KUYAML: 60

3.7K 85 13
                                    

[60]

Masyado akong naging abala nitong nakaraang araw at linggo. Kaya di ko na namalayang heto na pala ang araw na hinihinatay ko.


Paulit ulit akong napapabuntong hininga sa bawat paglalayag ng isip ko kaya hindi ko maiwasang mangilid ang luha ko.


Pero kailangan ko na ring magmadali kumilos dito sa loob ng banyo dahil ilang minuto na lang ang darating na ang mag aayus saakin.


Matapos kong gawin ang dapat gawin dito sa loob ng banyo ay agad akong nag suot ng undergarments pagkatapos kung punasan ang katawan ko. Sinuot ko ang roba ko at binalot ang buhok kong basa bago ako lumabas sa banyo. At andun na nga ang isa sa kaibigan ni Mama para ayusin ang camera o video cam. Gusto kasi ni Mama na may record lahat ng gagawin sa araw na ito.


"Hi princess...are you ready?"tulad nina Mama at Papa ay princess din ang tawag ng mga kaibigan nila saakin. Sabi nila ay nakasanayan na raw e.


Nginitian ko siya sabay tumango bilang sagot. Walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko dahil sa sari sari feelings na nararamdaman ko. Excited ako na kinakabahan? I don't know.



"Ayus na ito"ani niya na tinutukoy ang video cam.
"Maya maya ay papasok na dito ang mag aayus sayo. Congratulations princess, I am happy for you"emosyonal na sabi niya saka ako niyakap.

Gumanti ako ng yakap at nagpasalamat. Hindi rin naman siya nagtagal sa kwarto ko dahil mag aayus rin daw siya.


Tulad ng sabi niya ay habang nag susuklay ako ng buhok ay pumasok ang isang bakla at babaeng may dalang box na nagmumukhang maleta na maliit. Nakangiti agad sila ng makita nila ako kaya ngumiti na rin ako.


"Hi ms. Bride...grrrr dapat ka pa bang ayusan? E ang ganda mo na teh!"maarteng sabi ng bakla ng kinatawa ng kasama niya



"Echus ka! Syempre dapat lang dahil siya dapat ang magiging pinakamaganda sa araw na ito. Araw niya ito bakla kaya kahit maganda na siya sa walang make up e, gawin na lang natin siyang dyosa"mahabang sabi ng babae.

"Ako dyosa dito no!"pasiring na sabi ng bakla. Natawa naman ako dahil ang kulit nila!

"Whatever bakla"patalikod na sabi ng babae sa bakla at hinarap ako...

"Hello there, I'm Raz and he's Domi...nice to meet you and congratulations"masiglang bati ng babae


"Thank you"nakangiti ko ring tugon


"Pinakakilala na niya ako at ang walang hudas he's? Tsk. Anyways let's start"palakpak ng bakla.

Pinaupo nila ako sa harap ng salamin at nasa kabilang gilid ko naman sila.Habang inaayos ni Domi ang mga gagamitin e si Raz naman ang nagpatuyo sa buhok ko. Pagkatapos niyang tuyuin ito ay sinuklay at basta basta na lang niyang inipit ito.


Hindi nagtagal ay sinimulan na nilang lagyan ng kung ano ano ang mukha ko. May pumasok din na babae para e video ang ginagawa nila saakin at todo kaway at pagmamalaki si Domi dahil siya daw ang may gawa sa mukha ko na lagi namang binabara ni Raz. Alam kong may video cam din na nakatutok lang saakin, saamin kaya hindi ko alam kong anong trip ni Mama at may isa pang taga video.

Patapos nang ayusin ang buhok ko ng pumasok ang mga kaibigan ko sina Kareen, Jenri at aly na medyo naluluha luha pa.
Ang gaganda at gwapo nila sa suot nila. Si Jenri at Kareen ay nakasuot ng parehong Royal blue  dress na below the knee na pinarisan ng makikintab na flats    na sandal na alam labag sa loob nila. Gusto kasi nilang mag hells pero hindi pwedi. Samantalang si Aly ay naka black suit with royal blue na tie at kung anong maliit na makintab na tela ang nakalagay sa left side na dibdib niya. Kung hindi lang talaga sa galaw niya ay mapapagkamalang lalaking lalaki ang isang ito.

KUYA (My Lover)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon