One

18.5K 426 13
                                    


[1]

Title: "KUYA"

"Eeeehhh si Kuya di ako matiis"kutya ko sakaniya

Tiningnan lang niya ako at nauna ng naglakad saakin

Tiningnan ko ang likod niya habang naglalakad siya

Matangkad,matipuno,hubog na hubog ang katawan...likod palang yan ha? At awww ulam na!! Ssshhh wag maingay minsan talaga di ko mapigilang hindi pagpantasyahan ang mamang ito!! Tsk tsk...sayang talaga at----

"Tutunganga na lang ba diyan?"lingon niya saakin

"Hehe sabi ko nga tara na"sabi ko at ikinapit ko ang braso ko sa braso niya

"Childish"bulong niya

Di ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil mas naka agaw sa pansin ko ang mga tsismosang nadadaanan namin

Hahaha mamatay kayo sa inggit!

"Bakit nakangiti ka?"biglang tanung niya sa kalagitnaan ng paglalakad namin

"Kasi tutulungan mo nanaman ako?"diretsong sagot ko

"Ano nanaman ba kasing ginawa mo?"tanung niya...take note ha? Di pa rin niya kinakalas ang braso ko sa braso niya...waaahhh kikiligin na ba ako?

"Ah ehh-- nasira ko lang naman yung Xerox Machine sa faculty hehehe"may pag alinlangan sa sagot ko

Kasalanan ko ba kung napaka hina nun! Kasalan nung machine na yun antagal kasi...kaya sinipa ko!

Umiling lang siya at di na nagsalita

BTW si Jake or Kuya is 2nd year college, magkapit bahay kami at close na close ako sakaniya, oo ako lang, dahil parang wala naman paki ito saakin kung hindi ko linalapitan at papansinin...At kukulitin

At everytime na nato-trouble ako ay siya ang armas ko....hahaha swerte ko nga dahil lagi namang pumapayag....siya kasi ang lakas ko pagdating dito, dahil siya lang naman ang kapatid ng may ari ng buong campus

"Pumasok kana, ako ng bahala"sabi niya ng nasa High School building na kami

Ngumiti naman ako sakaniya bago kumalas at

"Fvck!!--huy ano ba?"angal niya at tinulak ako

"Anong ginagawa mo?"inis niyang sabi

"Papasok"confident kung sabi

"Papasok?"salubong ang kilay niyang tanung

Tumango ako at

"Papasok sa puso mo"sabi ko bago kumaripas ng takbo

Hahahaha epek!!!

Nang medyo malayo na ako ay tumigil muna ako at tinanaw siya,,, andun pa rin naman siya kaya

"IKAW NA ANG BAHALA SAAKIN HA? I LOVE YOU"

Sigaw ko sa hall way kaya yung ibang studyante ay napadungaw at may iilang lumabas ng classroom, ilan na doon ang mga teachers

"Miss Rodreguez!! Ikaw nanaman??"umuusok na sabi nung isang teacher na matanda


Kaya si ako, kumaripas ulit ng takbo...malalagot ako nito,,trouble nanaman?? Please wag naman poooo...

KUYA (My Lover)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon