Thirty-nine

5K 149 29
                                    


[39]

Abala kaming lahat sa pagpaplano at pag e skitch ng design para sa project namin.

Si Mark ang inassign ko para sa mga equiptment na kailangan at gagamitin namin kaya siya lang ang wala ngayon dito sa office dahil agad agad niyang linakad ng makuha na namin ang budget para sa project na ito. 1 week na rin simula ng magtrabaho ako dito at masasabi kong nakaka stress pero pagmahal mo naman ang ginagawa mo ay hindi mo mamalayang makakatapos kana.

At lahat kami ay abala upang magbigay ng report sa board bukas. Minamadali na rin kasi nila ang building dahil gusto nilang maunahan ang katabing kakompetensiya nito.

"Yay!! Break na!!"biglang sigaw ni Sandie. Oo nga pala nasa office nila ako dahil mas mabuting magkakasama kami pag ginagawa namin ito

Napatingin ako sa wrist watch ko at boom, hindi ko namalayang launch na.

"Miss Kath sasabay ka saamin?"tanung ni Dianne

Tatango na sana ako ng mag ring ang phone ko.

Napabuntong hininga na lang ako ng makita kong si Jake ito.

"Pasensiya na pass mona ako ngayon, siguro next time makakasabay rin ako sa inyo"ngumiti na lang ako ng pilit kahit na ang totoo ay naiinis na ako sa taong tumatawag ngayon.

Walang palya everyday sinusundo ako tuwing launch para sabay daw kami sa pagkain. At sa umaga naman ay minsan ay hinahatid ako pero minsan nagpapaaga ako para hindi na kami magkita pa sa umaga. Pagdating sa uwian naman syempre ganun din.

"Nasa lobby na ako, gusto mong puntahan na kita diyan?"malambing niyang bungad ng sagutin ko ang tawag niya.

"No. Pababa na rin ako, hintayin mo na lang ako diyan"pagkasabi ko nun ay binaba ko na ang tawag baka sumirit pa ang ungas.

Sus! Kung hindi lang nagdrama si Mama hindi ko talaga sisiputin ang ulupong na ito. Paano ba naman muntik ng atakihin si Mama sa puso ng minsan ay mag set sila ng date namin ni Jake pero hindi ako sumipot at itong Jake naman ay nagsumbong. So ayun humingi ng pabor si mama na pakisamahan ko muna si Jake hanggang di pa DAW kami kasal dahil sa oras na nakitaan ko daw siya ng pagkakamali at hindi ko dapat pakasalan ito ay si mama na mismo ang uurong sa kasal.

Heler! Hindi paba sapat na dahilan na walang katutuhanan sa sinabi ni Jake, walang kami, hindi ko siya gustong pakasalan at.....at hindi ko siya mahal?

Hay....bakit parang hindi ako sigurado?

Amputa naman oh! Hindi ko na mahal si Jake e.

Sige lang Kath kumbinsihin mo pa ang sarili mo!

"Hi"bati niya ng magkita na kami sa lobby ng opisina.

"Tara na nagugutom na ako"bored kung sabi

Nauna na akong maglakad sakaniya pero mabilis yata talagang maglakad ito at naabutan pa ako. Nang magkapantay na kami ay bigla niyang hinapit ang bewang ko kaya napatingin ako sakaniya.

"Problema mo?"kunot nuong tanung ko.

"Ang dami kasing nakatingin sayo, bakit ba ang iksi ng palda mo?"medyo iritado niyang sabi

"E sa maganda ang fiance mo e, bakit ba?"

Biglang natigilan si Jake sa paglalakad at dahil hawak niya ako ay napahinto rin ako

"Oh bakit?"takang tanung ko dahil iba na ang paninitig niya e

"Ano nga iyung sinabi mo? Ulitin mo nga? Hindi naman ako nabibingi diba?"sunod sunod na tanung niya

"Bingi! Sabi ko. E sa maganda ang fiance m–"natigilan ako ng mapagtanto ko kung ano ang sinabi ko

"Ah...e..tara na nga n-nagugutom na ako"iwas ko. Kumalas ako mula sa pagkakapit niya saka naunang naglalakad.

KUYA (My Lover)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon