22:Date[Part 1]

6.3K 181 10
                                    

[22]

Habang yakap yakap pa rin ako ni Jake ay humupa na rin ang pag iyak ako

"Hush baby"ani ni Jake at marahang kinalas ang pagyakap ko sakaniya

Pinunasan niya ang natutuyo kung luha gamit ang mga hinlalaki ng mga daliri niya

"Common baby, fix yourself. May pupuntahan tayo"

Baby. Ang sarap pakinggan


"Saan? May pasok pa tayo diba?"agad kung tanung ng maalala kung nasa school pala kami

"Hindi na muna tayo papasok"nakangiti niyang sabi at pinulot ang bag kung nahulog na pala sa sahig

Hindi na lang ako umimik at tumango na lang. Ayaw ko rin namang pumasok ngayon nakakatamad lang

"So, let's go?"tumango ako at agad naman kaming bumaba sa rooftop


Habang naglalakad kami sa hall way ay kukunti na lang ang estudyante dahil nagsisimula na rin ang klase

Hahawak rin ni Jake ang kamay ko mula kanina hanggang dumating kami sa tabi ng kotse niya. Sa simpleng gesture niyang ito ay kinikilig ako. Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko at ang dibdib kung ayaw bumalik sa normal na pagtibok

Akmang papasok at bibitawan ko na ang kamay niya ng higpitan niya ang hawak sa kamay ko hinalikan niya ang likod ng kamay ko na lalong nagpagulo sa sistema ko!

Bakit ba ganito ang lalaking ito?

Pumapatay gamit ang pakilig moves!

"Uh..J-Jake"nauutal kong tawag sakaniya dahil sa pagtitig niya saakin, specifically sa labi ko...ugh

"Ah..sorry, I'm just...ugh... sige pasok kana"sabi niya at inalalayan niya akong pumasok sa passenger bago siya patakbong pumunta sa driver's seat.


Habang binubuhay niya ang makina ng kotse niya ay nakapokus lang ang paningin ko sa bawat galaw niya. Kaya ng sumulyap siya saakin ay kita niya ang paninitig ko sakaniya

"What?"tanung niya at agad na umiwas ng tingin

"Wala."plain kung sagot dahil naweweirduha  ako sa galaw niya


Bumuntong hininga muna siya bago pinausad ang sasakyan


"Saan tayo pupunta?"tanung ko na bumasag sa katahimikan nami  sa sasakyan


"You'll see"sabi niya na may ngiti sa labi

Ugh! Kaya nahuhulog ako sa taong ito! Dahil sa ngiting yan e.

Siya lang ang lalaking kaya akong gawing ganito, na sa simpleng galaw ay niya ay humahanga ako. Maski bad side niya ay nagugustuhan.

Sa madaling salita. Adik na ako sa lalaking ito!

Mahirap akong magkagusto. Masyadong mataas ang standard ko. And honestly sa lahat ng lalaking nakasalamuha ko si Jake lang ang pumasa sa standard na hinahanap ko. Matagal ko ng crush si Jake kaya nga todo effort ako kung magpapansin, na halos maging stalker niya na ako para lang mabantayan siya. Naging bad girl ako para may laban ako sa mga babaeng may gusto sakaniya.


Napaigtad ako ng biglang dumapo ang palad ni Jake sa legs ko. Damang dama ko ang init ng palad niya sa hita ko dahil sa eksi ng palda ko..paking sheet! Yung mga bulateng may pakpak sa tiyan Ko nagising!. Jake naman! Stop that..kinikilig ako!


"Bakit ka natahimik?"tanung niya na deretso lang ang tingin sa harap habang isang kamay lang ang gamit niya sa pagda-drive dahil ang isang kamay niya'y nasa hita ko pa rin

KUYA (My Lover)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon