Prince and Ella Moment (Special Chapter 5)

365 2 6
                                    

Ella David's POV

December 23 na ngayon. At dahil bukas family bonding ang kailangan eh ngayon nakami naglibot libot SPG and together with Kent with friends. Kailan paba kami napaghiwahiwalay? HAHAHA

Mamimili narin kami ng regalo namin ngayon. Maghihiwa-hiwalay rin pala kami mamaya. BY PARTNERS HAH! WOW NAHIYA NAMAN AKO SAKANILA -____-

Pero syempre kumakain muna kami  ngayon dito sa Sbarro. At dahil puro 2seats lang lagi dito. BY PARTNERS ANG ARRANGEMENT. Ok. Ako na kawawa. Ako naman lagi. LAPASTANGAN SINO MAN MAY ARI NITONG SBARRO!

Ay teka. Hindi lang pala ako ang kawawa dito.

"Prince."

"Hmm?"

"Lalo ka masasaktan kung patuloy kang tititig sakanila."

Bigla siyang napaharap sakin at ngumiti.

"Huwag ngumiti kung hindi totoo. Mukha kang aso pag ganyan Prince."

"Hays. Masakit parin Ella."

"Nandito naman kasi ako bakit kailangan mo pang magpakabaliw kay Krisha"

Normal kong pagsabi. Sanay na ako dito. Ulit ulit ko nalang iyan sinasabi sakanya eh. Pero gaya ng dati

"Pffft. HAHAHAHA! Loko ka talaga Ella! Lagi mo nalang ako binibiro."

Tinignan ko nalang siya saka ngumiti. Saka tumingin ulit sa kinakain kong pizza

"Aba himala hindi ka nakipagtalo?"

"Alam mo Prince? Kahit makipag talo ako hindi mo parin naman ako paniniwalaan."

"E-ella."

"Kahit ilang beses kong sabihin sayo hindi kanaman naniniwala eh. Ilang beses ko na ba nasabi sayo nararamdaman ko? Teka. Ilang beses mo narin ba pinagtawanan?"

"S-so--"

"Don't be. Sandale mag CR lang ako."

Sabi ko sakanya saka tumungo sa CR. Pagpasok ko tumitig nalang ako sa salamin. Ano bang wala sain na meron si Krisha? Ako lagi nasa tabi ni Prince simula noon. Pero ni minsan hindi man lang niya ako nilingon. Kung lumingon man siya sakin laging si Krisha nasa isip niya. Hays. Prince Julian Pineda. Kailan mo kaya ako mamahalin? Okaya ok lang kahit huwag mo muna ako mahalin. Pero sana naman maniwala ka na saking mahal na talaga kita. Hay nako

Natawa nalang ako sa itsura ko. Grabe para akong baliw na umiiyak sa harap ng salamin. Nako kaya mo pa yan Ella David! FIGHTING!

Hinilamusan ko na ang mukha ko saka lumabas muli.

"Umalis na sila. Nagkanya kanyang lakad na."

"Si Kirt?"

"As always. Loner. Tara?"

"Tara." Sabi ko saka nginitian siya.

"Sorry kani--"

"No. Kalimutan mo nalang yun Prince. Pasensya na. Nagdrama nanaman ako ehehehe" Sabi ko saka nauna ng maglakad sakanya.

I was born to love you (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon