KUYAML: 47

3.5K 118 25
                                    

[47]

"O MY GAAD! Jake! You saw it right? She slapped me!"agad na sumbong ni Erica. Tumakbo pa ito papalapit kay Jake at tila aso na takot na takot kung kumapit.

Ampupu. Mukhang aso naman talaga.
And wait. Akala ko ba matapang ang unggoy na ito? Saan na yung tapang niya Kanina at nakuha pang magsumbong?!




"I saw it"malamig na tugon ni Jake. And I saw it, how Erica smirks.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Binundol na kakaibang kaba ang dibdib ko.

Napatingin ako sa gawi nila at ganun na lang ang panlulumo ko ng makita ko kung paano sipatin ni Jake ang pisngi niya kung saan ko sinampal. And truth is, namumula ito. Alam ko namang masakit yun dahil ultimo kamay ko ay namanhid. Ang kapal kasi e, nanghiram yata ng mukha sa aso.

Biglang napatingin si Jake sa gawi ko, kaya napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at umiwas ng tingin. Ayuko kung makita niya ang sakit at selos sa mga mata ko. Yeah, nagseselos ako lalo pa't harap harapan kung nakikita kung paano siya mag alala sa babae niya.

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang magaang humawak sa braso ko.

Doon ko lang ulit naramdaman ang hapdi. Agad kung liningon ang may ari ng kamay at si Jake ito na may madilim na ekspresyon. Pero naalis din ang tingin ko sakaniya ng maramdaman kung medyo diniinan niya ang paghaplos sa braso ko at doon ko nakita na dumudugo ito at may mga guhit guhit ito tanda ng pagkalmot.

Shit! Right! Kinalmot pala ako ng empakta kanina!

"She hurts you!"bakas sa boses niya ang pagtitimpi ng galit. Ngunit nakakatakot.

Bahagya akong umatras dahil hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Baka mamaya saktan nanaman niya ako.

Bumalatay sa mukha ko ang takot ng maalala ko kung paano niya ako saktan nung nasa condo kami. Hindi imposibleng saktan niya ako ulit.

Pero bago pa ako tuluyang makalayo sakaniya ay marahan niyang hinalikan ang braso ko kung nasaan ang sugat na nagbigay saakin ng bulta bultahing kuryente at kakaibang feeling lalo na sa nagrarambulang insekto sa dibdib at tiyan ko.

Gaaadd!!! Anung meron sa lalaking ito!

"Don't be scared"marahan niyang sabi saka ako hinalikan sa nuo ko. I feel secured! At yung takot na kanina ay bumabalot saakin ay biglang parang bulang naglaho. Bakit ba sa tuwing hahalikan niya ang nuo ko ay feeling ko ay safe ako at walang makakagawa ng masama saakin, noon pa man ay ganun na ang ipinaparamdam ni Jake saakin. Kuya, My Kuya!

Tumikhim ang babaeng kanina pa pala nakamasid saamin kaya nagising ako sa pag alala ng nakaraan.

Marahang binitawan ni Jake ang braso ko saka hinarap si Erica. I can't see Erica, natatakpan kasi ni Jake.

"J-Jake she slapped me and—"

"SHUT UP!" naputol ang sasabihin pa ni Erica at ni ako ay napaayus sa tayo ng dahil sa sigaw niya.

"What are you doing here?"mariing tanung ni Jake pero mababakas ang galit dito.

Hindi ko mawari kung dapat bang magsaya ako o maawa kay Erica. Ngayon ko lang nakitang magalit si Jake na umaabot sa pamumula niya dahil sa pagpipigil ng galit.

"I....I just want....I just want see you. But obviously,  andito pala ang babaeng iyan at bigla niya na lang akong sinabunutan at sinak–"sa pangalawang pagkakataon ay napatigil si Erica.

Aba at binaliktad pa ang nangyari huh?!

"Stop! Please, wag ka ng magsinungaling! Umalis kana lang habang nakakapagpigil pa ako Erica. Dahil pag di kapa umalis ay baka makalimutan kung matalik kitang kaibigan!"mariing sabi niya.

KUYA (My Lover)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon