Chapter 26: New Year

297 5 9
                                        

Krisha's POV

"Ve"

"Hmm?" 

"Parang."

"Ano?"

"Bakit"

"ANO NGA?!" Iritang tanong ko dahil sa feel ko nandadaya na siya

"Ano kasi ano."

"Nyeta Kent Vince! ANO NGA?!" Pero kahit ganun eh nakatitig parin ako sa TV

"Bakit parang hindi pa tayo nagaaway ngayong araw na to?"

"Sa ginagawa mo ngayon baka magaway na tayo."

"Ano ba. Joke lang naman. I love you Ve."

"Wag mo ako idadaan diyan. Psh."

"To naman masyado ka seryoso."

"Ayaw kong maghugas ng plato mamaya eh!"

"Hayaan mo na ko manalo please."

"Leche Kent seryoso ako. Manahimik kanalang."

Ano ba ginagawa namin? Naglalaban. Tekken. Xbox lol. Ewan natripan namin. Or gawa narin ng katamarin namin. Ang matalo siya ang maghuhugas ng plato dito sa bahay nila. RIGHT BAHAY NILA! AKO ANG BISITA KAYA DAPAT SIYA UMASIKASO KASO LECHUGAS NA NAPAKATAMAD!

"Bakit ba kasi umalis sina mama."

"Diba nga biglaan kailangan nilang magpunta sa Germany for some reasons?"

"Eh bakit yang kapatid mong si Travis naman nakipag sleep over pa? Pambabae lang yun diba?"

"Pake mo ba dun?"

"Si ate Nhey din iniwan tayo"

"Kent. Kung style mo yan tigilan mo ako! Hindi ako magpapatalo swear!"

"Edi new year. Tayong dalawa lang?"

Hindi ko nalang siya sinagot. Ang hirap niyang talunin kainis.

"Ang boring naman nun kung tayong dalawa lang?"

Krisha. Focus kung ayaw mong maghugas ng plato.

"Ano pa kaya pwedeng gawin mamaya para naman hindi tayo mabored?"

Huwag pansinin. Mata sa laro.

"Ah Asawa ko. Gusto mo gumawa tayo ng baby mamaya?"

Krisha. Kamay sa---

"ANO SABI MO?!" pasigaw kong tanong sakanya at lumingon.

"Ang sabi ko, talo kana! Yees!!"

Ohsht. Naisahan ako dun ah!

"HWAAA ANG DAYA MO KENT! I HATE YOU I HATE YOU!"
"A-AARAY! THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE!"
"NAKAKAINIS KA!" pagpatuloy ko parin paghampas sakanya.

Nakakainis! Napaka daya niya! Kanina pa nga ako naglilinis dito sa bahay nila eh. Paano kaya ang dumi LALO NA YUNG KWARTO NIYA. Grabe lang. Pasalamat siya eh mahal ko siya naku!

I was born to love you (editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon