Chapter 18

484 15 0
                                    

Lost

Hawak ang kwelyo ng aking damit, mahigpit na itinulak ako ng ama ni Ina sa bookshelves. Ramdam ko ang sakit nang pagkakabangga ng aking likod sa mga shelves habang ang mga libro ay nahuhulog sa kakaibang lakas nito. His hands were shaking, his eyes burning with fury. Ni hindi ko maramdaman ang matinding takot mula rito. I am more terrified of Catalina's misery. Takot na baka kung ano na nga ang nangyari sa kaniya at baka hindi ko na siya makikita pang muli.

Pinikit ko ang aking mga mata saka hinayaan ang ama na ilabas lahat ng galit sa akin. If he's mad at me, I am more than just that. I am very mad at myself for losing her again. For not being able to protect her. For being incompetent in this field. For not being enough to guard her myself.

"Binalaan na kita! Anak ko ang pinag-uusapan dito, Dante. Anak ko iyong nawawala ngayon!" Mas lalo nyang hinigpitan ang hawak sa akin habang tiim bagang tinitigan ako. His face masked with total fury for me and worry for his lost daughter. "Ni hindi ko alam kung buhay pa siya o p-patay na!" Napapaos niyang saad at sa nanghihinang mga kamay ay binitiwan ako. Pinahid niya ang isang patak ng luha na dumaloy mula sa kaniyang mata.

She cannot be dead. She cannot be or I will really lose it this time.

I gripped the strands of my hair in frustration. I cannot even mask my own emotions in front of him and my men who stood firm on their places, ready to attack kung hindi ko pa sila sinenyasan na ayos lang ako. Kahit ang mga tauhan ni Mayor ay hindi nagpatinag habang isa-isang nakabantay sa likuran ng mga tauhan ko.

"Things got out of my hand. But.." I tried to swallow the lump on my throat as I loosened the buttons of my shirt. "I will find her as soon as possible."

"No!" Mabilis na sigaw nito saka ako dinuro. This is my very first time seeing him lose his cool. He has always been in control of all the things but this time, it is very different. "You will stay out of this! If she is found alive, I will sue you. I will file a case against you. For kidnapping my daughter. And this.. this.. She has to be safe or I will kill you myself. Ilalagay ko ang batas sa sariling kamay so I could kill you! I don't care anymore if my daughter has a thing for you. You son of a btch!"

Nanggagalaiti niyang sigaw habang ang kamao ay nasa eri, pinigilan ang sarili na suntukin ako. Imbes ay lumabas na ng kwarto at tuluyan na akong iniwan.

Napahilamos ako sa sariling mukha. Frustrated at the situation that was very unbecoming.

"Leave me," napapaos kong saad na agad din namang sinunod ng mga tauhan ko. I slumped on the cold floor, lost and bleeding. My heart constantly yearning for her touch. Ni hindi na magawa pang isipin ang sarili habang iniisip ang mga posibleng nangyari kay Catalina.

Hindi pwedeng labas ako sa usapan kapag si Ina ang nawawala. The least I could do was find her and let myself be lost again than not having her safe and sound in the arms of whoever can keep her safe. Even if it's not me for as long as she's being taken care of, it will at least put me at ease. Because I know, I will never be enough to protect her myself.

Nanghihina man ay lumabas ako para tingnang muli ang sinasabi nilang huling lugar na pinuntahan ni Ina. My chest was burning from the shot I got when I tried to get inside the mansion with bullets flying everywhere. My men against the enemies but all I could think of was her. Always been her.

"You need to let the doctor treat your wound, Dante."

Ni hindi ko na napansin pa ang pagsunod ni Cain. He was behind me while I try to breathe in some fresh air. I wasn't even sure what to do next when all I have is her attempt escape. Baka nga ay tumalon talaga siya.

Napapikit ako at hindi makahinga ng maayos. Hindi sigurado sa dapat na maramdaman gayong nagsisimula na akong mawala sa sariling katinuan.

"Kahit ako na ang tumingin sa tama mo, kuya." When he didn't hear any response from me, he hissed with gritted teeth. "Damn it! Makinig ka naman sana, Dante!"

"Her chance of survival is 50/50, Cain. Paano kung may nangyari na nga sa kaniya?" Napahawak ako sa kaniyang balikat at niyugyog ang katawan nito. "Hindi ko na alam ang kaya kong gawin."

"Get a hold of yourself, Dante! Kung gusto mo siyang hanapin, fix yourself first! Hindi mo siya mahahanap kung ganiyan ka!"

Umiling ako at tinulak siya palayo. Ni hindi na magawang buksan pa ang tenga sa sasabihin niya gayong tama naman siya. Pero paano nga kung may nangyari na sa kaniya?

I hissed a breathe, swallowing the lump on my throat as I breathe in deep. Akala'y kaya kong pakalmahin ang sarili ngunit halos hindi ako makahinga sa mga sunod na ginhawa na ginagawa. I was extremely anxious and it's making it hard for me to think straight and be rational. At some point, gusto ko nalang sumuko.

"I can follow her, Cain." Kaya ko. Kayang-kaya ko.

Umiling siya at sa nanlalaking mata ay kwinelyohan ako. His fist collided with my jaw and the instant I balanced myself again, he blow another punch on the other side of my jaw.

"You need to fcking wake up! Hindi ka na nakakatuwa at mas lalong hindi matutuwa si Catalina pag narinig niya 'yan."

I laughed without humour. She rejected my first proposal with her. Hindi ko sigurado kung ano nga ba ang magiging reaksyon niya pag nalamang kaya ko siyang sundan kahit sa kabilang buhay pa.

"Hindi ako nagpapatawa. I think I'm really losing my mind."

Napahawak si Cain sa sariling noo at pikit matang tinungo ang direksyon pabalik sa mansyon. Napapikit nalang din ako. Nasisigurong may mga tauhan na nakabantay sa likod para alam ang mga susunod kong gagawin.

I slumped on the dried leaves, ready to give up everything. Napatingin ako sa aking likuran. Baka naman naghihintay na roon si Catalina sa mansion. Kung gayon ay kailangan ko nang tumayo at bumalik doon.

But I'm too lost to even find my way back.

The Princess and Her Knight (WHIPPED SERIES #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon