Chapter 29: Ang tanga ko

311 2 5
                                    

Krisha’s POV

Eyebugs, check.

Puffy eyes, check.

Red nose, check.

Bagsak na pisngi, check.

Hindi naman halatang umiyak ako diba? Diba?

Sinubukan kong ngumiti ulit pero parang may sarili itong isip at kusa itong bumabagsak.

Hay ayaw ko sana pumasok dahil sa itsura ko at dahil sa hindi ko pa siya kaya harapin. Pero para sa Long test namin sa AP kaya ko ito! Sana nalang may maisagot ako mamaya.

“Ate mukha kang zo—ARAY MOMMY MASAKIT!”

Ngumiti nalang ako kina Mama at Travis kahit na alam kong hindi sila maniniwala sa ngiting iyon. Oo na. Ako na ang hindi marunong magtago.

Hindi ko kaya magpretend maging masaya lalo na’t kung sobrang sakit ng aking nararamdaman. Kasalanan ko ba? Kasalanan ko bang minahal ko siya ng sobra? Osige sabihin na nating sobrang bata ko pa para lang magdrama ng ganito. Pero pakshet lang. Napipigilan ba ang pagmamahal at pagiging tanga?!

“Krishaaa!” Narinig kong sigaw ng SPG at saka sila sabay sabay nagsitakbuhan saakin.

“Totoo ba?!”

“Bakit?!”

“Bakit mo ginawa?!”

“Ano nangyari?”

“Ok kalang ba?”

“Kaya mo pa?”

“Huwag kang magpapakahina hah!”

“Nandito kami para sayo.”

Sunod sunod na sabi nila. Hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko at naiyak nanaman ako. Oo nga naman Krisha. Nandito sila oh. Handa silang pasayahin ka. Hindi lang si Kent ang mundo mo. Huwag kang tanga.

So day must go on. Eh ano ngayon kung wala na si Kent? Kaya mo yan Krisha! Malakas ka diba? Kay Mark nga nakamove on ka. Kay Kent pa kaya?! Go Fight lang sa buhay sabi nga ni Jackie sa Para sa Hopeless Romantic.

Laking pasalamat ko nalang at nakapasa parin ako sa AP kahit na bangag ako. Diba sabi ko sayo Krisha eh. Matatag ka. Krisha Venice Flores? Magpapakatanga? No way.

Pero, Pakshet masakit talaga. Kahit na anong gawin ko hindi ko kaya.

“Miss Flores? Are you ok?” Pansin saakin ng Chemistry teacher namin. All eyes tuloy sakin nakatingin. Bwisit.

“Uhm miss sorry. But I’m not feeling well.”

“Oh you may go to clinic na ija. Baka mapano ka pa.”

I was born to love you (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon