KUYAML: 58

2.8K 76 2
                                    

[58]





Tulad nga ng gustong mangyari ni Jake ay kumain kami ng breakfast sa mismong kama niya. Ang kulit nga lang niya e. Kung hindi pa ako pumapalag e literal na susubuan niya ako.




At nung matapos kaming kumain ay talagang gusto niya pa akong samahan sa banyo para maligo, grabe kung umalalay, daig ko pa ang baldado. Buti na lang at nakuha sa masamang tingin kaya hindi na ako sinamahan sa loob ng banyo, may plano talagang paliguan ako e.




Napag usapan namin rin naman na magpapacheck up ako ngayon. Actually siya ang nag suggest na sinang ayunan ko naman. Para saakin at sa baby naman yun kaya kahit tinatamad ako ay pinilit ko ang sarili kong maglakad. Kaso nung palabas na kami ng kwarto halos malaglag ang balikat ko ng O.A niya akong inalalayan. Yung bawat step ko sa hagdan ay iniingatan niya sinisigurado niyang hindi ako magkakamali sa paghakbang. Ultimo pagsakay ko ng kotse niya aba kulang na lang lagyan niya ng foam ang uupuan ko at buhatin ako.  Ok naman yung ginagawa niya sana kaso Over na.



Naiintindihan ko siya dahil siguro sa excitement? O talagang tuwang tuwa lang siya dahil soon to be magiging daddy na siya. Kaya hindi na ako nagrereklamo. Ako rin naman e tuwang tuwa lalo pa't buong puso niyang tinangggap ang kinalabasan ng ginawa niya—namin!





At nakadagdag pa ang pagpropose niya saakin kaya hindi ko naman maiwasang kiligin.




At ngayon nga ay kasalukuyan kaming nasa kotse niya papunta sa Clinic. At nung dumating nga kami ay todo asikaso rin siya saakin. Bahagya pa akong nagulat ng mabilis siyang lumabas ng kotse at patakbong pumunta sa side ko para alalayan ako.




HINDI AKO BALDADO!




"Kaya ko naman"nakasimangot kong sabi





"Responsibilidad kong gawin to"nakangiti niyang sagot.


Anong connect?



Pero imbes na barahin siya ay hinayaan ko na lang siya. Wala naman akong laban dahil may tinatago rin palang kulit ito.



Pumasok na rin kami sa May kalakihang Clinic at dumiretso kami sa front desk.




"Good morning Ma'am and Sir, how may help you?" Nakangiting sabi ng bababeng receptionist.


"Where's the room of OB-Gyn Doctors?"tanung ni Jake



Ngmuti naman ang babae dahilan para mas lalong maningkit lalo ang mga mata nito. Ang cute.



"Doon po sir"turo ng babae sa isang hall way. "Diretso lang po at lumiko po kayo sa kaliwa at ang mga magkakasunod pong rooms ay mga rooms ng OB-Gyn Doctors"nakangiti niyang dagdag




Nagpasalamat si Jake sa babae saka ako marahan na inakay at sinunod ang sinabi ng babae.



Nung lumiko na kami ay may nakasabit naman na card na may sulat OB-GYN sa taas.




May apat na pinto at nandun ang mga pangalan ng Doctors.


Inakay ako ni Jake sa may pintong may nakalagay na
'Doctor Samantha Eliazar'





Kumatok kami saka kami pumasok at another receptionist nanaman. Ano ba yan!
Siguro bawat doctors ay may kaniya kaniyang assistant.




"Good morning maam, sir"bati saamin ng babaeng nakaupo sa maliit na table.




May kalakihan ang room at sa gilid ay may mga upuang may nakaupong buntis, yung iba may kasamang asawa yung iba ay wala, meron ding di pa namang halata ang pagbubuntis meron ding mukhang manganganak na dahil sa laki. Napangiwi ako ng maimagine kong masakit manganak!





KUYA (My Lover)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon