KUYAML: 52

2.9K 78 12
                                    

[52]

Matapos ang pagkikita namin nina Jenri, Kareen at Aly last week ay talagang naging masaya ako dahil sa wakas naka kwentuhan ko sila muli ng matagal tagal.  Napag usapan  din naming  next month namin e lalaunch ang summer collections ko kung sakaling matapos iyon, pero hindi pa naman iyon ang huling pag uusap namin. Maybe next week ay mag uusap pa kami tungkol sa event na gagawin nila.


Nauna nang pumunta sa site ang mga kasama ko dahil na late ako ng gising. Actually patapos na kami, aayusin na lang namin ang bawat room.

Last week nung pinuntahan namin iyon ay naging maayos naman, naging magkasundo rin namin ang architect  na si architect Guzman. Di naman naging hassle ang works doon dahil malinis at completo na sa gamit.


So this is it. Epe-fix na lang ang dapat ayusin at e dodoble check na lang din namin.


Kaya lang di pa man ako nakakaalis sa condo ko ay tumawag na si Mark.



"Miss Kath, nagkaproblema po dito. Mas mabuting wag na lang din kayo pumunta dito dahil pabalik na rin kami sa Office"



Nangunot ang nuo ko sa nalaman. Ngayon pa ba magkakaproblema e patapos na kami.



"What happened?"tanung ko

"Sa office na lang natin pag usapan Kath"ani niya saka nagpaalam na ibababa na ang tawag.



Agad na naiba ang timpla ng awra ko.


What the hell! Ano bang pweding maging problema. And kung may problema man ay dapat andun ako para makita ko yun. Anong silbe ng pagiging team leader ko kung hindi ko naman nakita at nalaman ang problema. And another thing, kaya nga ichecheck ngayon diba? Tsk




Aaaiisssst!!! Sarap manakal!



Nagmadali na lang akong kumilos. Mabuti na lang at nakapag ayos na ako. Kaya lang hindi pa ako nakapag breakast.



Cheneck ko ang messages sa phone ko at kay Jake na ang ibang message pero di na ako nag abalang basahin pa yun.




Isa pa yang Jake na yan!
Hanggang text lang ang ginagawa. Alam kong dumating na siya galing business trip pero di man lang ako kayang dalawin o magpakita man lang saakin?
Kaya dapat lang na wag replayan ang paasang lalaking yan!



Linisan ko ang condo ko na may pag mamadali.


Agad akong sumakay sa kotse ko pagkababa ko sa basement ng condo ko at agad itong pinaharurot patungong Kang Building.


Mabuti na lang at walang traffic kung kaya ilang minuto lang ay dumating na ako sa dapat na pupuntahan ko.
Walang patumpik tumpik pa na pumasok ako sa elevator ng makapasok ako sa loby ng companiya. Sorry na lang sa mga na snob kong bumabati saakin.




I'm pissed. Totally!  Paking shit! Siguraduhin lang nila na may maayos silang paliwanag kung bakit hindi nila ako pinapunta sa site.



Pagkabukas pa lang ng elevator ay agad akong dumiretso sa office ng mga kasamahan ko.




Pero wala akong naabutan ni isa.
Baka masyado lang akong mabilis kaya naunahan ko pa sila.

Bumuntong hininga ako saka umatras at muling sinirado ito.
Sa office ko na ako tumuloy.




Pero pagkabukas ko pa lang sa pinto ay isang mabangong amoy ang sumalubong saakin. Sigurado akong pagkain yun dahil biglang kumalam ang sikmura ko.



KUYA (My Lover)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon