agad akong nagbihis para puntahan si kiefer sa bar. nagaalala ako para sa kanya dahil hindi naman siya iinom kung walang siyang problema at kung may party naman siyang pinuntahan hindi niya ako tatawagan dahil siguradong busy siya buti nalang at tulog na sila tania kaya hindi na niya mapapansin na umalis ako.
wala pang 20mins nakarating na ko bar dahil malapit lang naman. umikot ako para hanapin si kiefer buti nalang at wala masyadong tao kaya hindi na ako nahirapang mag hanap. naginit ang ulo ko ng makita ko na may kausap siyang babae. nilapitan ko siya agad dahil mukhang enjoy na enjoy si babalina sa kwentuhan nila ng asawa ko.
Aly: hi babe
bati ko sabay beso kay kiefer. nakita ko namang nagulat silang dalawa sa ginawa ko.
Kiefer: oh ang bilis mo naman
Aly: bakit ayaw mo ba?
tanong ko at sumandal sa balikat niya
Kiefer: nga pala si megan bagong secrectary ng kapatid ko
nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko nalang pinahalata dahil ayokong mapahiya. pakiramdam ko tuloy namumula ako dahil sa kahihiyan.
Megan: hi maam good evening po
Aly: hi
bati ko at nginitian siya. dumistansiya naman ako kay kiefer dahil siguradong kilala niya si mich. ayoko namang isipin niya na kabit ako pero siguradong yun na ang iniisip niya dahil sa inasal ko kanina.
Megan: sir una na po ako baka po hinahanap na ko sa table namin
Kiefer: ok sige wag magpaka lasing ha saka yung sinabi ko sayo.
Megan: yes sir. nice meeting you po maam.
paalam niya na naka ngiti kaya nginitian ko na lang din siya. pagkaalis niya umupo ako sa upuan na katabi nung kay kiefer humarap ako sa bar at umorder ng drinks.
Kiefer: selos ka noh
Aly: saan?
patay malisya kong sagot.
Kiefer: kay megan
Aly: bakit naman ako mag seselos sa kanya aber
Kiefer: kung hindi ko lang sinabi na secretary siya ni dani baka sinakal mo na siya.
Aly: kifer hindi ko alam yang sinasabi mo
Kiefer: hay nako babe dinedeny mo pa eh halata naman
diniin pa niya talaga yung babe. malay ko ba kasi na secretary pala siya wala kasi sa itsura.
Aly: ano nga palang ginagawa mo dito?
pagiiba ko sa usupan dahil malapit na ko lumubog sa kahihiyan
Kiefer: wala naman babe gusto ko lang mag relax
sagot niya na tatawatawa pa kaya hinampas ko siya. sa sobrang lakas naman ng pag hampas ko muntik na akong mahulog sa inuupuan ko buti nalang at nasalo niya agad ako dahil kung hindi direcho ako sa sahig. nagulat naman ako ng makita ko yung mukha niya na sobrang lapit na sa mukha ko. titig na titig siya sa mga mata ko kaya halos matunaw ako sa kilig.
Aly: pwede mo na ko bitawan
salita ko dahil nakatingin na samin yung mga tao. hindi naman bago sa bar ang may nag yayakapan kaya lang yung posisyon kasi namin ang akward daig pa yung ending sa teleserye.
Kiefer: sorry
salita niya at bumitiw na kaya umayos na ako ng upo. hindi na siya nagsalita pagkatapos nun kaya umorder na lang ako ng umorder ng drinks. pangatlo ko na sanang shot to ng bigla niyang pigilan ang kamay ko kaya nagulat ako.
YOU ARE READING
Moonlight
Fiksi Penggemar''everyone wants to be your sun that lights up your life but i'd rather be your moon so i can shine on you during your darkest hour when your sun isn't around'' (Sunshine after the Rain Book 2)