KUYAML: 46

3.3K 117 25
                                    


[46]

"E-Erica"

Hindi agad ako naka imik at ganun din siya. Nakikiramdam lang kami sa isat isa.

Bigla siyang ngumiti. Na akala ko ay friendly smile dahil kalaunan ay ngumiwi siya saka ako tinaasan ng kilay.

"So, you're back"Maarte niyang sabi

Napairap naman ako. Tanga si Ate e. Malamang andito na ako diba? Sa harap pa niya. Ayna! May saltik yata ito!

Nang hindi ako nagsalita ay umiling siya saka naglakad sa papunta sa kaharap kung upuan at doon maarteng umupo.

"Anung kailangan mo?"mataray ko ring tanung. Aba si Kathsel yata ito, hindi nagpapa api dahil ako ang nang aapi bwahahahaha.

"Si Jake ang pinunta ko dito. Obvious naman diba? Office niya ito"sarcasm niyang ani.

Nagmake face naman ako saka at padabog na umupo. Duh! Di ko kailangang mag inarte sa harap ng bruha.

"Wala siya dito kaya makakaalis kana"Baliwala kong ani.

"Pwedi ba! Wag kang umasta na walang ginawa!"napamulagkat ako ng tumaas ang boses niya.

"Wag kang umasta na walang nangyari!"dagdag pa niya. This time ay napatayo na siya at mukhang saakin pa niya yata ibubuhos ang problema niya.

Tumayo ako at matalim ko rin siyang tiningnan.

"Wag ka ring umasta na parang alam mo ang lahat!"madiin kung sinabi.

"Oo alam ko. Alam ko kung paano mo iniwan si Jake at alam ko kung paano nawasak si Jake!. At alam kung dahil yun sa'yo"duro niya saakin.

Hindi agad ako nakapagsalita. Tinamaan yata ako doon. Siguro nga nasaktan ko si Jake pero nasaktan din naman ako.

"Ano, hindi ka makapagsalita? Hindi ko alam kung bakit ka pa tinanggap at binalikan ni Jake. Kung tutuosin dapat galit siya sa'yo! Dapat wala kana sa buhay niya ngayon! Hindi ka karapat dapat na mahalin, dahil wala kang kwenta"galit niyang sigaw.

Agad na  natuon sa kaniya ang atensiyon ko.

"Bakit ka pa kasi bumalik!"asik niya at halata na na subrang galit siya saakin.

"Anong problema mo doon? Hindi naman ikaw ang binalikan ko. Hindi ka naman maagrabyado dahil sa pagbabalik ko"balik kung sigaw sakaniya

Oo nagsisigawan ka kami pero gusto ko ring ibuhos ang inis ko sa babaeng ito.

Galit siya. Aba mas galit aki sakaniya.

"Ako lang naman kasi ang nakasama, nasandalan at nag alaga kay kay Jake, matapos mo siyang ewan sa ere na walang paalam. Ako ang nakasama niya sa buong anim na taon!"

Masakit malaman yun. May kirot akong naramdaman ng malaman kung siya ang nakasama niya. Pero hindi ko pinahalata iyon.

Dahil naman kasi sakaniya kaya ng nangyari iyon diba?

May kasalanan ako pero may kasalanan din siya.

Sa nakaraang mga taon, lahat ng gusto kong ibuhos dati na sumbat ay gusto kong ilabas at ipamukha sakaniya ngayon.

"May concern ako dahil si Jake ang pinag uusapan dito"asik niya

"Tama si Jake. Si Jake na mahal mo?"sarcasm kung sabi.

"W-What?"

"Oo diba? Dahil hindi naman ako aalis dati ng hindi dahil sa iyo. Dahil ng dahil sa iyo nasira ang tiwala ko dati kay Jake. Nang Dahil saiyo nagkalayo kami at pareho kaming nasaktan"galit kung bulyaw sakaniya

"Wag mong isisi saakin ang katangahan mo!"

"Tanga? Di bali ng tanga wag lang ahas na ubod ng landi–"

Napabaling ang tingin ko ng dumako ang palad niya sa pisngi ko.

Oo masakit ang pagkakasamapal niya pero mas masakit ang ginawa niya saamin ni Jake dati.

"Ikaw ang malandi—"

Napatigil siya ng ibinalik ko sakaniya ang sampal niya.

"How...How dare you!"matalim niya akong tiningnan

"Masakit ba? Hindi lang yan ang aabutin mo pag hindi mo lalayuan ang fiance ko. Kung dati nakaya mong sirain ang relasyon namin pwes ngayon hinding hindi na!"mariin kung sabi

Para naman siyang nabuhusan ng malamig na tubig dahil pagkatulala niya.

"F-fiance?"wala sa sariling sabi niya. Sa haba haba ng sinabi ko yun lang ang narinig niya?

Pwes dapat na niyang malaman pa.

"Oo he's my Fiance! At ikakasal na kami!"paglilinaw ko pa!

"This can't be"naluluha niyang sabi na parang baliw kung maka iling

"H-hindi. Nagsisinungaling ka lang. Sinungaling. Malandi!"

hindi ako naging alerto sa pagsugod niya kaya Dalawang beses niya akong nasampal bago hinila ang buhok ko.

"Aray!"

"Sinungaling ka! Ako ang mahal ni Jake"sigaw niya pa habang hindi niya parin binibitawan ang buhok ko

"Bitiwan mo ako! Ano ba! Nasasaktan ako!"

Sinubukan ko siya itulak pero mas malakas siya saakin.

"Ako ang mahal ni Jake!"

"Slut! Gold Digger!"

Lalabanan ko sana siyang ng bigla niyang kalmutin ang braso ko. Masakit at alam kung nagkasugat ito dahil mahapdi!

"Sinungaling...Malandi!"Sigaw niya ulit saka niya ako tinulak.


Dahil sa lakas ng pagtulak niya ay hindi nabalanse ang katawan ko. Hindi ko napigilan ang pag bagsak ko na dahilan upang masubsob ako sa Sofa.


At dahil na rin siguro sa pinaghalong galit at sakit ay nakayanan kung bumangon at labanan na siya.

Tumayo ako at agad na hinila ang buhok niya.

"You bitch! Nabubwesit na talaga ako sa kaka ilusyon mo! Hindi ka mahal ni Jake. Dahil ako ang papakasalan niya."sigaw ko at agad siyang sinampal.

At ang pagtama ng palad ko sa makapal niyang pag mumukha ang kasabay  ng pagbukas ng pinto.

"What the–Fvck!"

Sabay kaming napalingon sa may pintuan at isang Jake Sy ang nakatayo sa hamba ng pintuan na may madilim na tingin saamin.

Oh no! The devil is here!





__________________

A/N: hi sa mga new followers, new readers and new fb friends ko😊😊😊😘

Happy 100k Reads😊😊😊.....Maraming maraming salamat buddies😘😘

_________

Trivia tayo guys. Alam niyo bang habang rumarampa ako ay si Kathsel ang naiisip ko? Nung paano niya rinampa ang fashion niya pagdating sa pagsuot ng school uniform(remember? Chapter 3 and 9😂).
Kaya siguro naging confident ako at nanalo sa Modelling😊😊😂😂😂

KUYA (My Lover)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon