Chapter 24

2.2K 63 25
                                    

Nagising ako ng may biglang sumigaw. Naalala ko naman si alyssa na natutulog sa kabilang kwarto kaya dali dali akong bumangon kahit sobrang sakit ng ulo ko para puntahan siya. Nawala naman sa isip ko ang kumatok dahil sa pag aalala na baka may nangyari sa kanyang masama.

Pag bukas ko ng pinto ay nagulat ako sa nakita ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siyang naka tayo at naka underwear lng. Hindi ko alam kung ilang segundo akong naka titig sa kanya bago ko naisipang tumalikod. Naputol pa ata ang dila ko dahil hindi ako makapag salita.

Aly: may damit ka ba na pwede kong isuot?

Tanong niya. Napaturo nalang ako sa cr kung saan may mga damit ako na naka tago. Bumaling ako sa kabilang side ko ng bigla siyang dumaan sa gilid ko. Hindi manlang nag tapis ng kumot parang wala lang sa kanya na makita ko siyang naka hubad. Pag pasok niya sa cr ay umupo nalang ako sa sofa.

Aly: sorry nagising ba kita sa sigaw ko?

Tanong niya na nasa loob ng cr.

Kiefer: ha?

Sagot ko naman dahil hindi ko masyadong naintindihan yung sinabi niya. Saka tulala pa ko sa nangyare noh.

Aly: sabi ko nagising ba kita sa sigaw ko?

Kiefer: ah hindi gising na din naman ako.

Pagsisinungaling ko. Sino ba naman hindi magigising sa sigaw niya akala ko nga nasusunog na yung buong building dahil parang sirena ng bumbero yung sigaw nya.

Aly: buti naman. Nagulat kasi ako dahil wala ako sa bahay plus wala pa akong maalala sa nangyare kagabi akala ko tuloy na kidnap na ko.

Kiefer: sorry kung dito kita inuwi sa condo ko ha lasing na lasing ka kasi tapos ayaw mo pa mag pa hatid sa bahay niyo kaya naisip ko na dito ka nalang iuwi.

Aly: ok lang sorry din na abala pa tuloy kita.

Kiefer: wala un, ako naman tumawag sayo kagabi kaya responsibilidad kita.

Sagot ko. Napanganga naman ako ng bigla siyang lumabas ng cr. White tshirt lang kasi ang suot nya at wala pa atang bra dahil naaninag ko yung boobs niya sa nipis ng suot nya.

Aly: huy kiefer ok ka lang ba?

Kiefer: ha? Oo naman bakit

Aly: wala para kasing namutla ka.

Kiefer: hang over

Sagot ko at tumayo para uminom ng tubig. Ma dedehydrate pa ata ako sa babae na to .

Aly: so ano nga pala ang nangyare kagabi?

Tanong niya na naupo sa dinning area. Kumuha naman ako ng baso na may tubig para ibigay sa kanya.

Kiefer: wala naman nalasing ka lang yun lang.

Sagot ko at inabot ang baso sa kanya.

Aly: tnx.

Kinuha niya ang baso at ininom ang tubig. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya at hindi ko mapigilan titigan sya. umupo ako sa tabi ng upuan niya para mag balat nalang ng mansanas. sigurado kasing gutom na to dahil halos maubos niya yung tubig na binigay ko.

MoonlightWhere stories live. Discover now