agad kaming lumabas para tignan kung sino yung nagwawala sa labas ng bahay ko. papalapit pa lang ako sa gate rinig ko na ang boses niya kaya alam ko na kung sino siya.
Aly: hi bitch anong problema mo at nagwawala ka sa labas ng bahay ko? hindi pa naman pasko para mangarolin ka.
bati ko sa kanya pag bukas ko ng gate.
Mich: kung bitch ako ano ka? ex wife na nag hahabol sa asawa?
gusto ko sana siyang sakalin kaso maraming nakatingin na kapitbahay. ayoko naman isipin nila na war freak ako.
Aly: excuse me? yan ba ang pinuputok ng butchi mo kaya ka nandito?
Mich: wala kang karapatan na bawiin si kief alyssa dahil matagal na kayong wala. isaksak mo yan sa kokorte mo. bakit ba kasi hindi mo nalang tanggapin na may pamilya na siyang iba o baka naman hindi ka maka move on?
sigaw niya. napatingin naman siya kay tania nang bigla itong pumalpak.
Tania: minemorize mo ba yan girl? galing mo ah. may balak nga pala kaming magtayo ng terminal ng jeep gusto mo kunin ka naming barker? ang lakas kasi ng bunganga mo.
salita niya kaya natawa ako.
Joy: totoo magtatayo kayo? saan? sana sa kanto para hindi na ko mahirapan mag abang. ang hirap kasi sumakay dun pag namamalengke ako.
sagot naman ni joy na nasa likod ko kaya lalo akong natawa.
Tania: tanga ka talaga
Joy: bakit joke lang ba yun? sana kasi nilagyan mo ng joke sa huli para alam ko noh.
Aly: kung yan lang ang pinunta mo dito nag sasayang ka lang ng oras. bakit kasi hindi ka na lang pumirme sa bahay niyo at sulitin yung mga natitirang oras na kasama mo ang asawa ko dahil baka bukas wala na siya sa tabi mo.
Mich: sa tingin mo papayag ako na makuha mo siya sakin?! madami na akong hirap kay kief kaya hindi ako papayag na mauwi lang lahat yun sa wala.
Aly: hindi ka ba natatakot na baka mamaya magising na lang si kiefer at na naaalala na niya ang lahat tapos ako ang hanapin. paano ka na? kawawa ka naman.
Mich: wag kang mangarap alyssa hindi mangyayari yang iniisip mo
Aly: kelan ka kaya magigising sa katotohanan na kahit anong gawin mo hindi ka magiging asawa. nabuo lang ang pamilya niyo dahil sa kasinungalingan. kung tutuusin nga isa ka lang kabit.
nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.
Aly: oh bakit parang nagulat ka? hindi mo ba alam na alam ko? next time kasi wag kang sugod ng sugod para hindi ka napapahiya. tanungin mo yang byanan mo ng hindi ka nagmumukang tanga.
Tania: girl ang rude mo kay bitch ay este mich pala
Aly: i'm not rude noh. i just speak what everyone else hasn't the balls to say.
Mich: hindi pa tayo tapos tandaan mo yan
lumapit naman ako sa kanya at tinapat ko ang mukha ko sa tenga niya.
Aly: ang akin ay akin mich yan ang tandaan mo.
agad siyang naglakad pabalik ng sasakyan niya habang yung dalawa sa likod ko tawa ng tawa. napatingin ako sa paligid at nakita ko na sobrang dami na pala ang nanunuod samin.
Aly: guys tapos na ang palabas..
sigaw ko. pag pasok ko sa loob napa upo nalang sa sofa dahil na stress ako sa nangyari.
Tania: ang kapal ng mukha ng babaeng yun siya pa talaga ang sumugod dito. feeling asawa.
Aly: makapal na talaga ang mukha non dati pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/85870167-288-k158420.jpg)
YOU ARE READING
Moonlight
Fanfiction''everyone wants to be your sun that lights up your life but i'd rather be your moon so i can shine on you during your darkest hour when your sun isn't around'' (Sunshine after the Rain Book 2)