Nagising ako ng maramdaman ko ang pangangalay ng likod.
Dito na pala ako nakatulog sa sofa...hays! At dahil iyon sa abnormal kong asawa.
Sinimulan kong masahiin ang batok ng sa ganun ay mabawasan naman ang sakit. Sinubukan ko ring pumikit ulit baka sakaling makatulog ako ulit pero bigo ako.
Napabuntong hininga na lang ako bago tumayo.Lumapit ako sa kama at hinalikan sa noo ang mahimbing na natutulog kong asawa bago ko sinulyapan ang oras sa side table ng kama and its says, five-thirty am na.
So imbes na matulog ulit ay linisan ko na lang ang kwarto namin pagkatapos maligo at magbihis para makapagsimula nang magluto.
Naiiling akong pinagkukuha ang ingredients ng lulutuin ko sa ref. Naaalala ko kasing hindi pweding walang pancet-bihon sa almusal ng maganda kong asawa.
Ewan ko ba ba't hindi matigil ang paglilihi nun e kabwanan na niya kaya on leave ako ngayon sa work. Gusto ko kasing andun mismo ako sa araw ng panganganak niya sa anak namin. At habang nasa bahay ako ay talagang ako ang nagluluto para sakaniya.
Siyam na buwan na rin kaming nakatira dito sa bagong bahay namin. Sinadya ko talagang ipagawa ito kahit na noon ay walang kasiguraduhan kong buhay pa siya, at intensiyon ko talagang siya lang ang ititira ko dito kasama ng mga anak namin.
After nong wedding namin ay nag honeymoon kami sa Overview kung saan nabuo ang magiging panganay namin. 1 week lang kami nanatili doon dahil buntis siya. Tsk! Ok naman yun sana e dahil malay ba, baka maging kambal. Kaya nung umuwi kami ay dito na kami dumeretso. Hindi niya inaasahang may ganito na pala kami kaya dahil sa gulat niya imbes na yakap at halik ang matanggap ko ay sapak. Ibang klase, nagbuntis lang nananapak na!. Natatandaan ko pa nong kasagsagan ng paglilihi niya ay ilang beses akong natadyakan at nasapak sa tuwing naiinis siya saakin o hindi ko agad naiibigay ang gusto niya pero ok lang dahil sa huli ay linalambing naman niya ako pero pag tinotopak, sa sofa pa rin ang bagsak ko pag natulog. Pero Kailanman ay hindi ako nagalit sakanya, nainis pero ilang segundo lang dahil sa tuwing naiisip kong topakin talaga ang mahal na mahal kong asawa at ngayon dala dala niya pa ang panibagong Sy ay nabubura ang lahat ng negative vibes ko. Mahal na mahal ko talagang babaeng ito e.
After kong magluto ng tipikal na agahan at ng pancet-bihon ng asawa ko (oo pa ulit ulit dahil proud akong Asawa ko na siya at akin lang siya) ay inihain ko na ito sa lamesa. Maaga din kasi iyong magising kaya tamang tama lang na nagluto ako ng ganito kaaga.
Pagkatapos kong ihain ang pagkain ay lumabas na ako mula sa kusina dala dala ang kapeng tinimpla ko dahil sa sala ko na lang balak na hintayin siya.
Umupo ako sa couch at pinulot ang librong binabasa ni Kath para sa buntis. Hindi ko alam kong ilang beses ko na itong nabasa dahil sa kagustuhan kong mabantayan at maalagaan ng maayus ang mag ina ko ay sari saring libro na rin ang binasa ko at pinaulit ulit ito. Ilang beses na nga akong nasabihan ni Kath na baliw at OA ko raw, hindi naman ako ang nagbubuntis. Tsk. Sobrang saya ko lang naman na sa wakas ay misis ko na ang babaeng mahal ko at magkakaanak pa ako sakaniya, ito na ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Ang magkaroon ng Asawang tulad ni Kath at magkaroon ng anak sakaniya ay isang malaking blessing at hindi mapapantayang saya ang dulot non.
Hindi nagtagal ang pagbabasa ko ay narinig ko ang galit na boses ng maganda kong misis. Ang aga namang magalit nito.
"JAKE!"
Nasa taas pa siya ng hagdan kaya dali dali akong tumayo at patakbo ko siyang inakyat.
Salubong ang kaniyang kilay habang nakatingin saakin pero nginitian ko lang siya
BINABASA MO ANG
KUYA (My Lover)
Fanfiction"KUYA"? Tawag sa nakakatandang kapatid na lalaki yan diba? Pero paano kung ang katagang yan ay iba ang ibig sabihin dahil sa kakaibang nararamdaman?