko ang srili ko dahil ayoko siyang saktan

Tania: wala akong pakealam kung gusto mo magwala buong buhay mo pero sana wag mong idamay yung anak mo sa kabaliwan mo. hindi siya maka tulog ng maayos sa sobrang ingay mo.

Aly: oh edi dun kayo sa baba problema ba yun .

Tania: ly naririnig mo ba yang sarili mo ha. anak mo yun sariling dugo at laman mo. yung iba hindi magka anak kahit gustong gusto nila pero ikaw anong ginagawa mo. nawala na sayo si kief wag mong hintayin na pati anak mo mawala ng dahil sa kapabayaan mo

Aly: so anong ibig mong sabihin pabaya akong ina?

sigaw niya

Tania: bakit ano bang tingin mo sa sarili mo? urilang ina? wow ha

Aly: kung na iingayan kayo sakin lumayas kayo sa bahay ko

sigaw niya

Tania: kaya ka siguro iniwan ni kiefer dahil sa ugali mo. hindi na ko magtataka kung hindi ka na niya babalikan. tanggapin mo na lang na wala na siya alyssa.

nagulat ako ng bigla siyang lumapit sakin at sinampal ako

Aly: wala kang karapatan sa sabihin sakin yan dahil hindi ikaw ang nawalan hindi ikaw ang iniwan at lalong hindi ikaw ang nahihirapan . akala mo ba madali sakin to tania. araw gabi akong naghihintay sa kanya. bawat sulok sa bahay na to siya ang nakikita ko at tuwing nakikita ko yang bata na yan siya ang na aalala ko. alam mo ba kung gaano kahirap ang bawat minuto na lumilipas sa buhay ko? lagi ko naiisip kung kumakain ba siya kung nakakatulog ba siya sa malambot na kama kung nakakainom ng tubig na malinis kung humihinga pa ba siya. madali sayong sabihin lahat nang yan dahil hindi ikaw ang nasa lugar ko. mahal na mahal ko siya tania mahal na mahal kaya aanhin ko pa yang buhay na sinasabi mo kung wala naman siya sa tabi ko.

sagot niya at napa upo nalang sa sahig habang humahagulgol sa pag iyak. paupo na din sana ako para yakapin siya ng bigla naman pumasok si joy sa kwarto

Joy: ate si arki

sigaw niya kaya napatingin kami ni ly sa kanya.

Tania: anong nangyari?

Joy: nangingitim na siya ate

sigaw niya kaya napatakbo ako para puntahan si arki. pag pasok ko ng kwarto dali dali ko siyang kinarga para dalhin sa hopital. nakita ko namang sumundo sakin si ly. pag pasok niya ng kotche ibinigay ko sa kanya yung bata dahil ako ang mag ddrive.

habang nasa byahe kami tinitgnan ko siya sa salamin. alam kong ninenerbyos siya kahit hindi siya nagsasalita dahil kitang kita ko sa mukha niya.

pagdating namin sa hospital ipinasok agad si arki sa Er . nakita kong tulala si ly kaya ako na lang ang sumama sa loob dahil kailngan daw ng guardian na kasama. pinatawagan ko din sila tita mozzy kay joy para papuntahin dito.

parang dinurog ang puso ko ng mahagkan ko ang anak ko sa ganong kalagayan. tama si tania wala akong kwentang ina. pinabayaan ko anag anak ko na dapat pinupuno ko ng pag mamahal.

patawarin mo ko anak sa lahat nag pagkukulang ko sayo. wag mo iiwan si mommy hindi ko na kakayanin kung pati ikaw mawawala pa sakin. nangangako ako sayo na aalagaan na kita hanggang sa huling hininga ko. bubuhayin kita sa sariling kong paa. wala man ang dady mo pupunan ko ang pwesto niya sa buhay mo. kakayanin natin ang lahat basta wag mo lang ako iiwan.

nang ipasok na sa ER si arki umupo ako sa isang gilid habang umiiyak. bigla namang dumating sila mom kaya napatakbo ako papalapit sa kanya

Mom: ly anong nangyari ?

Aly: ma si arki. naging pabaya ako i'm sorry.

sagot ko habang naka yakap sa kanya

Mom: ly alisin mo muna si kiefer sa isip mo mas kailangan ka ng anak mo ngayon kaya sana siya muna ang pinag tutuunan mo ng pansin.

ALy: patawarin niyo po ako.

Mom: tumahan ka na gagaling din siya mag dasal lang tayo.

habang nag hihintay na upo kami ni mom sa labas ng ER. maya maya ay lumabas na si tani at lumakad na papalapit samin

Mom: tania kamusta ang apo ko?

Tania: ok na po tita. sabi ni doc nahirapan lang huminga kakaiyak.

Mom: hay salamat sa Diyos

Aly: pwede ko sba siyang makita?

tanong niya na ikinagulat ko kaya imbis na sumagot tumango na lang ako sa kanya.

pagkatapos ng nangyari kay arki nag bago na si ly. lahat ng atesyon niya ibinigay na niya dito. masaya ako dahil natauhan na siya sa kabaliwan niya although nahuhuli ko pa din siyang umiiyak minsan pero hindi na tulad nung dati na nag nagwawala siya. madalang na din niyang banggitin si kiefer sa mga usapan kaya malakas ang pakiramdam ko na naka move on na siya pero hindi pa din nawawala yung pag asa niyang babalik pa din ito.

naalala ko tuloy nung binyag halos 1hour kaming naghintay sa simabahan bago mag start dahil baka daw dumating si kiefer pero nung wala kaming nakita kahit anino, napilitan na siyang simulan ito kahit wala ang tatay ni arki.

tumawag naman sakin si evon at sinabing kailangan ko na bumalik ng Italy nasabi ko na din kila ly ang tungkol dito. nung una ayaw niyang pumayag dahil ma mimiss niya daw ako, biniro ka naman siya na sumama na lang sila sakin nagulat naman ako nang pumayag siya sa alok ko.

MoonlightWhere stories live. Discover now