Andrea Galang's POV
Hindi ako mapakali! Bakit?! Kasi simula kagabe hindi na nagtext sakin si JOSH!
Nakakainis! Ni hindi man lang niya tinext sakin kung nakauwi naba siya. Hindi ko naman siya mapuntahan kasi kailangan kong tulungan si mama sa paghahanda at nagaayos pa ako ng mga ipang reregalo ko. Hays.
Nasaan naman kaya yung lalaking yun? NAKO NAMAN PAG IYON TALAGA NALAMAN KONG NAMBABABAE MAKIKIPAGBREAK TALAGA AKO! Break agad diba? Ganun talaga ako kaselosa. Pero alam ko namang after a minute susuyuin na ako non. Wala eh ganun talaga ako! Kasalanan ko bang pag nagalit at nagselos ako eh hindi na ako makapagisip ng maayos? Bute nga hanggang ngayon kami parin ni Josh eh. Wala eh mahal talaga namin ang isa't isa :)
"Mami. Ok naba ang lasa?"
"Oo anak. Nako kung matitikman lang ni Josh yan lalo siyang maiinlove sayo!"
"Mi naman eh! Wag mo nga ako asarin hihi."
Oo legal kami ni Josh. Kay mama at kay papa. Kahit na yumao na si papa napakilala ko parin si Josh kay papa. Ang kaso sa sementeryo nga lang :( Hays. Miss ko na talaga si papa. Sayang hindi nanaman namin siya kasama ngayon pasko :( Tatlo lang tuloy kami dito sa bahay tuwing pasko. Pero kahit ganun lagi naman maraming pagkain at masaya. Matatakaw kami dito eh hihi.
Ay ano ba yan napakwento na ako. Hindi parin nagtetext si Josh! -3-
"mami? Pwede po ba ako lumabas sandale? Puntahan ko lang ho si Josh."
"Ah oo sige. Hinihintay panaman natin kumulo ang baka eh."
"Sure ka mami?"
"Oo anak sige go kana. Ingat ka ah."
"Opo mami."
Nagbihis na ako saka lumabas. Iisang subdivision lang naman kame pero magbibike ako. Exercise din hihi.
Nang makadaan ako sa may park bigla kong nasalampak ang bike at syempre nakaligtas. Ganto naman lag eh. Sorry naman hindi pa ako sanay sa bike pero sanay na akong nasasalampak ito at nakakatalon ako agad. Ang galing ko diba?
Aayusin ko na sana patayo uli bike ko pero may narinig akong nakapagpatigil sa mundo ko.
"Baby Josh naman eh."
"Ang kulit mo Ydel. Nako. Sige na nga."
Nakatingin ako ngayon sa nakangusong parang bibe na si Josh. At yung babaeng Ydel kung tawagin niya eh nilapit ang pisngi niya sa labi ng bibeng si Josh.
ABA NAMAN KAYA PALA HINDI AKO TINETEXT HAH?! ANO TO?!
"Ayiee Iloveyouu baby josh!"
"Iloveyoumoree a-- este baby Ydel! :)"
At aba nagyakapan pa? Wow. Wag na nga ako magpakita. Baka makaistorbo pa ako
Pinunasan ko ang luha sa mata ko. Sorry naman iyakin din ako eh. Bakit ba? Kayo kaya dito sa pwesto ko? Gusto niyo? Kayo masaktan? Sige dito kayo. Ako hihiga diyan at magbabasa. Tss
Sumakay na ulit ako sa bike at umuwi na. At kung kamalasan nga naman eh ayaw gumana ng break
"AAAAAAAAAHHHHHHHH!!!"
PAKSHET HAPDI NG TUHOD KO!
"Sus ginoo! Anak naman anong katangahan yan?!" Sabi ni mama sakin saka tumakbo papunta saakin.
BINABASA MO ANG
I was born to love you (editing)
Teen Fiction"Im so stupid that I fell inlove with my bestfriend. Akala ko mahal niya din talaga ako tulad ng pagmamahal ko sakanya. Pero iniwan niya ako. Ang mas masaklap. I don't have an idea where is he. All I know is. I still love him. And he's still in my h...